[S4/C1] Palitan ng Responsibilidad

4 0 0
                                    

*Ashe's POV*
~Green Despair~


"Hoy Ashe, nasaan na ba yung FA na sinasabi mo?" Iritang pukaw ng Mahiwagang Tinig sa paghahanap ni Ashe sa Babaeng nagngangalang 'xdandiely'.


"Relax ka lang dyan, ayon sa nakalap kong Tsismis, nandito lang daw yon sa Green Despair, nagpa-powertrip sa PvP Area dito na malapit sa Training Dummies" pagpapakalma ko sa tinig habang papalapit kami sa lugar na aking tinutukoy.


"At parang sya na yon ah" Pukaw nya sa aking atensyon mula sa mga nagpi-PvP papunta sa direksyon kung saan may dalawang babaeng nakaupo malapit sa Huge Spider Spot. Halata sa mga ito na masaya ang topic ng kanilang usapan. "Teka sino ang kasama nya? Akala ko ba laging nagso-solo yun?" Takang usisa sa akin ng Tinig.


"Di ka kasi nakikinig! Diba sinabi ko na sa yo nung papunta tayo dito ay kamakailan lang ay nakatagpo sya ng Katapat sa katauhan ni LilianaVess? Isang Wizard na di kalaunan ay naging kaibigan din nya dahil sa pagiging bestfriend noon ni Liliana kay Chris? Naman, attention span mo bumababa ah" pang-aalaska ko sa tinig.


"Fine Fine, ikaw na ang magaling" pagsuko nito. "Abalahin mo na" udyok nya sa akin.

"Ok here goes" Huminga muna ako ng malalim bago ko sila lapitan.


*xdandiely's POV*

Lalo kong nakilala si Strike ngayon habang nagku-kwento si Ate Liliana. Ayon dito si Strike ay isang soloista lalo na sa dungeon at hindi nakikipag-PvP maliban na lang kung may bagong nadagdag sa kanyang Equipment at gusto nyang i-test kung gaano kalaki ang naitulong ng equipment na iyon sa lakas ng character nya.


Sa gitna ng aming pagku-kwentuhan tungkol kay Strike, ay may dumating na isang FA na halatang may kataasan na rin ang Level dahil sa suot nitong Mithril Set at Mithril Weapons. Umupo ito sa tabi namin at ako ay tinanong.


"Ikaw ba si 'xdandiely'?"

"Opo", sagot nito na may halong pagtataka.


"Maari ba tayong mag-usap ng sarilinan? Tungkol ito kay Strike at sa kanyang kinakaharap ngayon, na alam kong mahalagang dapat mong malaman dahil alam kong ikaw lang ang makakatulong sa kanya".


Nagulat ako sa kanyang tanong at sa kanyang sinabi. Anong bagay kaya iyon?

*LilianaVess's POV*


Nang makita ko ang taong papalapit sa amin kanina akala ko isang simpleng FA lang sya. Pero ng makita ko ang bitbit nyang God Weapon, alam kong hindi ito isang ordinaryong Archer. At nais nyang ipasa kay diely ang Responsibilidad na hawak nya. Alam ko ang pakiramdam ng maging isang God Weapon Holder dahil naging 'Soul Emissary' na rin ako noon. Sinukuan ko ang Responsibilidad na iyon dahil alam kong sa puso ko hindi ang Landas ng pagiging Force Archer ang aking Battle Style na dapat kong tahakin. Hindi dahil sa dahilan na nababasa ko sa mata ng Emissary na ito ngayon, ang pagtakas sa kanyang Tungkulin.


Pero nang makita ang isang Emissary na nagpapasa ng kanyang Responsibilidad sa isang Walang muwang na Low Level Archer, parang sobra ata ito. Isinuko ko ang lakas na iyon pero hindi ko sya ipinasa sa isang walang muwang sa sitwasyon na hinaharap ni Strike - na ayon sa balitang nakalap ko matapos ng aking "Retraining Course" ay Wanted na sa Capella at Procyon Confederation - na pagpasahan ng ganitong responsibilidad.


Sasagot na si diely nang agad akong pumagitna sa dalawang Archer "Sandali, kung may nais kang sabihin kay diely, Emissary of the Eagle Eye o mas kilala sa tawag na Ashe or Matang Lawin, may ilang bagay kang dapat linawin sa kin".


Nawala ang kaninang magiliw na expresyon sa mukha nito at napalitan ng pagkawala ng alinmang emosyon ng magtanong pabalik sa akin "At ano ang nais mong malaman Retired Emissary of the Eagle Eye?" ang boses nya ay hindi tulad ng boses na unang nagtanong sa amin, malamig ang tinig na iyon, na alam kong galing sa Espiritu ng Eagle Eye. "Marami, pero para di masayang ang oras nating pare-pareho, sisimplehan ko lang ang mga tanong ko..."


*xdandiely's POV*


Sa tono ni ate Liliana parang kilalang kilala na nya ang kaharap, pero ang totoo, ngayon lang namin nakita ang misteryosang Archer na to. Pero ang nakatawag sa aking pansin ay ang Sandatang kayang hawak. Ito ang maalamat na Sandatang Orion's Vision. Pero paano napunta sa Force Archer na ito ang Sandatang iyon? At ano ang isang "Soul Emisarry'? Pero parang saktong sakto sa mga tanong kong iyon, nagpalitan na ng katanungan ang dalawang nagu-usap kanina lang.


"Bakit sa dinami-dami ng Kwalipikadong Force Archers sa Nevareth, si diely ang napili mong pagpasahan ng Tungkulin ng 'Soul Emissary'?" Paunang tanong ni ate Liliana.


"Akala ko pa naman napakahihirap ng mga tanong mo Retired Eagle Eye, hindi pala. Para sagutin yan, dahil sya ang May pinakamalapit na koneksyon kay Strike kasunod ng Koneksyon nya sa amin ni Regine. Alam mo na ba na namatay na ang Fiance nyang iyon nang sila'y ma-trap ni Capella para iligtas si Regine?" Panunuya pa nya kay ate Liliana.


"So ang nais mong palabasin, hindi ako importante kay Strike?" Angil ni ate Lil.


Nang makita ang umuusok na mata ni ate Liliana, ay napaatras ang Archer sa kanya "Hindi hindi, pero ang Koneksyon nyo kasi ay Hanggang sa antas lang ng magkapatid. Ang amin ay antas na kahit na ikamatay nya poprotektahan nya kami. Wag kang magdamdam, sinisiguro ko sa yo Liliana, Papangalagaan ka ni Strike hanggang sa kaya nya, kaya nga di ka na nya kinontak dahil ayaw ka nyang madamay uli sa gulong napasok nya".


Kumalma uli si ate Lil sa paglilinaw na iyon, nagtanong uli sya "Sige salamat sa paglilinaw, Huling Tanong, paano mo sya ihahanda para sa Responsibilidad na ipapasa mo sa kanya?"


Napangiti ang Archer na halatang wala sa kanyang tamang sarili habang kausap ni ate Liliana "Oh hindi na kailangan yun Lil, dahil alam kong handa na sya sa loob loob nya, ayaw nya lang aminin ahahaha"


Tumikhim si ate Lil at sinabing, "Sige Gawin mo na ang nararapat Eagle Eye"


"Wag kang mag-alala, saglit lang to at hindi rin masakit" Hinawakan nya ang ulo ko at pakiramdam ko may bumabahay sa aking katawan na isang espiritu. Napansin ko rin na ang aking Sandatang Pherystin ay nawala at pinalita ng Orion's Vision. Sa sobrang sarap ng sensasyong nagawa niyon, napapikit ako. Pagdilat ko nakahandusay na ang Force Archer sa sahig, at may tinig na nagsalita mula sa loob ko.


"Tapos na ang Paglilipat ng Responsibilidad, oras na para umaksyon, Bagong Mata ng Lawin" Matatag na sambit ng tinig. "Atin nang gabayan si Strike"


Natuwa naman ako sa sinabi ng boses, sa wakas makikita ko na uli si Strike "Sige tara na!"


*End of [S4/C1] Palitan ng Responsibilidad*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon