Miss! Ayos! ako naman! nasabi kong bigla, itinira ko ang Heavy Slash ko, pero sa di malamang dahilan, MISS din ako! Pambihira!
Tumira sya ng Freeze, and presto, taob ako. 15 ang naging damage nun dahil sa di rin malamang dahilan, nag-Critical ang tirada ng loka. Dumafa ako.
CrypticRage has just defeated StrikeForce54 from the duel.
Maraming nagulat sa resulta ng Duwelo namin, pero meron ding natawa. Narinig kong sabi ng fans ni Crypt "Wow, sis nice one!" nakipag-apir pa ang fan na isang Force Blader. Inakbayan naman ako ng isang katukayong Warrior at sinabihan ako ng "Pare, malas mo lang talaga, Miss na sya, miss ka pa, yung killer blow niya, Crit. pa! WoW sa malas noh?" siniko pa ko nito.
hindi ko na muna inisp yon, gusto kong makausap ang Wizard na yon, hinintay kong kumonti ang tao bago ko sya nilapitan. Matagal-tagal din akong nag-abang. Nang sa wakas ay umalis na ang kahuli-hulihang tao na kausap niya saka ko sya nilapitan. Aktong aalisin niya ang kanyang Martialsuit nang ako'y makalapit. Di ako nagalaw sa kinatatayuan ko, habang inaalis niya iyon ay napansin niya ako. Hindi niya itinuloy ang balak. Tinitigan niya ko, parang tinatanya kung naninilip ako o kararating ko lang. Di ako nagpahalata na halos muntik ko na syang makitang Walang saplot sa katawan;
CrypticRage: *nakatingin pa rin* Kanina ka po dyan? *pagkasabi noon ay agad syang umuko, nahiya*
StrikeForce54: *lumunok muna bago sumagot* Kararating ko lang, hinitay ko munang numipis ang mga taong nakapaligid sa yo at------- *naputol ang sinasabi ko*
Teka bakit ko kailangang magpaliwanag? Sabi ng utak ko. Kararating ko lang tapos!
CrypticRage: *nakita ang parang pagkainis sa mata ko* Ok lang po yon, anu po yung sasabihin nyo? *nakangiti na*
StrikeForce54: *parang binuhusan ng malamig na tubig ang itsura* Ah, Congrats nga pala, husay mo pala sa Combo.
CrypticRage: *pilyang napapitik* Ay di po ako yun, yung Boyfriend ko yon. Dumating sya nung saktong ipinadala mo yung PvP Request, sya nga yung nag-accept eh. *kinidatan pa ko*
StrikeForce54: *napamura sa sarili* Ahh ganun po ba? *dumilim ang anyo* Sige po out na ko, wag po kayong magbihis dyan, I'm sure dami menyak sa mga puno dyan *tinuro ko ung puno na kumakaliskis, halatang may tao roon*
CrypticRage: *humagikgik, nagpanggap na di nakita ang itinuro ko* Ok thanks sa Advice ingat *logs out*
StrikeForce54: *buntong hininga* Hayyyyyyyy........... *logs out too*
~Sa Real World~
Chris: P*******g pilot yon ah, pakialamero! pasalamat sya at-----*buntong hininga*
Napasadal ako sa pader, alam ko namang sa simula pa lang na gumamit ng Combo ang Wizard na yon alam ko nang hindi iyon ang tunay na may-ari noon. Dahil masyadong agresibo ang kinalaban ko, ang may-ari ay hindi. Nadala lang ako ng plano ko. Sa bagay tapos na yon, di ko na maibabalik.
Binantayan ko pa ang shop ng mga ilang minuto bago ako umuwi pero maraming bagay nang bumagabag sa isip ko.
Una, Hindi ko malaman kung saang impyerno kinuha Wizard na yon ang Character Name niya na "CrypticRage". Di ako naniniwalang galing yon sa ibang kaibigan niya yon. Dahil ang Insignia kong yon ay may espesyal na ibig sabihin.
Ikalawa, hindi na raw siya nakakabalita sa Kaibigan niyang iyon, pero in fact, AKO ang kaibigan na tinutukoy niya. Ano ako hangin? Invisible man o Inspector Gadget para di makita at makilala?
At ikatlo, sino ang tampalasang Pilot na syota nya raw, Malamang isa talaga itong addict sa Online Gaming. Dahil kung hindi paano niya magagawa ang mga Combong iyon kahit low level ang character na hawak niya? Isa pa, tumutugma ang deskripsyon ng lalaking iyon sa "Boyfriend" daw ni Regine, ayon na rin sa "Intel" ng "Agent" ko.
Alas 9:45 na nang nagpasya akong umuwi. Alam ko kasing gabi na ang uwi ni tatay dahil "Dominating" na sya sa pag-uwi ng late (DotA Terms, Dominating = 4 times). Pero malas nga talaga ako, dahil nkaabang na sya sa pinto. Inaabangan ang mga "Latecomers" which is us. The Good News is, Nauna ako ng dating. Pero kahit ganun di ako lusot sa "Interrogation";
Tatay: *matamang akong tinignan* Anung ginagawa mo sa labas ng ganitong oras? huh? *sinipat ang itsura ko*
Chris: *pinilit na maging kaswal ang itsura* Um..... Nagpapahangin?
Tatay: *napatayo* Loko! Ano kala mo sa kin? Walang alam? *lumapit sa kin*
Chris: *pinilit na umiwas* Tay, Ayoko na po ng away, Maraming nakakita *sinulyapan ko ang aming mga kapitbahay, may mga nakasilip na nga*
Tatay: *nahimasmasan* Ok sige pumasok ka na. *umalis na sya sa pinto*
Natahimik na ko, pansamantala. Dahil Iniisip ko pa rin kung ano nga ba ang totoo at hindi sa mga nangyayari ngayon. Mahirap mag-isip, ipinasya ko. itinulog ko na lang ang mga problema ko.
~Fast Forward: 4 Months after~
*Dream World*
StrikeForce54: *tumingin ako sa buhay ko, 15 HP na lang daw yon* Oh! *sadista akong ngumiti sa kanya* Mamatay na ko. Hehehehe....... Go ahead! Kill me!
CrypticRage: *tumingin di sya sa buhay niya, 10 HP na lang yon* Ay!!!!! *pilya itong tumingin sa kin* Not so fast, kuya, Sabay tayo! para magka-alaman! *humanda na sya para sa huling atake niya*
StrikeForce54: *inihanda ko na rin ang sarili ko sa pagdafa* Ok Bring it on! *inihanda ko rin ang huling atake ko*
nang biglang...........
Anung petsa na? Syet! Paanong January 21 na ngayon? Parang kahapon lang ay October 21 lang ah!
Bumangon ako sa Kama, naligo, at umalis, tumungo ako sa Common hideout ko. Alam ko na ang dapat kong gawin.......
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...