Ang engkwentro kong iyon kay Sofia noong unang lunes ng Pagiging estudyante ko sa UP - well, in technicallity hindi naman ako nakapasok noong araw na iyon dahil "Na-Set Up" nga ako - at ang mga kakaiba kong naramdaman sa babaeng iyon ang umalipin sa isipan ko sa mga nagdaang araw. Sa sobrang kakaisip ko nga sa kanya, yung huling Romance Novel ko, ang pangalan nya ang naisulat ko bilang pangalan ng Leading Lady.
Sa School, maayos naman, pero humihirap na ang mga Subject namin. Lalo na pag ikaw na pinagpapaliwanag. Ang lakas ng Pressure lalo na pag maraming hindi naliliwanagan sa pinapaliwanag mo. Pero nalampasan ko naman yon ng matiwasay. Maliban sa isang bagay. Sa PE namin ay kaklase ko si Sofia. At ang hindi ko maipaliwanag, may katabi syang tatlong babae na ginagawa syang PA (Personal ALILA). Di pa nga nagsisimula ang PE eh halos himatayin na ang pobre sa pagod. Sa dami ng bags na bitbit nya (3 Traveling Bags na di ko alam at maipaliwanag kung ano ang laman). Kinakamusta ko rin sya paminsan-minsan, pero ilag sya sa akin. Pinagpapasalamat ko lang sa Diyos na bawal ang Media sa loob ng Campus, especially in Class Hours. Dahil kung hindi ay inulan na ako ng mga tanong at batikos kahit nasa klase ako.
At sa Routine na ito lumipas ang apat na buwan ko bilang estudyante ng UP. Next thing na nalaman ko, October 10 na. Biyerner, at may kakaibang kaganapang nanamang naganap. Kinorner uli ako ni Sofia, ang pinagkaiba lang ginawa nya ito pagkatapos ng Klase namin sa PE. Binulungan nya ang mga kasama nya at ibinigay - o mas tamang sabihing ibinato nya ito sa kanila - ang mga bag na hawak nya. Lumapit sya sa akin at nahulaan ko na may kailangan syang mahalaga, base sa kakaibang kislap ng desperasyon sa kanyang mga mata. Bago ko pa sya natanong ay nakapagsalita na sya;
Sofia: *nagmamadali* Chris, pwedeng humingi ng Favor?
Chris: *tinimbang ko ang tono nya* Shoot, ano ba yon?
Sofia: *nakayuko syang nagsalita* Pwedeng samahan mo ako sa Group Date naming magkakaibigan sa Linggo? Kaka-break lang kasi namin ng BF ko, eh matagal nang ayos yung petsa na yon. In short, wala nang atrasan. Di naman akong pwedeng pumunta ng walang kasama, para akong sira nun. Group Date tapos ako walang ka-date. Sige na huling pabor ko na to sa yo. Promise di na kita guguluhin pagkatapos nito.
Anak ng kamoteng baging na nakatanim sa Sala ng Bahay ko! Anu sya mamatay pag di sya nakapagsama ng Date sa araw na yon? Pero may biglang umahon na kakaibang lamig sa buo kong katawan ng maanalisa ko ang sinabi nya. Hindi na nya ko aabalahin kailanman? Parang hindi naman ata fair yun! Pagkatapos nyang bulabugin ang buhay ko ngayon parang wala lang ganon? Pero may kakaiba uli sa tono nya. Parang nagsisinungaling lang sya. Papayag kaya ako? Hindi naman masama kung pagbibigyan ko sya. Isa pa gusto ko rin malaman ang totoong dahilan kung bakit para syang alipin ng mga babaeng iyon na minsan ay pinakilala nyang "Kaibigan" nya - daw - Diba ang kaibigan dapat di mapanglamang? Ah basta kailangan kong alamin kung ano ang problema ng babaeng ito at tulungan sya kung anuman ang problemang iyon!
Chris: *buong tapang na sumagot* Sige. Tutal matagal na akong di gumigimik. Isipin ko na lang na Gimik to. Oo nga pala saan tayo magkikita?
Sofia: *lumiwanag ang mukha nya* Thanks ah, laki na ng utang ko sa yo. Sa Harap na lang ng SM Fairview. Doon ang Venue eh. Text na lang kita kung nandoon na ko
Chris: *nagtaka* Huh? Venue?
Sofia: *namula ang pisngi* Ay lugar pala ng kita-kita. Sige alis na ko ha. Kita sa Sunday ha! *tumakbo na sya, hinabol ang mga kasama*
Alam kong may kakaiba at mali sa ikinikilos ng babaeng iyon, at kapag may masama akong hinala, isa lang ang taong kinakausap ko. Si Bradice!
Agad akong umuwi. Kinansela ko ang lahat ng lakad ko dahil alam ko namang hindi rin ako makakapag-isip ng matino at maglalakbay lang ang isip ko sa kawalan. Pagpasok ko ay agad kong binuksan ang Desktop PC ko at sinaksak ang Wireless Internet sa USB Port. Sabay Log In sa YM. hindi ito ang Tamang Oras para maglaro ng CABAL at mag Mission War (Para manatiling Guardian), sabi ko sa sarili ko. Paglabas ng Contacts ko ay Offline ang Status ng loko. Sinubukan ko syang i-BUZZ! dahil madalas na "Invisible to Everyone" ang Status nya. Para iwas Spam dahil hanggang sa ngayon ay GG addict pa rin ito at madalas inaabot ng hatinggabi sa paglalaro ng DotA. Sinagot din nya ako agad ng BUZZ! Nice Buhay sya, pero sana di ko sya naabala. Agad ko syang kinausap;
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
Hayran KurguThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...