[S3/C4] Soul Emissary: Ang Papel ni Chris sa Nevareth

12 0 0
                                    

~Chris's POV~
*Nevarethian World: Undead Ground*

Ang paglalakbay patungo sa Undead Ground ay - hindi ko inaasahang - boring. Makikita sa Bandang tuktok ng Kontinente ng Midreth, Marami ang Hindi makatungo sa Lugar na ito dahil sa Sobrang lamig at pagbabawal sa mga Buhay na pasukin ang nasabing Lugar. Buti na lang ay nandyan si Helil, Dahil naimbento nya ang isang singsing na parang Gate Pass ng mga Buhay para makarating rito.

Ang Patungo naman sa Lugar na tinutukoy ni Rina ay simple rin. Di ko rin alam pero kahit ang mga mobs na Agresibo dapat ay di man lang ako sinasaktan. Bakit kaya?

Bago ko masagot sa aking isipan ang Tanong na iyon ay di ko namalayan nasa Entrada na pala ako ng Sinasabing Entrace ng "Exilian Volcano". Bigla kong naalala ang Warp Circuit. Kinuha ko iyon. Paglabas noon sa aking bulsa, ay biglang may lumitaw na Portal sa harap ko. Dahan-dahan akong lumapit, at paghawak ng aking mga daliri roon ay bigla ako nitong hinigop papasok.

Sa isang pamilyar na lugar ako dinala ng Warp Circuit

"Ito ba ang Chaos Arena?" Napalakas na sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang kapaligiran na halos punung-puno ng Malalaki at Madahong mga Puno.

"Oo, StrikeForce ng Kabilang Mundo, ito nga ang Chaos Arena. Kung Saan Pansamantala akong nakatago habang hinihintay ka. Pansamantalang nakipagsanib sa iyo nung minsang manganib ang iyong buhay sa iyong sariling mundo. Dito, kung saan ako unang nawalay mula sa iyong katawan at sumanib sa Katawang ito na ikaw rin ang naghubog" Tugon ng isang Malalim na tinig.

Napalingon ako sa Aking likuran. Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa Hagdan pababa sa Arena. Sa Gitna ng Arena, Naroroon ang isang Warrior. Isang Warrior na ako nga ang lumikha. Kawangis ko sya, maliban sa Ngipin na Pantay-pantay ang hugis at pagkakalagay. Para mas makita ko sya, nilapitan ko ang Warrior at tinanong "So ikaw si StrikeForce54, ang aking 'Ginawang' Warrior." Sa boses ng isang taong nakakita ng isang himala.

"Oo, ako si StrikeForce54" Tango ng Warrior, matapos ko syang malapitan at mahawakan ang kanyang malambot na mukha. Lahat pala ng aking Imperpeksyon ay naalis sa Ginawa kong Waarrior. Nagpatuloy ito sa pagsasalita "Ang Pangalan mo ay Chris, tama ba, at kung pahahabain ay Christian. Minamahal mo si Regina, na kasintahan mo sa kabilang Mundo, nakatakda kayong ikasal Bago ka Makarating dito dahil sa Tulong ni CrypticRage. Ang iyong kasintahan ay di pinalad na nasaktan ng mga Mandirigma ni Capella, nang siya'y tangka mong isasama rito. Tama ba?" Ito'y nasabi nya sa isang kalmado at mabilis na pangungusap.

"O---oo. Tama ka." Mangiyak-iyak kong tugon "Sy---sya'y na---ma---tay sa Insidenteng iyon" Tumalikod ako sa kanya. Alam na alam nya kung ano ang nagaganap sa buhay ko. Tama lang, kasi sya'y aking Kawangis. Pero ang isinagot nya ay ang lubos kong ikinagulat

"Buhay sya" Kalmado at matatag na wika ni Strike

Bigla akong napaharap sa kanya, Puno ng pagtataka at galit ang tinig ko. "Paanong Buhay? Kitang-kita ko nang mawala ang kinang ng kanyang mga mata. Paano mo nalaman na sya'y buhay? Hindi ikaw ang nakasaksi sa Langyayari! Ako! Paano mong masasabing buhay sya?"

"Dahil noong Nasa daan ka ng paglalakbay patungo sa mundong ito ay pansamantala akong nakasilip sa mundo mo. Nakita kong dinala sya ng mga Doktor nyo sa isang ospital. At isa pa. Hindi kailanman mapapaslang ng isang Nevarethian ang isang Taga mundo nyo sa Paraang alam nila, lalo na't naroroon ka"

"Bakit?" Tanong ko.

"Dahil isa kang Soul Emmisarry"

Ano daw? Isang Soul Emmisarry

*End of [S3/C4] Soul Emissary: Ang Papel ni Chris sa Nevareth*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon