[S3/C11] Sandata, Suliranin, at mga Kasagutan

11 0 0
                                    

"Holy...??? Anong Ginagawa nyo dito sa Nevareth Guys?" Takang Tanong ko sa aking mga kaibigan na nasa Warp Center.

Si Waren ang Unang nakapansin sa akin nang sabihin ko ang mga Katagang iyon "Di rin namin alam ang alam lang namin ay..."

Bigla namang lumitaw ang 6 na Mandirigma sa Loob ng Warp Center "Ang mga Fallen Gods!!!" Sabi sa kin ni Strike. "Ano? Ang mga God Characters?" Tanong ko kay Strike "Oo, Pero bakit sila nandito?" Takang Sabi nya sa akin.

"Grabe, Ang Hirap Sarahan ng mga Warp Centers lalo na't Di na buo ang aming mga Kapangyarihan" Sabi ng Warrior na naka-Mithril Armorset. Halos nakakasilaw na ang Kintab nito at di ko sya matitigan ng Diretso.

"Sinabi mo pa Calis! Ang dami pa namang tao sa labas ng Warp Center sa Green Despair" Segunda ng isang Force Archer na tulad ng nauna, ay naka-Mithril Set din.

"Oo nga eh, Halos di pa naman ako nakaka-rekober mula sa laban natin sa Forgotten Ruins, Tignan nyo oh!" Sabad ng Isang Blader. Mithril Set din ang Suot nya.

"Ang dami nyong Reklamo!!!"Asik ng Force Blader. "Alam nyo ba na mas mahirap sunduin ang mga yan?" sabay turo nya kina Waren. "Daming pakipot, eh limitado lang ang mga lakas natin. Muntik pa nga kaming ma-trap nung sinundo ko eh, kasi muntik nang sumara ng Portal sa UG nung Hawakan nya ang kamay ko!" Matulis na tingin nya kay Resty.

"Ako pa ang Sinisi, eh kinukumpirma ko lang kung sino ka" maang na depensa ni Resty sa Sarili nya

"Tama na ng Away!" Awat ng Force Shielder sa kanyang mga kasama, "Ang importante ay nandito na sila, at malaki ang maitutulong nila para mailigtas ang mga 'Soul Emissaries' na kasalukuyang Hawak nila Procyon at Capella"

Doon na ako napa maang. "Ibig pong sabihin, bihag nila Procyon at Capella sila Regine at Bradice?" Tanong ko sa mga Diyos ng Nevareth na nalaglag sa lupa.

"Oo, Iho, ikinalulungkot kong sabihin sa yo. Ang masama pa rito, Balak nilang Higupin ang lakas ng Dalawang Emmisaryo para gamitin nila sa kanilang mga Sakim na balakin" Sabi ng Wizard. "At kung itatanong mo kung bakit kami namamakialam sa inyong mga Problema, Mr. Soul Emissary, ay para kami'y makabalik sa aming mga Mundo, sa Lugar ng Kawalang Kamatayan. Dahil pag naparam ang Mundong ito, kasama kaming mawawala" Mahabang Paliwanag ng Wizard Goddess.

"At isa pa Dapat namin kayong sanayin at hasain para inyong ma-kontrol ang inyong mga natatanging mga abilidad" Sabi ng Warrior. "Lalo ka na iho" Turo nya sa akin "Ayon sa mga impormasyong nakalap ko, Namumula raw ang iyong mga mata kapag ginagamit mo ang iyong Battle Mode 2: Lancer. Di magandang Senyales yan para sa isang Soul Emissary" Puno ng Pag-aalalang Sabi pa nito "Ibig sabihin noon ay Puno ka parin ng di kasiguraduhan sa iyong mga hakbang. Kaya kami naririto ng aming mga kasama ay para kayo's Gabayan. Sa inyong pakikipagsapalaran kami'y sasanib sa inyong mga Sandata, para gabayan at palakasin pa ang inyong mga kap@ngyarihan. Tutulungan din namin kayo na makontrol ang inyong mga natatagong mga abilidad" Seryoso nyang Saad, sabay napatingin ito sa mga pinto "Patay! Nawawala na ang mga Selyo sa mga Pinto!!!" Alarmadong sabi pa nya. "Nasaan na ba si Yekaterina?" Naiiritang Turan nya.

"Nandito na ko" Sabi ni Rina, galing sya sa isa sa mga Pinto "Pasensya, mahirap ipuslit ang mga Sandatang Ito mula sa Guho sa Forgotten Temple B3F" Ibinaba nya ang mga Hawak na Sandata sa Lapag ng Warp Center. Puro ito mga Mithril pero iba ang disenyo nila at kinang "Ano Sisimulan na ba natin ang Seremonya?" Seryosong Sabi nya.

"Teka Teka, Anong gagawin nyo?" Tanong ko.

"Obvious naman diba? Sasanib kami sa mga Sandatang iyan!" Sabad ng Force Blader, itinuro nya ang mga sandatang nakalapag sa sahig ng Warp Center. "Wag kang mag-alala, kakayanin kami ng mga Sandatang iyan. Dahil ang mga iyan ang aming mga Sariling Armas nung kami'y mga Mortal pang Gaya nyo" Sabay tingin nya kay Rina "Sya Rina, Nakabisado mo na ba ang Ritwal?"

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon