Petsa: June 1, 2011
Oras: 12:01 PM (Tanghali)
Lugar: UP Diliman Ragistrar (Nakapila)
Okasyon: Enrollment for AY 2011-2012
Sa wakas, nandito na rin ako. Sa isa sa pinaka prestihiyosong paaralan sa Pilipinas, ang UP! Well, qualified na ako for School Transfer dahil Second Year College na ko. Ngayon ko lang na Realize na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho. Naalala ko nung nagtratrabaho pa ako sa Mall bilang Janitor. Ginawan ko pa ng paraan para maging 6 hours lang ang pasok ko sa trabaho para makapasok pa ako ng eskwela. Kumuha ako noon ng Evening Classes sa ibang eskwelahan dahil di ako pinalad na pumasa sa UPCAT na kinuha ko 3 taon na ang nakakalipas. Masasabi ko sa sarili ko na pinalad ako noon dahil naipasa ko naman ang Semestral na yon ng may kataasan pa rin ang grado. With a GWA of 1.5989 sa Lahat ng Subjects. Pero lahat ng bagay ay may kaakibat na sakripisyo. Paulit-ulit akong nagkakasakit noon, nahihilo, nasusuka, at may pagkakataon pang nahihimatay ako sa loob ng klase at trabaho.
At dahil sa mga kaganapang iyong, natanggal ako sa trabaho ko. Inaasahan ko naman yon, "Endo" lang naman ang trabaho kong yon. Di naman nawala ang trabaho kong iyon ng wala akong naipundar. At iyon ang aking sariling PC na may Wireless Internet Connection, na sa ngayon ay tapos ko nang bayaran. Paano o nga pala nabayaran yon? Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga Nobelang Prosa (Pang-pocketbook). Isa na rin akong Regular na Writer ng isang Sikat na Pocketbook Firm. Di ko alam na may aking talento pala ako sa pagsulat ng mga Nobela. Sa puntong ito nga ay halot 30 sa mga Nobelang Naiprenta ng kompanyang iyon ay isinulat ko. Sa di ko rin malamang dahilan ay may Fans Club ako, Sa Internet at sa Personal! Pinangalanan iyon ng mga Gumawa ng "Christine Soriano Fans Club" - sunod sa aking "Pen Name". Ewan ko ba sa linya ng Aking "Raket" eh mas Sikat ang ang pangalan ng mga babae dahil sila raw ang mas nakakaintindi sa salitang "Pag-Ibig". Ows?!?!?! Talaga lang ha! Madalas kong simangot sa mga nagtatanong kung ano raw ang Reaksyon ko sa Label na pambabae ang Trabahong pinasok ko. Depensa ko;
*Flashback*
Chris: *Nakaupo sa Harapan ng isang mainitang Presscon* Pambabae? Eh bakit yang mga babae na yan kung gawin ang mga trabahong "Panlalaki" eh walang nagrereklamo? Itinuturing pa nga na "Women Empowerment" daw yon. Eh bakit pag kaming mga lalaki ang gagawa ng mga Trabaho nila ang tawag sa min "Bakla"? Patas ba yon?
Female Audience: *sinundan ang tanong ng lalaking nauna sa kanya* Kuya, with all due Respect po sa inyo at sa trabaho nyo, bakit po anglaki ng galit nyo sa mga babae? Nabalitaan ko po kasi na kayo lang po "Daw" *idiniin ang salitang "Daw"* ang Writer na di man lang nagkasyota for the rest of his life. Kahit na sabihing College Student ka palang kuya...
Chris: *pinili kong putulin na ang sasabihin pa ng babaeng iyon, tinatamaan na ko* Yes I know it sounds Hard at dahil Writer ako ay dapat ang una kong inspirasyon ay babae, tama ba ako? *sinabi ko iyon ng harapan sa babaeng nagtatanong, may panlalalit ang bawat kataga* Here's a News Flash for you lady: Di lahat ng lalaki ay babae ang inspirasyon para humusay sa ginagawa nilang trabaho! Bakit? Kasi like what you've read in most of my Novels, ang mga babae ang isa sa pinakamabigat na problema ng mga lalaki. Especially ang kanilang pagiginig Possesive, Over Jelousy at sobrang dami pang mga ugali na mahirap ispelengin. So What's my Inspiration? CABAL! Kaya ang masasabi ko sa yo miss, "Kita kits na lang tayo sa Nevareth" *naghiyawan ang mga lalakeng manonood at sumunagot ang mga babaeng nadoon*
*End of Flashback*
That gave me a Reputation of a Woman Killer in my Novels. Lalo na nang ilabas ko ang Dalawa kong Nobela na "Purely Femme Fetale" - ayon sa mga Romance Review Sites na Lagi kong binibisita - ang "Sa Kuko ni Eva" at "Wag Kang Lumapit sa Akin" na ang mga bidang babae ay namatay sa huli at agad nalimutan ng bidang lalake ang babaeng Bida. Ang Depensa ko sa mga ito ay nagkataon lang. Pero ng isinusulat ko ang mga iyon, talagang abot langit ang inis ko sa mga babae. Muntik na nga iyong hindi lumusot sa Editor In Chief namin.
