[S2/C19] Ikalawang Pagkakataon

17 0 0
                                    

~Bradice's POV~

Ilang sandali kaming natulala sa nakita naming kaganapan sa kanina lamang ay parang patay nang katawan ni Chris. Tumayo na kami sa aming pagkakaupo sa sahig -habang kinuha ko ang kahon na nakalimutan na ng lahat- para tignan kung totoo ang nagaganap. At nang makalapit na kami, saktong dumilat ang mga mata ni Chris. Tuwang tuwa kami, pero kung nasiyahan kami sa aming nakita, si Regine ay parang napunta sa alapaap sa laki ng kaligayahan. Napaka-lapad ng ngiti sa kanyang mga labi at umiiyak sya, ngunit hindi iyon luha ng hinagpis o lungkot, luha iyon ng ligaya. Si Sofia ay nablangko. WAla ni isang matinong damdamin ang nakarehistro sa mukha nya. Sila Waren at Resty ay nag-apir at tahimik na pinagmasdan ang pagbuti ng kalagayan ni Chris. May parang isang maliit na tinig ang nagmula kay Chris ngunit di namin mahinuha kung ano ang sinasabi nya. Pinilit na lang namin syang matulog uli, para manumbalik ang kanyang lakas.

Ako na rin ang nagmungkahi na ibalita sa Doktor ang nangyari sa kwarto -syempre hindi namin sasabihin ang tungkol sa naganap na Engkwentro, na di pa rin naman malinaw sa kin kung totoo o hindi- na dumilat at nagkamalay na si Chris.

Nasa Opisina na kami ng Doktor ng kausapin ko ang aking mga kasama. Ako na ang tatayong lider ng mga ito;

Bradice: *humarap sa mga kasama, seryosong nagsalita* Ok guys, alam kong pagod na kayong lahat. *Kinuha ang wallet, naglabas ng pera at inabot sa mga kasama* O hayan umuwi muna kayo at magpahinga, alam kong napagod kayo sa mga nangyari ngayong araw, *pabulong* Not to mention ang nangyari sa arena *nilakasan uli ang boses sa normal na lebel* So hindi ba kayo nasugatan?

All: *iling-iling* Hindi naman

Regina: *hinihimas ang braso* Pero parang masakit ang mga buto ko. *Tinignan ang mga kasama* Ok lang ba na magpa-check-up muna ako bago ako umuwi?

Sasabihin ko sanang wag na at baka maghinala ang mga doktor kung ano ang nangyari sa kanya, pero binigyan nya ako ng isang matamis at makahulugang titig, at iyon at sapat na para malaman ko ang binabalak nya.

Bradice: *tumango* Ok Gine, Since di ka naman pwedeng basta-basta na lang umalis ng hindi ka talagang ok, Yari ako sa Parents mo *tumingin sa iba pang mga kasama* Ok Lahat kayo ay umuwi na, matulog, kumain at magpahinga. Ako na ang magbabantay kay Chris. *sinilip ang relo* Pero Bumalik kayo mamayang umaga ah! Ako naman ang magpapahinga.

Sumang-ayon naman sila sa mungkahi ko. Matapos magpaalaman ay Umalis na sila -maliban syempre kay Regine-. Ako naman ay pupunta na sana sa Opisina ng Doktor ng Pigilin ako ni Regine;

Regina: *himig-pakiusap* Bradice, Libangin mo si Dok ah!

Bradice: *hinawi ang kamay ni Regine na nasa balikat ko* Oo wag kang mag-alala. *ginaya ang flat tone ni Dok* Pero tatlumpong minuto lang ang kaya kong ibigay na oras sa yo ah!

Regina: *tumawa at hinampas ako sa braso* Ok Fine! Ingat ah *kumaway habang paalis*

Umiling-iling na lang ako bago ko pasukin si Dok, Para "libangin"...

~Chris's POV~

Kahit na mahirap para sa akin ang dumilat at gumawa ng anumang pisikal na gawain ay pinilit kong dumilat. Parang isang taon ang binilang ko bago ko uli iyon nagawa. Kanina ay naulinganan kong nandito sa kwarto ko silang lahat, pero malabo pa ang takbo ng isip ko para ma-analisa kung totoo nga iyon, parang may basehan nga ang ingay na gumsing sa akin kanina, kung hindi bakit pa ko nagising?

Ni simpleng pagpihit ng ulo sa ibang direksyon ay nakakaubos ng lakas. Ngunit ng maaninag ko kung sino ang taong nasa pinto ay parang unti-unti akong binibigyan ng purong enerhiya para gumalaw. Sa sobrang pagkapuro niyon ay hindi ko makontrol. Kakaiba rin ang lakas na iyon dahil parang pinipigilan ako niyon na umalis sa kamang hinihigaan ko, na siya kong unang balak gawin ng mamukhaan ko ang taong nasa pinto. Dahan dahan syang lumapit, at nang makalapit sa aking kama ay ikinagulat ko pa nang siya'y magsalita;

Regina: *paputol-putol pa ang boses sa sobrang saya* Chris?... Totoo ngang buhay ka... *napatingin bigla sa sahig habang napamulahan ng pisngi* Ok ka na ba?

Gusto kong matawa kung bakit sa lahat ng tanong yon ang namutawi sa labi nya. Of Course di pa ko okay! Kita namang nakahiga parin ako dito sa kamang ito diba? Siguro kung okay na ko...

Nagulat ako sa ginawa nya. Hinalikan nya ako. It was a soft, gentle kiss na nagpapahiwatig ng isang Lubos na pagmamahal. Ngayon ko lang nalaman, mahal nya talaga ako.

Regina: *kumalas sa paghalik* Ngayon alam mo na. Magiging okay lang ako kung taggap mo na mahal kita. Madali lang iyon. Sana makapagsimula uli tayo ng isang bagong simula, isang ikalawang pagkakataon.

Chris: *buong sinsero na tinitigan ang mata ni Regine* Oo. Mayroon pang pangalawang tsansa. Wag na nating sayangin.

At matapos noon ay nanaig ang isang pagmamahalang sinukat ng panahon...

*End of [S2/C19] Ikalawang Pagkakataon*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon