[S3/C9] Kabiguan, Pagbihag

10 0 0
                                    

~Chris's POV~

*A Small Hut near the Undead Ground Safe Zone*

Pagbalik ng aking gunita ay nakahiga na ako sa isang kama ng isang kwarto sa isang di kilalang lugar. Sinubukan kong tumayo pero nagproprotesta ang lahat ng parte ng aking katawan. Kaysa pilitin ang sarili ko, ay iniligid ko na lang ang aking paningin sa kwartong kinalalagyan ko. Gawa sa kahoy ang bahay at halatang mahirap ang nagmamay-ari sa bahay na ito. Dahil maraming butas ang bubong niyon at ang mga kagamitan doon ay inaalikabok na at halatang luma na ang mga gamit rito. Ang tanging gamit rito na maayos ay ang kama na kinahihigaan ko at side table sa na katabi nito, na parehong nilinis kamakailan lamang. Sinubukan ko uling tumayo nang may biglang pumasok sa Pintuan ng bahay na iyon.

Tumakbo sya patungo sa akin at pinigilan akong tumayo bago sya magsalita "Strike! Wag mong pilitin ang Sarili mong tumayo. Kung tutuusin nga, Maswerte ka't nabuhay ka pa matapos mong magpakuyog sa napakaraming Death Guards na yon eh" Inihiga nya muli ako sa kama.

May biglang sumakit sa bandang likod ko pero ininda ko iyon, kinausap ko ang taong nagsasalita na walang iba kundi si Jennifer "A---nong nangyari sa kin? Ang huli kong naaalala ko ay nilalabanan ko ang Isang Pulutong ng Death Guards habang tinuturuan ako ni Strike kung paano gamitin ang mga Skills ng isang Warrior. Nang mabanggit nya sa akin ang tungkol sa Battle Mode 2, naisip kong gamitin iyon matapos kong gamitin 'yon, Wala na kong maalala"

huminga muna ng malalim si Jennifer bago sya magsalita "Ganun ba? Di ko rin masyadong alam kasi huli na kong dumating, Basta, walang habas mong inaatake ang mga Mobs ng Karit na syang naginging anyo ng sandata mo kapag ginagamit mo ang Battle Mode 2, Habang isinisgaw mo ang pangalan ni..." nag-iwas sya ng paningin bago ituloy ang sinasabi "...Regine." tumingin uli sya sa akin matapos kunin ang isang Gamot sa Mesa, habang haawak niyon ay nagpatuloy sya sa pagsasalita "Napansin ko rin na Kumikislap ng pula ang mata mo habang nasa BM2 State ka, na ngayon ko lang nakita sa isang Warrior na nag-BM2 at wala ka sa ulirat habang nasa BM2 State ka"

Pinainom nya ako ng gamot. Mapait pero nang dumating iyon sa aking sikmura ay naramdaman ko ang ginhawang dala ng gamot. Sinubukan ko uling tumayo pero maagap sa pagpigil si Jennifer. "Anyways tinulungan kitang patayin ang mga halimaw, pero nang matapos ang BM2 mo, agad kang nawalan ng malay. Ang prayoridad ko ay iligtas ang buhay mo. So, hinatak na lang kita -kahit mabigat ka- papunta sa lugar na konti ang mobs At agad akong gumamit ng Return Stone. At dinala kita rito." Sinipat nya ang leeg ko at iba pang vital parts ng katawan ko saka nagtanong "Ano kaya mo na bang tumayo? malayo-layo ang pupuntahan natin."

Agad kumurba ang kilay ko habang tumatayo, na ikinagulat ko dahil sa nakatayo ako agad "Sa palagay ko"

Sinilip nya muna ang labas bago uli humarap sa akin "O sya tara na!"

~Bradice's POV~

*Desert Scream Outpost*

Napalunok ako nang hanapan ako ng Nagpakilalang Instructor ng Disyertong ito ng "Level License". Nang idinahilan kong "Isa akong Bagong Mandirigma" ay hinihingi nya pa rin ang Lisensya ko. Tumigil lang sya sa pangungulit nang makatanggap sya ng mensahe mula sa Mensahero. Ang nasabi na lang nya ay "Umupo ka muna dyan sa Kahon na yan" itinuro nya sa akin ang kahong maliit na nasa harap nya, at binigyan nya rin ako ng tubig dahil kanina pa ako nauuhaw.

Iniisip ko ang mga susunod kong gagawin nang biglang...

"Magandang Hapon, Mr. Soul Emmisary"

Nilingon ko ang tumawag at naubos ang dugo sa mukha ko.

~Regina's POV~

*Green Despair Outpost*

Nagtatanong-tanong ako sa mga tao rito sa lugar na ito, pero wala silang masabi sa kin kundi, "Ewan ko" at "Di ko alam"

Umiyak na lang ako sa isang sulok. Pero hindi ko inaasahan na may kakalabit sa akin. Nilingon ko iyon at ngumiti ang kumalabit sa akin.

"Matutulungan kitang hanapin ang kaibigan mo, iha. Basta Sumama ka lang sa kin"

Samahan ko kaya ito? Mukha syang kahina-hinala.

*End of [S3/C9] Kabiguan, Pagbihag*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon