*Chris's POV: Port Lux Outpost*
Pamilyar na ako sa tanawin sa lugar na ito, ngunit minsan, di ko pa rin maiwasang mabighani sa simpleng ganda ng Beachfront dito. Kung hindi lamang puno ito ng mga naglalakihang Crag Crabs ay malamang dito na lang ako matutulog kesa sa aming "Safehouse" na mas masahol pa sa bahay namin sa Bulacan, sa aking mundo. Makikipag-tsismisan sana ako kay Manong Morisson pero sa hilatsa ng mukha nya nang makita nya ako at aking grupo - nalimutan ko na naglagay na pala si Capella at Procyon ng isang daang Bilyong Patong sa ulo ko, kaya siguro ganun kalagkit ang tingin nya sa akin -, paniguradong wala sya sa mood na kausapin ako. Laking gulat ko nang bigla nya akong tawagin.
"Pssst!!! Strike halika dito" Halatang pinipigilan nya ang paglakas ng boses at ang pagsasalita nya ay read-my-lips lang, para walang makadinig ng pagtawag nya sa akin. Nagtaka ako kung bakit ganoon ang pagtawag nya sa aking pangalan na dati, halos umabot sa spot ng Dark Bladers ang sigaw nya para lang makuha ang atensyon ko. Para matapos na ang paghihirap nya sa pagpipigil ng boses nya, lumapit na lang ako. Sinabihan ko sila Resty na mag hiwa-hiwalay muna para di makuha ang atensyon ng buong outpost, mag-tele na lang kamo sila pag pinadalhan ko sila ng mail.
"Buti naman at nakuha mo agad ang mensahe ko." Pagbulong nya sa akin nang makalapit na ako. Pinapasok nya muna sa Port Lux Mansion ang dalawang Bantay sa tabi nya bago magpatuloy "Gusto naming manatiling Neutral dito sa Port Lux pagdating sa gulong kinasasangkutan ng grupo mo Strike, pero mu~g di na talaga maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon." Umihit sya ng ubo at itinuloy ang pagsasalita "Pero dahil alam na ata ni Procyon na 'Close Friends' Tayo, sa akin sya nagpadala ng mensahe nya para sa yo." Saglit syang pumasok sa Port Lux Mansion, paglabas nya ay tangan tangan na nya ang isang bag na may mga Badges na may sagisag ng Procyon Confederation, at isang sulat. "Pinabibigay nya sa yo to, kani-kanina lang yan dumating" Pagkaabot nito sa akin ay sumenyas na sya "Makakaalis ka na muna sa ngayon, delekado ang buhay mo, alam mo bang..."
"May isang daang bilyong Alz na patong sa ulo ko, at sampung Bilyong Alz sa sinumang miyembro ng aking Grupo oras na mai-turn over sila kay Capella or Procyon? Oo alam ko na yan, kaya nga ngayon lang ako nakadalaw dito eh" Pinutol ko na ang sasabihin ni Morisson, halata naman kasing yun ang nais nyang iparating. "Sya aalis na ako Manong, salamat sa pagpapadala ng mensahe at ingat kayo".
"Sa yo ko dapat sinasabi yan, ikaw kaya ang may patong sa ulo, ahahahaha" Madilim na sambit nito. Pagkatapos kong i-mail na bumalik na ang lahat, Binasa ko ang laman ng sulat.
Magandang Araw sa iyo "Soul Emissary"
Isa itong mapayapang pag-anyaya sa iyo sa aming Warship Headquarters Codename: Tempesta Rosa, para pag-usapan ang ilang mahahalagang bagay at ang buhay ng Kaibigan mong si Bradice with a codename "suzuka07".
Inaasahan ko ang iyong mabuting pagtanggap sa aking imbitasyon. Huwag kang mag-alala tungkol sa 100 Bilyon na patong sa iyong ulo, sapagkat sa oras na tanggapin mo ang aking imbitasyon at gamitin ang "Procyon Nation Headquarters Warping Pin" na kasama sa Sulat na ito, pansamantalang maaalis ang "Bounty" na yan sa ulo mo.
Lubos na Gumagalang;
Sage Procyon Everglade
PS: Maaring pakisagot ang sulat na ito sa loob ng 24 Oras pagkabasa mo nito, ang hindi pagsagot ay nangangahulugan ng pagtanggi sa aking imbitasyon at tiyak na kamatayan ni "suzuka07", at ang agarang pagtanggi sa aking imbitasyon ay ang magiging dahilan para tuluyan kong lagutan ng hininga ang kaibigan nyo.
Habang aking pinagmumunihan kung saan ko nakita ang apelyido ni Procyon, ay biglang lumabas ang mga kasama ko na nagsigamit na pala ng Return Stone para makabalik sa Port Lux Outpost.
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...