[C3/S7] Pagkilos

11 0 0
                                    

~Regina's POV~

*Nevarethian's World: Green Despair*

Naramdaman ko ang pagbitaw ng Kamay ni Bradice sa akin kanina. Ang naramdaman ko ay parang hinigop ako ng isang Matinding ipu-ipo, pero ang nakakapagtaka, maayos naman akong nakatayo ngayon. Bago ko pamuni-munihan ang mga naganap, siniyasat ko muna ang paligid. Naririto na ba ako sa lugar kung saan ko makikita ang 'Totoong Chris'? Paglinga-linga ko, ang napansin ko ay parang nasa isang Komonidad sa gitna ng isang masukal na kagubatan. Pero hindi ko iyon binigyan ng mataas na pagpansin. Ang problema kasi ay...

Nasaan si Bradice?... Hindi ko alam kung nasaan ako... Nasaan na si Chris?... Marami syang dapat linawin...

~Sage Procyon's POV~

*Nevarethian's World: Tempesta Rosa*

Habang Inaanalisa ko Resulta ng Nakaraang mga 'Pakikidigmang Misyon' sa loob ng aking 'Battle Library' - ang Sagradong Lugar Saliksikan ko na puno sa mga makabagong teknolohiya ng Nevareth - Ay may kumatok sa pintuan ng aking Silid. Noong una ay hindi ko ito napansin, dahil abala ako sa Paggawa ng isang Plano na Wawasak sa 'Winning Streak' Ng Hukbo ni Capella sa Dibisyong Lebel ika-170 hanggang ika-180. Pero dahil Parang may tono ng pagmamadali sa pagkatok ay akin na itong pinagbuksan - kahit hindi ko nais.

"Ano ang maipaglilingkod ko, Superhuman?" Tanong ko sa Tanging Heneral ko na may Lakas ng loob na Istorbohin ako habang ako ay nasa aking 'Battle Library' Si Superhuman.

"Master Procyon, Malamang ay nanaisin mong makita ang Bagong Saltang 'Nilalang' sa Ating Teritoryo"

Biglang nabalot ng pagtataka ang mukha ko na kanina ay pagkairita ang mababanaag "Bakit anong kakaiba sa 'Nilalang' na iyan?"

Iginiya ako ni Superhuman sa 'Control Room' Bago sya muling nagsalita "Dahil kakaiba ang kanyang Suot, at wala siyang maipakitang 'Battle Style License' Sa Instructor ng sya'y usisain nito"

Hinihimas ko ang aking baba habang mabilis na naga-analisa ng aking mga opsyon "Hmmmm... Sige. Padalhan ng isang Pangmabilisang Telegrama ang Instructor. Sabihing I-detine ang nasabing nilalang. 'Wag ipaalam sa Mga Nevaretong Mandirigma ang ating aksyon. Wag na Wag kamong palabasin ng Outpost ang 'Nilalang' na iyon hanggang Wala ako. Pupunta na ako sa Desert Scream Outpost Gamit ang Teleporter." Bago ako bumalik sa aking 'Battle Library' Para Gamitin ang Warp Stone o Teleporter Ay pinahabol ko kay Superhuman na "Isara ang Operasyon ng HQ natin Habang Wala ako. Maiwan kayong Mga Bringers Para Bantayan ito. Malinaw. Dahil Mag-isa akong Tutungo sa Desert Scream"

"O-opo" Nangangatog na Sagot ni Superhuman na parang nagulat pa.

Hindi ko na napansin ang Reaksyon ni Superhuman, Ang iniisip ko ay...

Isa Kaya sya sa mga 'Soul Emmisarry' Na tinutukoy ng Report na nasilip ko kanina?...

~Sage Capella's POV~

*Nevarethian's World: Tierra Gloriosa* 

Kasalukuyan akong Nagsasagawa ng Ritwal para i-decode ang mga Simbolismo sa Legacy Weapon sa aking 'Tactical Archives' Room, nang paulit-ulit na nanggambala ang pagpapatunog ni MissCeliene ng Alarma ng Kritikal na Pangangailangan. Sayang Malapit ko pa naman nang ma-decode ang Unang 'Mukha' Ng Legacy Weapons - mukha meaning ay isang side.

Paglabas ko ng Kwarto matapos kong iwang di-tapos ang Ritwal ay pinuntahan ko ang aming Control Room. Sana lang ay may magandang Rason kung bakit ganoon kaingay si Celiene Sabi ko na lang sa aking Sarili.

Pagbungad ko sa Control Room, isang magiliw na MissCeliene ang Nasalubong ko. akmang pupunta pa ata sya sa 'Tactical Archives' para sunduin ako. Matapos kaming muntik magkabunguan ay humingi sya ng paumanhin at nagsalita "Madam Capella, Isang Kakaibang Binibini ang Namataan ng aming mga espiya sa Green Despair. Maliban sa Kakatwa nyang Pananamit ay Hinahanap nya ang isa Raw Mandirigmang nagngangalang 'Chris'"

Kung gayon, Heto na ang Tamang Oras. StrikeForce54, Mapapasaakin na ang kap@ngyarihan mo. Biglang nagliwanag ang aking mukha at inutusan ko si Celiene "Utusan ang ating mga 'Espiya' na hulihin ang Babaeng iyon. Alertuhin sila Nodaka. Sabihing kailangang matahimik ang ating gagawin. Hindi ito dapat malaman ng mga Mandirigma sa Outpost ng Green Despair"

"Opo" Saludo ni Celiene, sabay pahabol "Saan kayo tutungo Madam?"

Magiliw akong sumagot, "Saan pa ba kundi sa Outpost. Oras nang Bisitahin ang isang 'Dating Kaibigan'"

Matapos noon ay tinungo ko na ang 'Tactical Archives' Para Gamitin ang Prototype na Warp Stone.

"Oras na StrikeForce!"

~Chris's/StrikeForce54's POV~

*Nevarethian's World: Exillian Volcano*

(Author's Note: Two Personas, one POV lang po sila StrikeForce54 at Chris)

Katatapos lang ng aming 'Soul Fusion' ni StrikeForce54. Nsging Matagumpay ito - pero hindi lubusan- Dahil ayon kay Strike, ay magiging dalawa ang Aking Persona, Sya at Ako.

Biglang Sumakit ang Ulo ko matapos tumapak ng aking Paa sa Tapat ng Entrance ng Exilian Volcano sa Undead Ground. Biglang may Bumulong sa akin...

Kumikilos na Sila Capella at Procyon sabi ni StrikeForce54

*End of [C3/S7] Pagkilos*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon