[S2/C2] First Day of Bieng a UP-nian

35 0 0
                                    

~Chris POW~

"Nakauwi rin. Time to do my Job" sabi ko sa sarili ko pagbukas na pagbukas ko ng pinto sa bahay ko - and take note "BAHAY KO" - pero di pa ko nakakaisang hakbang papalapit sa PC ko ay inatake na ko ng pinakamalala kong Sakit, ang Kalam ng tiyan. Came to think of it ni hindi pala ako kumain kaninang pumunta ako ng UP for Admission and Transfer, may nakabangga pa akong isang babae na isa pala sa mga masugid kong tagahangga. Ang pinagtataka ko lang bakit ko binigay sa babaeng yon ang "Personal Number" ko?

Tinungo ko ang mesa at naghanap muna ng makakain bago ko sagutin ang tanong na iyon. Nakakita naman ako ng malalamon doon. Tirang sinangag at Fried Chicken (hita) ang nakatakip na pagkain, agad ko iyong binanatan dahil alas 2:45 na ng hapon.

Bakit ko nga ba ginawa iyon sa isang estrangherong babaeng di ko naman alam kung saan lupalop nagmula? Di ko naman ugaling ibagay ang "Personal Number" ko sa mga taong unang beses ko pa lang nakita at nakilala sa buong buhay ko. Isa lang ang naisip kong posibleng maging sagot at nang maalala ko iyon ay di ko naiwasang marinig ang boses ng Editor In Chief ko nung Huling mag-usap kami. Yon ay noong isumite ko sa kanya ang Pinkabagong nobelang natapos ko a day before it's Deadline;

*Flashback*

EiC: *tinanggap ang Munuskrito ng nobela ko, pinasadahan ito ng basa* Hmmmm, nice enough Chris. Pero parang di to Romance ah, parang mas suspense thriller ang dating sa kin nito eh!

Chris: *kamot ulo* Boss naman, di yan Suspense. Epilouge lang yan kaya ganyan ka gaspang ang eksena. Pero promise Romance yan. Basahin nyo muna yan ng buo boss *akmang aalis na*

EiC: *pinigil ako sa pag-alis ko* Teka wala ka bang gagawin tungkol sa "PR Image" mo? Kasi patagal ng patagal eh papangit ng papangit ang imahe mo sa press *ibinato sa akin ang Tabliods at Broadsheets na idiniliver sa opisina nya* Basahin mo ng malaman mo ang tingin sa yo ng Press, which will inevitably affect your Writting Career.

Pinulot ko ang mga babasahin sa sahig at nagulat ako sa nakalagay sa Showbiz Headline. Aba kailan pa ako naging artista? Binaso ko muna ang nakalagay sa Broadsheet. Ang nakalagay na Headline sa Showbiz ay "Christine Soriano: A Woman Hater or just plain GAY" tinuluyan ko nang basahin iyon kahit nangnginginig na ang mga daliri ko;

Naibagsak ko na lang sa silya ang Broadsheet. Grabe naman ang Writer na to. Inggit lang siguro at saan nya nakuha ang impormasyong Bakla daw ako?!?! Eh galit nga ako sa mga bakla. Binasa ko ang Tabloid na may artikulong ang pamagat ay "Christine Soriano; Bakla bang talaga?" Pero isang silip lang sa laman nito alam kong puro lang iyon kasinungalingan. Black Propaganda lang ang mga iyon ng mga Feminist Groups na nasagasaan ko sa mga ginawa kong Nobela. Pero di naman lahat yon ay Anti-Girl eh. Meron nga na sobrang Focused sa Lead Actress na hindi ko na nai-describe ang ginagawa ng bidang lalaki. Nahalata siguro ng Boss ko na tapos ko nang basahin ang mga dyaryo kaya hiningi na nya iyon sa akin;

EiC: *tinignan ako ng mata sa mata* Well, wala ka bang gagawin ukol sa bagay na yan? They're now accusing you of bieng a GAY. Alam ko at alam kong hindi ka ganon, so anong sagot mo rito?

Chris: *umupo sa Sofa sa gawing tagiliran ng Mesa ni Boss* Well, bakit ko kailangang sagutin yang mga alegasyon na yan? Artista ba ko?

EiC: *hinilamos ang palad sa kanyang mukha, halatang naiinis na ito* Hindi! Pero ikaw ang Public Interest ngayon! Masyadong bulgar ang atake mo sa mga kababaihan kaya andami mong nasasagasaan na Feminist Groups! You must know that "With-

Chris: *pinutol ko ang sasabihin nya kahit alam kong mali* Great Power comes Great Responsiblity. Alam ko yan boss, matagal na. Pero di ba nila naisip na trabaho lang at-

EiC: *sya naman ang pumutol sa sasabihin ko* Walang personalan? Eh ikaw naman kasi masyadong personal ang mga atake mo. *tumayo sya lumapit sa akin* Look, alam nating pareho na kailangan mo ang trabahong ito lalo na at papasok ka sa UP next month. Heto na lang ang gawin mo nang mawalan sila ng bala na gagamitin laban sa yo. Find a Girlfriend at i-display mo sya sa Media. Nang sa ganoon ay di na nila masabing bakla ka. And please don't be so offensive on your Novels, para di na magalit yang mga "Feminist" na yan.

Chris: *tumayo na para makipag-debate sa boss ko* Boss, alam mo naman na Masakit pa rin para sa kin na dumikit sa mga babae eh. At saka trabaho ko ang magsulat, wag nilang basahin kung ayaw nilang mainis.

EiC: *umupo na uli ito, senyales ng pagsuko* Ok bahala ka, but take my advice. Kasi if another one of This *tinuro ang mga dyaryo* goes out in the Media, baka mapilitan akong di tanggapin ang mga Nobela mo kahit ikaw ang isa sa aking pinakamauhasay na Writter, just to clear my company. Is that understood, Chris?

Chris: *tinungo na ang pinto, baka mag-iba pa ang timpla ni boss* Ok. Wag kang mag-alala Boss pag iisipan ko ung tungkol sa GF thing. Geh boss, alis na ko.

*End of Flashback*

At yon na nga ang sagot. Pwede ko syang maging Syota sa Harap ng Media. Isa pa matagal-tagal na rin nung huli akong magkaroon ng "Fling" na syang ginagawa kong solusyon para mabura ang mga pangit na alaala ng nakaraan sa isip ko.

Pero mas seryoso sigurong dahilan ay Parang may naalala ako sa babaeng iyon. At nang magbanggaan kami, parang may kakaiba akong naramdaman, na may kung anong hanging malamig ang dumaan. Ewan di ko rin sigurado pero---

Tumunog ang Cellphone ko na nasa bulsa ko kanina pa. Di ko nga alam kung bakit wala pa akong text simula kanina mula sa mga "Kakosa" kong Writters para lumabas. Siguro ito na yon, kasi alas 5 na pala ng hapon. Alas 5 na at wala pa ako ni isang Word na natitipa sa keyboard. Ganun ba ako katagal nagmumuni-muni? Sinilip ko na lang ang text message na dumating;

From: 0912-------

Hi Kuya Chris! Remember me? Sofia po ito. Pumunta po kasi ako ng Registrar at nandoon na pala ang Class Schedule mo for monday. First Class mo po ay sa Educ Building, 9:30 - 10:45 AM. Hinahanap ka nga po ng Regis kanina pero di ka na mahagilap eh. Beware po kuya, Dami nakakita kaya mraming mag-aabang sa yo =)

Sent: 4:58 PM

Wow naman, si Sofia pala itong nag text. Matapos kong i-save ang Number nya ay agad akong nag-Reply;

To: UP. Sofia

Thanks po sa reminder ah. Sorry di ko napansin na lumabas na pala ang Sched ko. Yan tuloy dami na mag-aabang sa kin T_T. Sige po see you on monday.

.....Message Sent

At matapos niyon at tumipa na ako sa Keyboard, mahaba-habang sulatan nanaman to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Malapit na ako sa Educations Building at nakita ko na nga ang mga nag aabang sa aking "Grand Entrance". Kaya heto ako, naka shades at Sombrero. Hindi ko naman ginawang eksaherado ang pagtatago ko. Maliban sa nakayuko lang ako wala na akong iba pang ginawa para itago ang mukha ko. Walang Bandana o anupaman.

Una kong napansin ang "Soriano's Fans Club" pati Media ay nandoon. Kaya susubukan kong maghanap ng ibang daan papasok ng Educ Building. Sisilip na sana ako sa likod ng biglang;

Sofia: *kinalabit ako sa braso* Oi Kuya Chris!

Chris: *nanlamig at nagulat* Holy Cr--, Pano mo ko nakilala?

Sofia: *tumawa ng marahan* Ikaw naman eh, halatang halata ka dyan sa Get-Up mo. Wag kang mag-alala may alam akong daan papunta sa First Class mo. *hinila ako nang may mapansin na Media papalapit sa amin* Tara na ayan na sila oh!

Chris: *nagdadalawang-isip pa* O-ok sige saan ba yang sinasabi mong daan *may sumigaw ng "Ayun si Chris" mula sa mga mediamen* P0taness na--- tara na!

Huli na para magtago pa, nakita na ko. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa direksyon kung saan pumunta si Sofia. Nakapasok naman kami sa Educ Building. Pero imbes na isang Classroom kami paunta ay sa madilim na lugar sa likod ng hagdan kami sumuot. May mga Media pang humahabol at;

Sofia: *nakita ang tumatalilis na mga tao papunta sa ibang direksyon* Ok na pero may sasabihin muna ako sa yo Chris *pansin ko nawala na ang Word na "Kuya"* Sorry kasi hindi ngayon ang First Class mo, Bukas pa at hindi yon dito sa Educ, sa Vinzons ang Unang Klase mo

Chris: *napamura sa sarili* Ano, ulitin mo nga?

Wow, at doon ko lang na realize na Sinet-Up nya pala ako...

*End of [S1/C2] First Day of Bieng a UP-nian*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon