[S1/C9] The United Nation of...

44 1 0
                                    

Nang mapansin ni GM ang komosyon sa GC, nag-foold sya ng Message;

Atikihc: Emergency Meeting at Green Despair, Now, Channel 30. Sa loob ng 15 mins. at wala pa kayong lahat na OL ngaun, sisipain ko kayo *pinadala niya ito ng mga 8 beses*

Lahat ng nakabasa nito ay madaliang nagpunta sa Green Despair. hindi ko inaasahan na ganun sila kadaling sumunod sa utos ng GM namin. Sa loob lang ng sampung minuto, napuno agad namin ang lugar na malapit sa Core Alchemist. Matapos ng konting kamustahan, kwentuhan, at pakitaan ng Sets, ay kinuha na ni GM (Guild Master) Atikihc ang atensyon ng lahat;

Atikihc: *tumikhim, senyales na pormal nang sinisimulan ang meeting* Excuse me, Ipinatawag ko kayong lahat dito para sa isang bagay na laman ng GC natin kanina, Ang Nation na dapat piliin ng lahat ng Guild Members natin. Dahil pwede itong maging dahilan ng paglakas o pagkakawatak-watak ng ating Guild. Bago ko bouin itong Guild natin marami na akong nakitang Guild na di nagkakasundo ang mga miyembro dahil sa iba-ibang Nation ng mga miyembro nila. At dahil sa nagkakainitan na ang iba sa inyo, ipinasya ko na dapat itong idaan sa isang pagpupulong, Hindi lang sa GC dapat itong ayusin kundi dapat sa isang maayos na usapan nang nakaharap ang lahat ng miyembro. Sino ang gustong magsalita o magtanong?

StrikeForce54: *itinaas ang kanang kamay* Maitanong ko lang po, anu po ba ang importansya ng Pagpili ng Nation? Diba pwede naman Neutral lang ang isang player. Para maiwasan niya makasagupa ang isang kaibigan na ibang pala ang Nation na pinili sa Nation na pinili nya?

Atikihc: *nag-isip nang konti, di nagtagal ay sumagot* Mahusay na tanong, Hayaan nating ang mga High Level kong Ka Buddy ang magpaliwanag ng sagot sa Tanong mo. Halika na dito *sumenyas sya sa mga High Level na nanonood sa pagtitipon na lumapit sa amin*

Di kaila na malakas nga ang ang mga Tinawag ni GM na Representante ng Dalawang Nation. Naka-Violet ang Warrior na unang lumapit sa Umpukan namin, kalmante ito at halatang may paggalang. Kinamayan nito si GM at binati kaming mga nasa umpukan. Pagkatapos ay Sinalubong naman ni Ate Atik ang isa pang Representante na Itim naman ang kulay ng damit. Isa syang Force Blader na mu~g laging handang pumatay ng kahit sino, kahit kalalabas lang ng pobre niyang biktima sa Town. Naka-Full Buffs pa ito ng kamayan si ate Atik at ni-Release lang ang buff niya nang ituro na sa kanya kung sino ang kanyang makakaharap, which is Kami. Parehong umupo sa tagiliran ni GM ang Dalawang Representante, ang naka-Violet ay sa Kanan ang naka-Itim ay sa Kaliwa.

Atikihc: *lumingon sya sa dalawang panauhin* Sino sa inyo ang handang sumagot sa tanong nya?

Capella Rep.: Ako na b- este Atik pala *tinitigan sya ni GM nang masama sa muntik nang niyang masabi ang pangalan ng Main Character nya* Kahalagahan ng Pagpili ng Nation, tama ba Atik? Ok eto ang importansya niyan. Una: Makakasali ka sa M War kung saan ay makakakuha ka ng War Exp. Para makapag-level up, makakuha ng malaking Skill Exp. o makakulimbat ng malaking Honor Points na Hindi na gumagamit ng malaking oras o pera. Pangalawa: Pag nanalo ang nation nyo sa M War, makakakuha ka ng malaking Alz at item depende sa nagawa mo sa loob ng M War, at; Pangatlo: Kapag nasa loob ka ng isang "War Zone" Map mas malaki ang makukuha mong Honor Points kada mobs na mapapatay at kapag ibang nation naman ang iyong napatay *tumingin ng nakakaloko sa kabilang Rep.* higit na malaking Honor Poits ang iyong matatanggap. May tanong pa ba bago kami magpaliwanag kung ano ang ipinaglalaban ng Nation namin?

devourment: *itinaas ang kanang kamay* Opo meron pa, Para saan po ang Honor Points na halos Sentro ng sinabi ninyo kanina?

Procyon Rep.: *tumayo at pumunta sa gitna, tinaboy ang Capella Rep.* Hayaan mong ako na ang sumagot ng tanong na ito pare. Ang honor Points ay Itinuturing din na Respect Point. Meron ding mga Items na Hindi mo magagamit kapag hindi sapat ang Honor Levels mo, tulad ng Earrings and Beads na pang matataas na Honor Level ang kailangan bago mo maisuot.

Pagkatapos ng paliwanagang ito, nagkaroon ng bulung-bulungan at diskusyong pribado ang karamihan. Ako naman ay naninimbang. Pero bago pa uli maantala ang paliwanag ng mga Representante, pinatahimik na uli ni GM ang komosyon.

Atikihc: *Dinamba ang paa at lumikha ng tunog na kumuha ng atensyon ng lahat* Ok hayaan na natin silang magpaliwanag at ng matapos na itong pulong na ito, para makapagpa-level na rin tayong lahat! *pasigaw* Ituloy niyo na ang inyong nasimulang paliwanag.

Mahaba-haba rin ang naging paliwanagan at mainitang banggayan ng Dalawang Representante. Pinaalis na sila ni ate Atikihc. Siguro ay nakaamoy na siya ng Madugong Patayan pag nanatili pa sila sa Harap namin kaya pinalayas na niya ang mga ito;

Atikihc: *Tumayo sya at gumitna sa Dalawang Player na handang-handa nang magbanatan, Naka-Full Buffs na nga sila pareho* Kung magpapatayan kayo dun kayo sa labas o sa lugar na di makikita ng mga Guildmates ko! Salamat sa pagtanggap sa aking imbitasyon.

Habang sila'y lumalayo ay naririnig pa rin namin ang Murahan nila ng P.I.M at F.U. sa isa't-isa. Susunod sana kaming lahat ng biglang-

Atikihc: *Gumamit ng Down Breaker ng Nagpayanig sa Sahig ng GD na gawa sa Kahoy* Magsibalik nga kayo sa mga pwesto ninyo! Di pa tayo tapos sa meeting na ito! *Nag-Full Buffs sya ng akmang maraming mang-iisnab sa Warning buff niya* Balik Dito!!!. Ok now Ay bibigyan ko kayo ng 15 minutes para mag isip kung saan kayo papanig, sa Capella *may diin* o sa Procyon *pilit* hahayaan ko kayong magikut-ikot habang nagi-isip pero walang aalis ng GD hanggang di ko pormal na tinatapos ang Meeting ha, kung hindi....... alam nio na *tumawa sya, pagkatapos ay naglagay ng Tag "AFK FS Mode"*

Tumayo ang lahat at naghanap ng magagawa, karamihan sa 14 na kasama ko ay pinuntahan ang Dwelo ng Dalawang Rep. para panoorin kung sino sa dalawa ang dadafa. Ako naman ay nagpunta sa Wriggleleaf mob area, nagkataong may Quest ako doon.

Inisip ko ang pagbati ng Capella Rep. kay GM. Parang kilalang-kilala na niya ang Main Char ni ate Atik. at isa pa, ang Kakaibang diin sa Salitang Capella kanina bago nya kami pag isipin kung saan kami papanig. Habang pinapatay ko ang kalahating dosenang Wriggleleaf na ni-lure ko ay may kumalabit sa akin. Si Katazuki!

Katazuki: Oh ano, nakapag-isip ka na ba ng Nation mo? *nananantiya ang tono niya*

StrikeForce54: *nagulat ako sa tanong niya, muntik na kong mamatay sa kakaisp kung sinundan ba nya ako o hindi* Ei Hindi pa, kasi.....*uminom ako ng HP Potion*

Katazuki: Capella tayo. 

StrikeForce54: Huh? Baket? *nagtataka*

Katazuki: *kamot-ulo* Di pa ba Obvious yon pre? Halata namang Capella ang Piniling Nation ni GM sa Main Character nya eh. Yung tawagan pa lang nila nung Capella Rep. eh giveaway na. So paano ba yan, 2 mins. na lang balik na ko sa town ah *gumamit ng Return Stone, nawala siya!*

Dahil kumpirmadong 2 minutes na lang, gumamit na rin ako ng Return Stone pabalik sa GD Main Town. Binenta ko ang mga loots ko at bumalik sa site namin. Halos kumpleto na lahat kami na nakaupo. Matapos Maghintay ng kaunti ay kumpleto na lahat ng Original na miyembro at may ilang kakadating lang, kasama na si Echizen;

Echizen09: Anung Kaguluhan ito at----

Atikihc: Echi dun ka muna! *itinuro ang kabilang direksyon* Para lang to sa members mga Wala pang Nation!

Echizen09: *tinitigan si GM, mukhang may nabasa ito sa mata ni ate Atik* Ahhhh ok.

Atikihc: Ok para sa Final Phase ng meeting na ito, botohan! Ang lahat ng nandito ay magpi-PM sa akin pag tinawag ko na sila. Ito ang Ipi-PM nyo sa akin "C" kapag Capella ang napili nyo o "P" pag Procyon ang gusto nyo. Since labing-lima kayo ngayon walang Tie Breaker. Di rin pwede ang "I'll Pass" o "Next Time na lang po" maliwanag. Ang may mas madaming boto ay siyang magiging Official Nation ng Guild natin, maliwanag?

Isa isa niyang tinwag ang lahat, para bumoto. Halatang ang mga nakatapos ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Kinakakbahan na rin ako at nang tinawag na ako;

Atikihc: StrikeForce54!

StrikeForce54: Opo!

Atikihc: Ok ano ang Boto mo?

StrikeForce54: C, for Capella *Via PM, bilang pagsunod sa direksyon*

Atikihc: Ok dun ka na kasama sila. Bibilangin ko lang itong mga boto nio.

Gumagabi na sa GD at karamihan sa mga miyembro ay nagrereklamo na, nang biglang;

Atikihc: Ok nabilang ko nang lahat, Ang Official Nation natin ay.....

*End of [S1/C9] The United Nation of...*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon