[S4/Prologue] Pagsara ng Mata

4 0 0
                                    

*Ashe's POV*


"Ano na kaya ang nangyayari sa Totoong Mundo?" Tanong ko sa kawalan, habang nakaupo sa tabi ng isa sa mga Kanyon na di na gumagana sa Labas ng Port Lux. Nakatulala nanaman ako sa Lawa sa harap noon. Makailang beses nang nangyayari sa akin to. Buhat ng iligtas ko si Chris mula sa tiyak na kapahamakan sa Spada Brillante. Ilang ulit ko na ring ibinato ang katanungan na yan, umaasang maririnig ako ng Mahiwagang Boses na nagdala sa akin sa mundong ito.


"Talaga bang nais mong malaman, Mata ng Lawin?" Emosyonal na tugon ng boses. Kasabay niyon ang pag-ihip ng hindi maipaliwanag na lakas ng hangin na abot hanggang kaluluwa ang dulot na lamig.


"Oo, nag-aalala lang kasi ako. Baka kasi habang naglalakbay ako dito, at ginagawa ang misyon ko, ay may nasasaktan na pala akong tao na naiwan ko doon" Sagot ko. "Naiintindihan ko Mata ng Lawin" Muling humangin ng malakas at tinangay na sya kasama noon.


~Real World: Ashe's House~


Sa lakas ng hangin ay hindi ko napigilang mapapikit, at pagdilat ko, nasilayan kong muli ang aking Kwarto. Sa aking kama, nakita ko ang aking ina, umiiyak hawak ang aking Regalong Panyo sa kanya noong huling kaarawan nya. Kulay Puti ito at may Burdang Pangalan nya. Patuloy pa rin sya sa pag-iyak ng ako ay lumapit. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, ngunit sa aking pagkagulat, ni hindi nya ako naramdaman. Noon ko lang napansin na para lang akong hangin, may porma ang aking katawan ngunit hindi nakikita ninoman.


"Hindi ka nila makikita, isa ka lamang multo dito dahil may misyon ka pa sa mundong iniwan natin" Saad ng Lawin. Sasagutin ko pa sana sya ng biglang magsalita ang nanay ko.....

"Anak, bakit ka nawala agad, ang dami dami naming pangarap para sa yo. Mahigpit kami sa yo, oo, pero iyon ay dahil napakalaki ng takon namin na masira ang kinabukasan mo. Lalo na ng makita mo yang lalaking yan" Naluluha ako sa sinasabi ni nanay, ngunit ng marinig ko ang huling parte ng sinabi nya ay saka ko lang din napansin ang Litrato ng aking Kasintahan sa kama. Kasama ako sa larawang iyon. Pareho kaming nakangiti at magkayakap sa kuhang iyon sa Bantayog ni Rizal sa Luneta.


"Maari bang dalhin mo ako sa taong kasama ko sa larawang iyon?" Pagsusumamo ko sa tinig na kausap ko, hindi naman nya ako binigo, umihip uli ang hangin, at bago mawala sa paningin ko si nanay, nakita kong napatingin sya sa direksyon kung saan ako nakatayo kanina.


~Real World: Luneta Park~

"Dito? Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa tinig. Tumugon ito "Dahil nandoon sya sa harap ng Bantayog na iyon at naglalasing mag-isa" Itinuro nya ang hakbang ng hagdan kung saan nakunan ang larawan namin, at naroon nya sya, may hawak na Serbesa at isa nang Taong Grasa. Nalungkot ako sa aking nakita at agad na nagpasya.


"Isusuko ko na ang Misyon ko. Hindi ko na kaya pang malaman na nasasaktan ang mga taong pinakamahalaga sa buhay ko." Matatag kong pahayag. Pero matigas ang Tinig "Pero paano si Chris? Wala ka bang naramdaman para sa kanya?" Yumuko ako bago sumagot "Oo, meron, pero wala na iyon ngayon. Ang tangi kong nais ay makabalik sya rito ng ligtas." Matapat kong pag-amin.

"Sige, bahala ka, pero may kondisyon bago ka makabalik"


"Ano yon?"

"Humanap ka ng Kapalit mo sa Misyon mo" Simple pero may laman nyang sabi.


Tama nga naman, syempre kapag umalis ako, dapat maghanap ako ng kapalit. "Sige, at may nakilala akong Character sa CABAL na maaring maging isang perpektong pamalit sa akin. Isa rin syang Archer, pero may kababaan ang Level License nya. Ngunit, malapit sya kay StrikeForce54 - kilala dito bilang si Chris - at maliban doon, mayroon akong nararamdaman na kakaiba sa kanilang dalawa. Gusto mong malaman kung sino?" Paglalahad ko sa tinig.


"Oo, sabihin mo sa akin ang pangalan nya, at pupuntahan natin sya ngayon din.


"Sige, ang pangalan nya sa CABAL ay si xdandiely"


*End of [S4/Prologue] Pagsara ng Mata*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon