[S2/C5] Laro ng Tadhana

29 0 0
                                    

Hindi ko inaasahan ang ekspresyong iyon ng muhka nya. Akala ko kasi ay "Kontrolado nya ang Sitwasyon" at dapat :Go With the Flow" lang ang gagawin ko. Mali pala, sya pala ang dapat kong kontrolin. Bago pa ako makapagtanong kung ano ang nangyayari ay Sumabad na sa usapan ang isa pang kasama ng nagpakilalang Lizzette;

Deborah: *nakipagkamay sya sa akin* You must be the Writter they're all talking about. Ako nga pala si Deborah, Deb in short. *tinuro si Lizzette* At sya naman si Lizzette, Liz in short. Yung isa naming kasama, di raw makakarating, may biglaan daw na Out of Town tour ang mga magulang nya at sapilitan syang isinama. So, alam mo ba kung bakit ka nandito ngayon?

Natameme ako. Di ko nga alam kung anong eksaktong Rason kung bakit ako nandito. Nung sinilip ko naman si Sofia, ni hindi sya makagalaw at putlang-putla ang mukha nya. Para syang hihimatayin sa itsura nya. Pero hindi ko muna yon pinansin. Kailangan kong malaman ang dahilan ng pagpunta ko rito.

Deborah: *napansin ang hindi ko pagsagot, at dahil doon ay nagpatuloy sya sa pagsasalita* Ah so hindi pa pala naipaliwanag ni Sofia ang totoong rason ng pag-imbita nya sa yo dito. *sinilip nya si Sofia, tulala pa rin ito* Ang dahilan kasi ay eto *pinakita sa akin ang isang Video na kung saan ay pinakikitang may pinapa-xerox si Sofia ng patago* Ang pinapa-xerox nya ay ang Key to Corrections ng isa naming Subject. You see, magaling magpaikot ng tao itong kaibigan *pilit at madiin ang pagkakasabi ng "Kaibigan"* naming si Sofia. Nabola nya ang Prof namin na sya ang magpa-xerox ng Key to Correction na yon. Pero tuso talaga tong si Sofia, pinagtiwalaan na nga, di pa pinahalagahan ang pagtitiwalang binigay sa kanya, nagawa pa nyang magsubi ng Kopya ng KoC na yun. Ang lufet noh? So ano ang masasabi mo dyan Mr. Writter?

Matapos kong marinig ang totoo, para akong naparalisa. Para akong sinampal, malakas na sampal. Pero ininda ko iyon, hindi ko alam pero parang may isang damdaming nawawala sa aking sistema ng mga oras, at Yon ay ang galit na dapat ay nararamdaman ko na ngayon at dapat ay para kay Sofia. Pero Wierd talaga ang damdamin ng tao kung minsan. Kasi noong mga oras na iyon mas galit ako sa dalawang babaeng kitang-kita kong tawa ng tawa at ang talas ng tingin kay Sofia. Pinalabas nilang masama si Sofia, pero di ko naman makuha ang panig nya dahil nasa Vicinity kami ng concert. Ang kahit na anong usapan ay hindi magiging pribado sa ganito karaming tao. Lalapitan ko na sana sila Sofia ng biglang umariba ang Ringtone ko ng "Tears Don't Fall" ng Bullet For my Valentine. Wow kakaasar naman. sino naman ang tatawag sa akin ngayon, wala naman akong appointment o di kaya ay lakad dahil kinansela kong lahat para sa araw na to. Para lamang sa balitang yumanig sa akin ay isinantabi ko ang lahat ng lakad ko. Nang pangalawang ikot na ng Chorus ng Kanta ay sinagot ko na iyon. Maeskandalo na kasi ang tunog niyon. Nagulat pa ako ng makita ko kung sino ang Herodes na Caller. Si Bradice! At di lang yon may text na pala ako mula rito, mga 3 na iyon. Kaya siguro tumawag. Pinidot ko ang Answer Button at isang boses na puno ng kaba ang narinig ko mula sa kabilang linya. Inusisa ko kung ano ang dahilan noon;

Bradice: Hoy Chris, kamote ka! Umalis ka na dyan! May "Jynx" na parating!

(Simula ng Insidente noong JS Prom ayoko nang tinatawag sa totoong pangalan nya si Regina, sa halip ay binansagan ko Syang "Jynx". Simbolo ng pagiging malas nya sa buhay ko.)

Chris: *matagal bago nakasagot* S-s--si Jynx nandito? Sino ang Walang hiyang nagsabing nandito ako ngayon? *nahaluan na ng galit ang boses ko* Hindi mo ba kasama yan Mercado?

(tinatawag ko lang si Bradice sa Apelyido nya kapag galit na galit ako sa kanya)

Bradice: *nagtaas na rin ito ng boses* Hoy, easy lang sa pagbibintang ha! Hindi ko kasama yan *tumigil ito sa pagsasalita, matapos ay histerikal na sumigaw* At talagang hindi ka pa aalis dyan? ANONG GUSTO MO, MAGKITA PA KAYO??? SIBAT NA DALI!!! At Dalhin mo yang "Kasama" mo. Nararamdaman kong hindi magiging maganda kapag iniwan mo sya sa mga babaeng yon *ang tinutukoy nya ay sila Deb at Liz*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon