~Five Years Later~
~Chris's POV~
Nagising ako sa isang masamang panaginip. Kabaligtaran iyon ng panaginip ko noong nasa Coma ako. Natalo ko daw sila sa CA at naging alipin ko sa habang panahon. O Geez! Hanggang ngayon ba naman mayroon pa rin akong panaginip tungkol sa CABAL! My goodness! Sa pagkakaalam ko matagal na kong nag-quit ah! It was five years ago. At hanggang ngayon may imprint pa rin pala sa akin ang larong kinaadikan ko rin ng mahigit ng 3 taon ng buhay ko.
Pero bago nanaman ako ma-absorb masyado kung ano ang Meaning ng panaginip kong iyon ay inayos ko na ang Sarili ko. Normal Routine syempre. Pero bago tayo malayo, ano na nga ba ang nangyari sa akin sa nakalipas na limang taon - maliban sa pagku-quit sa CABAL - Teka wag muna ang tungkol sa akin ang talakayin natin, yung sa kanila muna.
Si Bradice ay naging isang Computer Executive 2 years matapos nyang Magtapos ng Kolehiyo (meaning 3 years ago) At nagkatuluyan sila ni Sofia just some 8 months ago. Kawawang bata at pinahirapan pa ng husto ni Sofia. Akala ko nga nung una hindi sila magkakatuluyan eh. Gagawa na sana ako ng tulay para maging sila, akalain mo ba naman kasi, parang aso't pusa na bangayan ng bagayan ang dalawa. Ung isa nagdududa sa feelings ni Bradice, kesyo daw gagawin lang daw siyang isa sa mga "Koleksyon" ng kaibigan ko -by meaning ng koleksyon ay sangkaterbang babaeng pinaiyak at naging GF ni Brad-. Si Brad naman ay pilit na pinagagaang ang loob ni Sofia. Anyways to Cut their Sub-Story Short, napatunayan naman ni Brad na Seryoso sya kay Sofia, malaki rin ang naitulong ko para mapa-oo si Sofia. Kilala ko naman si Bradice eh. Ang ligawan Process ay inabot ng 4 years 4 months, na ayon kay Bradice ay "Ang Pinakamahabang panahon ng pagsuyo nya sa isang Babae"
Si Resty ay naging Isang Sikat na Dancer matapos ang isang taon ng aking pag-quit sa CABAL . At dahil sa husay nya sya na ngayon ang Choreographer ng Streetboys at ibang Sikat na Grupo ng Mananayaw.
Si Waren ay, well, hindi ko na to ikinagugulat. Pari. Oh Yes! Pari na po sya. At dahil di naman ako Catholic (INC po ako), ini-imagine ko na lang sya na naka-uniporme ng Pari at naghahatid ng Misa sa Isang Catholic Church (ayon kina Bradice, sa San Pedro Chapel daw sya sa Tungko nagmimisa), with full white Long Gown and such.
Eh ako? Anong nangyari sa akin? Maliban sa tumanda ng konti at umayos ng konti ang itsura ay... Wala... After ko kasing gumaling ay may nalaman akong isang balita. Isang balita na nalaman ko huli na ang lahat...
~Flashback: 4 Years and 11 months ago~
Nakatambay kami ni Regina sa Computer Shop ng Tita ko, kasi parehas naming Off day sa trabaho namin (Isa na akong Freelance Writter) Napansin kong matamlay sya at malungkot. Magtatanong na sana ako kung ano ang kayang problema nang bigla nyang basagin ang katahimikan
Regina: *malungkot at nakatitig sa sahig* Chris nasa ibang bansa na ang Pamilya ko, at pinetisyon nila ako para sumunod ako doon. *tinitigan nya ako* Payag ka ba?
Payag ba ako? Tinatanong pa nya kung payag ako?!?! Syempre hindi! Ilang araw pa lang kaming magkasama at ngayon aalis sya? Sana pala namatay na lang talaga ako! Pero sa Halip na isatinig iyon iba na lang ang sinabi ko;
Chris: *garalgal at putol putol dahil sa pinipigil na luha* Bakit ngayon mo lang ipinaalam sa akin yan?
Regina: Dahil ayoko kitang mag-alala ng labis. Dahil masama sa yo ang sobrang Shock.
Oo masama nga sa akin ang Sobrang Emotional Shock. Pero sa lagay ko ngayon daig ko pa ang nabangga ng 3 Taxi na tumatakbo ng 160 Kph. Sobra ang Sakit na naramdaman ko. Daig ko pa ang namatayan at napatay. Magproprotesta na uli ako nang sya'y magpatuloy;
Regina: Alam mo naman na mahal kita, pero desisyon ito ng pamilya namin. *umiyak na ako* Huwag kang mag-alala. Babalik ako. Di ko lang alam kung kailan. *hinipo nya ang pisngi ko at hinalikan ako sandali* Pinapangako kong babalikan kita. Sana kaya mo pang maghintay.
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanficThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...