Pero wala naman kasing nakakaalam kung gaano ako sinaktan ng babae minahal ko noon - at buong puso ko pa namang minahal - Tuwing naalala ko nga ang Araw ng JS na yon ay nagdidilim ang aking paningin. At tuwing sasapit ang araw na iyon ay nagkukulong ako sa bahay at naglalaro lang ako - kahit na sandamakmak ang imbitasyon na natatanggap ko para lumabas tuwing sasapit ang nasabing araw - Syempre, Internet Surfing at YM, pero masyadong delikado ang YM sa akin lalo na ngayon, kasi daming nagpi-PM sa akin na hindi ko kilala.
Sa lalim ng iniisip ko, di ko namalayang nasa Harapan na pala ako ng Pila, at naghihyawan na ang mga nasa likuran ko. Tinapos ko ng madali ang nakatakda kong dapat gawin doon at umuwi na ako.
Bago ako tuluyang makalabas ng Campus, may nakabangga akong isang magandang babae. May katangkaran ito. Katamtaman ang laki ng brown nyang mata na bumagay sa manipis nyan kilay at labi, matangos ang ilong nya at bilugan ang mukha. Nakalugay lang buhok nya at konting kulot sa dulo niyon, Hindi sya ganon ka seksi pero may kaputian sya. Agad itong nagpasingtabi;
Chris: *Nakatingin pa rin sa mukha ng kaharap, parang nangyari na ito* O-ok lang yan ako naman ang may kasalanan eh.
Sofia: *nakangiti pa rin kahit nasa lapag pa rin ang mga gamit nya* Di po kasalanan ko, nagmamadali kasi ako eh, agete-text pa habang naglalakad. Para po makabawi sa nagawa ko, let me introduce myself, ako po si Sofia Cristobal, ikaw po?
Chris: *may alinlangan pa rin ang tugon* Um, Christian Samonte, pero Chris na lang po ang ita---
Sofia: *nagulat, biglang lumapad ang ngiti nya na pilit pa kanina* WoW! Ikaw si Christian? ikaw ba talaga yan? Ang Sikat na Writer na Si Christine Soriano? Di ako makapaniwala *napakbilis nya iyong sinabi*. Papasok ka ng UP? Ay! teka, *hinalukay ang bag nya at inilabas mula roon ang isang pocketbook na gawa ko, latest yon, ang "Mahirap limutin ang isang Tulad mo"* pa-autograph naman dito oh para ebidensya ko sa mga kaibigan ko na nakita kita.
Chris: *pinirmahan ang kopya ng Nobela, ibinalik ang pocketbook at nagpasingtabi* Um Sorry to intervene pero uuwi pa ako Heto nga pala ang Number ko. Please wag mo pong ipagkalat. Text-Text tayo *kinindatan ko sya umalis na ako*
~Sofia's Point of View~
"Yessssssssssssssssss!! Nakuha ko ang Number nya! Heh akin lang to" naisip ko, habang papunta ako sa Sunken Garden, ang Meeting Place namin.
Matagal ko nang hinihintay ang sandaling makausap si Chris, ang Writer ng mga Nobelang kinaadikan kong mga pocketbook na dati ay di man lang ako humahawak.
Narinig ko na rin ang tungkol sa Pagiging "Woman Hater" ni Chris, pero hindi sya ganon sa akin kanina, kung ganoon bakit sya binansagan nang ganoon?
Dapat ko itong malaman. At sisimulan ko iyon sa lalong madaling Panahon!
*End of [S2/C1] Si Chris sa Harap ng Totoong Mundo*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanficThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...