[S1/C7] Si Katazuki at ang WarGodZ

40 2 0
                                    

Pumunta ako sa Computer Shop ng Tita ko. Syempre wala pa ring pagbabago ang mga design at iba pang palamuti dito. Mayroong isang PC na idinagdag na madalas tawaging "Gold PC" kasi ang Charge doon ay 15 php/hr. Kung buhay ko naman ang pag-uusapan, may konting pagbabago naman, binasted ako ng talong babae sa loob lang ng buwan ng Disyembre. Ikinatutuwa ko nga na wala pa namang trahedya ngayong Enero, at natapos ang Disyembre ko ng walang daliri oh ni anumang parte ng katawan na putol dahil sa paputok.

Pero kung tutuusin di naman ganoon kasaklap ang pobreng Disyembre ko, kung CABAL ang pag-uusapan. Dami ko nakilala na mga mababait, galante at mahuhusay na players. Pero ang isa sa mga Favorite ko ay si Katazuki o kung tawagin sa Guild namin ay "Kata" . Sya rin ang dahilan kung bakit may masasayang Guildmates ako.

Isa syang Blader na madalas tumambay sa Desert Scream. Di ko sya pinapansin dati pero isang beses na naging magkaparty kami, nalaman ko na mahusay pala itong mag-lure ng mobs. Mdali kaming nakapagpa-level noon. 1 1/2 hrs. lang 3 level ups kami agad. Nang umuwi kami sa town para magbenta ng loots kinausap niya ako;

*Flashback*

Katazuki: *nagbebenta sa NPC* Oi Strike, gusto mo sumali sa Guild namin? *sumilip sa kinatatayuan ko*

StrikeForce54: *di agad sumagot* Bakit gusto mo ako i-recruit? *blinangko ko ang expresyon ng mukha ko*

Katazuki: Kasi mukhang ikaw ang klase ng Player na hindi mahilg makipag away. Tamang-tama di kami mahilig sa gulo *kinindatan pa ako*

Naisip ko, pambihira! mu~g madami palang Psychic na Player sa CABAL, akalain ba namang pati preferences ko sa PvP eh alam nitong ka party ko ngayon. Nakakainis! Pero siguro obvious naman sa pinapakita ko na di ko talaga hilig ang PvP. Paano, Casual Player lang ako.

StrikeForce54: *pa-inosente effect* Paano mo nasabi yan?

Katazuki: Wenks! *inirapan ako* nagpadala ako ng PvP Request, di mo tinanggap, tapos nung Party Request na pinadala ko, Auto Accept ka. Tapos nung magkaparty na tayo, lahat ata ng PK sa yo sinumbong mo sa kin! Para ka ngang bata eh. *tumawa*

May punto itong taong to! Nasabi ko sa sariki ko. Tama nga naman ang analysis nya. Di ko rin sya masisisi kung nsging para akong bata kanina. Ako naman ang ngsimula. Isa pa Ako ang mas mataas ang Level sa min nung mga oras na yon. 43 sya bago kami mag party pero ako 46 na nun.

StrikeForce54: *itinaas ang kamay, simbolo ng pagkatalo* Alrighty! Pero paano mo ko maisasali? Sa baba ng level mo mu~g di ka inviter. Kasi alam ko 50+ lang pwedeng maging inviter kahit nasa Inviter Rank ka sa Guild mo.

Katazuki: *parang walang narinig sa paliwanag ko* Mababait tao dun at isa pa, kilala ko si GM (Guild Master), di ako mahihirapang magpasok ng Guild mambers basta kilala ko.

StrikeForce54: *nag-isip ng malalim* Hmmmmm....... pag-isipan ko muna pwede ba un, Katazuki?

Katazuki: *kinosidera ang sagot ko, tapos ay tumango* Ok, take your time. At oo nga pala, Kata na lang, haba masyado ng Katazuki. PM mo na lang ako pag may desisyon ka na *pumasok na sya sa Warp Gate, nag-left na rin sa Party*

Malaim ko iyong pinag-aralan noon, inabot pa ako ng 3 araw sa pag-aanalisa ng sagot ko. Baket kamo, kasi di ko type na may isa pang pangalang na umaaligid sa ulo ko maliban sa name ng Character ko. Ayoko rin madamay ang Guild na sasalihan ko sa mga probleam ko sa PK kung sakali, baka sabihan din na weak ang Guild ko, naman! Ayoko ng mandamay ng iba sa kahinaan ko sa paglalaro.

Pero on the other hand, di naman masama na magkaroon ng Guild, lalo na kung Guild na sasalihan mo ay di naman Warfreak at di mahilig sa Guild Wars. Kasi makakapag-concentrate ako sa pagpapa-level. Maliban pa sa meron akong makakausap pag walang kakwentuhan na ka-buddy. Idagdag pa na mababait ang mga ka Guild ni Kata, ayon sa kanya. Pero.............

Without thinking twice, tinanggap ko ang alok niya, malay ko kung bakit. Siguro dahil sa kalungkutan ko after ng tatlong Misfired na panliligaw. pinadalhan ko sya ng PM;

*Flashback*

StrikeForce54: *via PM* Oi Kata! Sali na ko!

Katazuki: *natagalan bago mag-reply* Ok sabihin ko lang sa GM namin *tumahimik ito*

Mali ata tong ginagawa ko ah! Wag na lang kaya akong mang abala. Nasabi ko sa sarili ko. ipi-PM ko na sana sya uli para sabing wag na lang pero----

Katazuki: Ok you're In! Hintayin mo lang ang Invitation ng "WarGodZ" tapos accept mo.

WoW, WarGodZ, siguro mga Warfreaks tong mga to, pero wala nang atrasan to, nandito na ko eh.

StrikeForce54: *tinanggap ang invitation ng "WarGodZ" Guild* Thanks po sa invitation *Via Guild Chat*

Binati ako ng mga ka guild ko bilang bagong pasok na member, nakikibalita pa ako ng bigla akong pinadalhan uli ni Kata ng PM;

Katazuki: *Via PM uli* Oi Strike, ngayong nasa loob ka na, Bwal lumabas, pag lumabas ka, Hahanapin kita, ipi-PK kita at di ko patatahimikin ang Laro mo. Whahahahaha........... *tinig seryoso*

StrikeForce54: *napakamot ng ulo* Amp naman!

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon