[S2/C16] Sa Gitna ng Unos

19 0 0
                                    

~Chris's POV~

~Dream World~

Pero hindi tulad ng mga pagbabalik-alaala ko, sangkaterba, at halo-halo ang mga alaalang bumabalik sa akin. Ang mga iyon ay wala sa ayos, parang mga piraso ng isang puzzle. Ipinagtataka ko rin kung bakit ganon, ngunit sinubukan kong analisahin ang mga piraso ng alaalang nakatambka at nakakalat sa utak ko.

Karamihan sa mga nasaksihan kong mga Langyayari sa buhay ko ay ang mga pagpaparaya ko sa mga kaklase ko, mga pagpapalampas ko sa mga oportunidad sa nakaabang sa akin para sa mga kaibigan ko, pagpapaubaya ko sa mga kapatid ko ng mga bagay na dapat ay sa akin na pero sa kanila pa rin napupunta dahil di man lang ako nagproprotesta, para na rin walang gulo at away.

Bigla kong napagtanto, hindi pala ako ang klase ng tao na palaban, lalo na kung may masasagasaang ibang tao. Hindi ko ipinaglalaban ang sa palagay kong tama, lalo na kung wala namang kakampi sa akin, para suportahan ako.

Nalaman ko rin na sobra pala akong mapagparaya. Pati ang mga bagay na dapat ay sa akin na ay ipinauubaya ko pa sa iba.

Matapos kong malaman ang katotohanang iyon ay nadagdagan pa ang mga nagkagulo-gulong alaala ng Langyayari sa mala-roller coaster kong love life. Ang panahon kung kailan unang nabuksan ang puso ko sa Salita at Konsepto ng "Pag-ibig". Ang kabiguan, pagbangon, at... ang katotohanan sa nararamdaman ko.

At isa lang pala ang katotohanan... hindi ko rin pala iyon mababaluktot... hindi ko rin matatakasan... si Regine pa rin... at kahit siguro mamatay na ko ngayon... sya lang ang mamahalin ko... ang laki kong sira noh? Tatakasan ko pa ang minamahal ko... pero bakit nga ba...?

"Dahil di ka nya mahal" bulong ng isang parte ng utak ko... may halong pang-uuyam ang pagkakawika ng mga katagang iyon.

"Anong hindi mahal? Sya na mismo ang nagsabing mahal nya ko" kontra ng puso ko, may manipis na bakas iyon ng pag-asang may katotohanan ang kanyang mga nasabi.

Malinaw na sa akin ang lahat... mapagparaya ako... duwag ako... hindi ako marunong lumaban... pero dapat ko nang baguhin iyon... for once... dapat kong ipaglaban ang nararamdaman ko... walang bahala na... dapat pumalag... kahit walang tsansang magtagumpay... ang mahalaga... lumaban ako...

~Dream World Ends...~

~Regina's POV~

Napakabilis ng mga Langyayari. Isang sandali lang ang nakalipas, tinititigan ko ang mga mata ni Chris. Matang Punung-puno ng pagkagulat. Sa loob ng isang segundo, nakita ko syang papalapit sa amin. At sa huling segundo, isang humahagibis na Taxi ang bumangga sa kanya. Tumilapon sya ng ilang metro dahil sa bilis ng taxi at lakas ng impact niyon sa kanya.

Hindi nagtagal, nagdagsaan ang mga usisero. Gustong malaman kung ano ang nangyari. Sing bilis ng pagdami nila ang bilis ng pagtulo ng mga luhang di ko na namalayan na awtomatiko na palang umagos mula sa mga mata ko. Isinigaw ko ang panglan nya, at matapos noon, kahit na anong pigil nila Bradice, tinakbo ko ang duguang si Chris na nakahandusay pa rin sa Kalsada. Napansin ko ang Driver ng Taxi na puting-puti ang buong katawan, parang nawala ang lahat ng dugo sa katawan nya. Di ko na muna pinansin iyon. 

Agad akong nakipagsiksikan sa mga usisero. At nang makita ko ang anyo ni Chris, napasinghap na lang ako. Parang gripo na mahinang binuksan ang pag-agos ng dugo mula sa sugat na nasa ulo nya. Sa kada segundo, paputi nang paputi ang katawan nya. Senyales na malapit nang maubos ang dugo sa katawan nya. Pero nang akala kong wala na talaga syang buhay, dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata. At nang makita nya ako, napangiti siya. Isang maliit ngunit busilak na ngiti. Nagsalita sya;

Chris: *masaya at paputol-putol na nagsalita sa kabila ng kanyang sitwasyon* Sabi ko na! Di mo rin ako matitiis. *umubo at may lumabas na dugo, paputol-putol uli kung magsalita na nagpatuloy, halatang hirap na syang magsalita* Teka paano mo nalaman na paalis ako ng bansa?

Regina: *umiiyak na niyakap si Chris* Nalaman ko kina Sofia. Pero hindi na importante yon! *binulungan si Chris, mabagal at parang mahihimatay* Dapat ay mabuhay ka!

Chris: *umubo-ubo, mas marami nang dugong lumabas sa kada ubo nya* Ok lang na mamatay na ko ngayon. Ang importante, mamatay akong ikaw ang huling makikita ko. *umiikot na ang mga mata, wala na ito sa focus* Sa---na ma--la--man mong... Mahal...*nawalan na sya ng malay*

Regina: *nanlaki ang mata sa nakitang wala nang malay na si Chris at matapos ay sumigaw* Chris! Wag kang mamatay! Please!

At matapos noon, may mga kamay na humila sa akin, palayo sa akinng minamahal, palayo sa tanging dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon. Ipinagpanalangin ko na lang ang kanyang paggaling.

~Fast Forward: 12:00PM December 26~

~Bradice's POV~

Magdamag na kaming naghihintay nila Sofia, Regine, Waren, Resty, at ako, sa resulta ng Operasyon kay Chris. Hindi kami makapag-isip lahat ng matino. Hindi namin akalain na aabot pa sa ganito ang pagpiggil namin sa pag-alis ni chris papuntang ibang bansa. Sinilip ko ang Ilaw na nasa taas ng pinto ng Operating Room. Namatay na iyon. Pagkamatay noon, isang kakaibang bagay ang nangyari, tumigil ang oras!

Sinilip ko ang lahat ng tao sa paligid. Ang mga batang naglalakad sa pasilyo, mga nurse na nagpapaikut-ikot sa pasilyo, at lahat ng taong abot ng aking paningin. Nakatigil silang lahat.

Pagilip ko sa Pinto ng Operating Room, isang tao -pero hindi mukhang doktor, mas mukhang MIB iyon dahil sa suot nyang amerikana at pantalong itim- ang lumabas mula sa pinto niyon. Isang babae. May hawak syang isang kahon na lumang-luma na ayon sa mga gasgas at alikabok na nakadikit roon. May anim na simbolo iyon. Isang Malapad at malaking Espada na nakatagild, Dalawang manipis na Espadang magka-ekis sa isa't-isa, Bilog na may Triyanggulo sa loob, Pana, Bilog uli na may triyanggulo sa loob at may isang nahilig na espadang mailiit, at isang maliit na espadang nakasandal sa isang pananggalang. Nakapalibot iyon sa Lagayan ng Susi, na napansin ko ay kahugis ng isang palad ng tao. Nagsalita ang babae.

???: *tinignan kaming lahat* Sino sa inyo ang nagngangalang "Christian Montemayor"?

Lahat kami ay napatingin sa babae. Papaano nya nalaman ang Pangalan ni Chris?

*End of [S2/C16] Sa Gitna ng Unos*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon