[S2/C17] Lihim na Misyon

22 0 0
                                    

Bradice: *kabado pero pinilit na magsalita* Si-sino ka?

???: *hinawi ang kanyang mahaba at dilaw na buhok nang marahan ngunit parang naiirita* Lahat kayong mga nilalalang sa mundong ito ay yan ang unang itinatanong sa isang estranghero. *Itinago sa loob ng kanyang damit ang kakatwang kahon* Hindi na importante kung sino ako. *lumapit pa sa akin* Ang importante ay kung nasaan si, uhm... Christian, or mas kilala sa palayaw na "StrikeForce54"

"StrikeForce54" nablangko ako ng ilang sandali. Sinong yon? Pero may isang bagay na bigla akong naalala. hindi maaring... imposibleng...

Regina: *napatayo na rin at diretsahang tiningnan ang babaeng estranghero, may pang uuyam ang tinig nya* Look! Hindi ko alam kung sino ka o ano ang kailangan mo kay Chris! *sumigaw* Hindi mo pwedeng agawin sa kin si Chris.

???: *nahikab at napasandal sa pader* Oh dear, iha. Tinamaan ka ata talaga kay uhm, -Chris- ano? *lumapit naman sya kay Regina at hinimas ang pisngi nya* Huwag kang mag-alala, hindi ko sya aagawin sa yo. Ang kailangan ko lang ay maibigay sa kanya ang kahon *inilabas sandali ang kahon at tinago uli sa damit nya matapos ang ilang sandali* na ipinakita ko. At isa pa...

Waren: *pinutol ang babae sa kanyang sasabihin pa* Ikaw ba ang nagpahinto sa oras?

???: *natuwa na parang ngayon lang sya natanong ng maayos ng grupo* Buti naman at may nakapansin! *lumapit kay Waren* Pero ikinalulungkot ko, hindi. Si sir--- *hinawakan ang bibig na parang may nasabing mali* Isang kaibigang matalik na magaling sa - ano bang tawag nyo doon - ah!, mahika.

Waren: *matigas na umiling-iling* pero hindi yon posible! Hindi pwedeng---

???: *sya namana ang pumutol sa sasabihin pa ni Waren* Maitigil ang takbo ng panahon? *sumalampak sa lapag* In a manner of Speaking, yes. Pero dahil nalaman na namin *may kakaiba at lihim na diin sa salitang "Namin"* ang sekreto ng takbo ng panahon, nalaman na rin namin kung paano patigilin ang oras. *yumuko* Sayang lang at hindi ko iyon magawa ng maayos at kailangan ko pang humingi ng tulong kay-- este sa kaibigan ko pala. *tumayo muli* tama na ang paliguy-ligoy pa! Nasaan na si StrikeForce!

Nasusundan ko ang takbo ng usapan. Kailangan ng babaeng ito si Chris at yon ay para mabuksan ang kahon na hawak nya. Kung ano ang laman ng kahon ay hindi ko rin alam, at ayoko nang malaman pa. Parang may nagsasabi sa akin na hindi maganda ang laman ng kahon at dapat itong mailayo kay Chris. Ang problema, hindi iyon maintindihan ng kaibigan ko. Dahil kakaiba ang mga kilos at pananalita ng kausap namin. Sa unang banggit pa lang nya ng "StrikeForce" ay parang mayroon na talaga akong naalala, at ngayon ko lang napagtanto na yon ay ang... at eto ay isang...

Napansin kong isa-isa nang naggagalawan ang mga taong nakahinto kanina. At bakas na ang pamumutla ng mukha ng estrangherang Mu~g MIB. Tsansa ko na para tanungin sya ng matino. Susunggaban ko na sana ang babaeng iyon nang bigla syang nawala. Napamura na lang ako ng tahimik. Pero pagtalikod ko, napansin ko na nailaglag nya pala ang kakatwang kahon. Pinulot ko iyon at umilaw ng malakas at paulit-ulit na kulay blue na ilaw ang imahe ng Dalawang Maliit na Espadang magka-exis. Uusisain na sana nila Regine kung ano ang umiilaw ngunit itinago ko agad ang kahon. hinarap ko sila;

Sofia: *hinawakan ako sa balikat* Sino yung baliw na babaeng iyon! Gayahin ba naman ang MIB! Ang weird!

Resty: *pinihit ako parahap sa kanya* At ano yung umiilaw kanina? Cellphone mo?

Patay na! parang naghihinala na sila! Pero pinilit kong kumalma;

Bradice: *nag-angat ng paningin at ngumiti ng pilit* Di ko alam *tumingi kay Resty* at oo Cellphone ko yon

Waren: *puno ng kyuryosidad* Ano naman yung nasa kamay nung babae na parang sobrang laking bracelet - o gloves ba un - na may mala-langit na asul na bola?

OMG! Napansin pala ni Waren ang Suot na yon nung babae. Tagaktak na ang pawis ko sa niyerbyos kahit na malamig ang Aircon nang lumabas ang Doktor sa pinto ng ER. Salamat naman at may dibersyon ako

Doktor: *flat tone* Meron ako Good News at Bad News. Anong gusto nyong unang malaman? Good or Bad?

All: *seryoso* Good news po!

Doktor: Ok. Ang Good news ay, Tagumpay ang Operasyon ng Kaibigan nyo...

nagtalunan sila Resty at Waren at halos mahimatay naman sa tuwa si Regine at Sofia pero ako ay nanatiling seryoso. May bad news pa! Di pa dapat sila nagtatatalon sa saya!

Doktor: Ang malungkot dyan, He's Still on Coma *nanlumo ang lahat* Ang naitulong lang ng operasyon ay ang pagpapanatili ng dugo ng kaibigan nyo sa ligtas na lebel. Ang Vital Signs nya ay hindi pa rin maayos. *labis na nanlumo ang tono* I tell you this, kahit na anong oras pwede syang magising or malagutan ng hininga. It's all up to him now, wala nang magagawa ang Modernong Medisina sa kaso nya.

Kung gaano kabilis sumaya ang mga kasama ko kanina ay ganon din kabilis nawala ang saya nila. Lahat Sila ay napasalampak sa upuan at nabalot ng di masukat na kalungkutan ang expresyon ng mga mukha nila. Ako rin naman ay ganon. Mawawala na ang kaibigan ko at wala akong magagawa para iligtas sya. Ngunit may kakaibang pwersang nagbulong sa akin na silipin ang kahon, parang sinasabing naroroon ang pag-asa namin, at nang Sinipat ko ang Kahon, namangha ako. May mahina at itim na ilaw ang imahe ng malaking Espada. Pinigil ko ang Doktor;

Bradice: *walang expresyon* Pwede ko pong makita si Chris?

Namangha ang lahat sa tanong ko.

*End of [S2/C17] Lihim na Misyon*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon