~Yekaterina's POV~
*Nevarethian's World: Bloody Ice*
"Achooo!" Yan ang malakas na Bahing ng Officer na si Henkoff ng Bloody Ice na gumulantang sa buong Outpost or Safe Zone ng nasabing lugar. Naisip ko ng mga oras na yon ang mga panahong lumipas simula nangng Durugin ng "Lord of Destruction" ang Sage Towers at Simulan ng Dalawang Sage na sila Capella at Procyon ang Digmaan para angkinin ang "Hidden Legacy" na natagpuan ng organisasyon sa Tierra Gloriosa. Subalit wala silang Alam na ang Huling Piyesa para maresolba ang Misteryo ng Hidden Legacy at ang Natatago pang Lakas at kapangyarihan ng Legacy Guardians at Weapons ay nasa Basement lang ng kanyang tindahan ko at Ipinatago ng isang Mandirigmang Mula sa Bloody Ice rin na Si StrikeForce54.
Isang taon nang naganap ang pangyayaring iyon. At Matapos Lumulan ni StrikeForce sa Kanyang Astral Bike at tumungo sa Dakong Norte ng Undead Ground, ayon sa mga Saksi, ay hindi na sya nakita pang muli sa Nevareth, ni hindi ito lumitaw sa alinmang Kontinente at Outpost ng mga Delikadong Lugar ng Mutant Forest, Forgotten Ruins, Lakeside at Pontus Ferrum. Ang Sapantaha ng nakararami ay napatay ito ng mga Mobs sa Undead Ground, Pero hindi iyon kapani-paniwala. Maliban sa May Kataasan na ang Level License ni Strike, ay naka Full Osmium Set pa ito na +6. Tanda ko rin na ako pa ang nagbigay ng mga Baluting iyon na binili ni Strike sa AKIN rin mismo. Meron ding sabi-sabi na Pinatay ni Procyon si Strike dahli isa ito sa mga Espiya at loyal na Komandante ni Capella. Malabo rin ang teoryang ito. Dahil ang Headquarters ng Konpederasyon ni Procyon ay sa Desert Scream pa at Hindi ito basta lumilitaw ng ganun lang. Marami itong Kasamang mga Bringers at Guardians kapag ito ay tumutulak sa ibang kontinente.
Ang Pinakaka-kapani-paniwalang bersyon ay ang naisaad ng isang Mid Level noon na Wizard na ang Ngalan ay "CrpticRage";
*Flashback*
"Madam Yekaterina!, Madam Yekaterina!" Sigaw ng isang Wizard na pagod na pagod sa kakatakbo gamit ang dash-blink. Pagtapak nito sa Boundery ng Safe Zone ay halos hindi ito makatayo. Agad itong tinulungan ng mga parokyano ng Auction. Talagang gusto ako nitong kausapin kaya't kahit masama sa Negosyo ay Pina-alis ko muna ang lahat ng namiili at kinausap ang babae.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo" bati ko ng masaya sa babaeng WI. Ngunit matapos masiyasat ang kanyang anyo ay bigla kong binabaan at iseneryoso ang aking tinig "Sa palagay ko ay hindi ka naririto para mamili o magbenta ng anuman, ano ang gusto mong sabihin, pakidalian lang at nagagalit na ang mga mamimili" di ko pa napigilang ipaalala ang negosyo kahit paranh ikamamatay na nya ang gusto nyang sabihin.
"S---si St---ri---ke po, ni---nilamon po sya ng isang Portal sa Dulong Hilaga ng Undead Ground" Wika ng babae habang parang mamamatay na sya sa takot "Di ko po alam kung makakabalik pa sya, kasi po nailalag nya ito" Iniabot nya ang isang Warp Card na Kamukha ng Warp Circuit ng Entrance ng Exilian Volcano, Ilang libong ulit na itong na-replica ng mga Mandirigma ng Nevareth para lang gawing Puntahan para makakulimbat ng sandamakmak na Osmium Armors at Shadow Tita Weapons. Pero may kakaiba sa Warp Circuit na iyon. Iba ang Coordinate Patterns noon at ang Destination Code Coordinates ay "X=999, Y=999 of Unknown Place". Walang lugar o Mapang nagngangalang "Unknown Place" sa buong Nevareth, ni Dungeon o DT Card ay wala. At mas lalong Walang Coordinate na "999" matakin pang dalawa pa ang 999 noon, ang X at Y. Siniyasat ko muna ang babae kahit malaki na ang takot at kaba ko sa bagay na aking naririnig at sa mga maririnig ko pa.
"Bakit parang hinahapo ka? Pwede ka namang Gumamit ng Return Stone Para makabalik sa Safe Zone ng UG at BI ah!" Pagalit kong angil, nalimutan ko na ang mga taong mamimili.
"Kasi po Madam Rina, Hinabol ako ng isang di kilalang Mob na Lumabas sa Portal bago iyon Sumara. Malaki pa iyon sa Zombie General sa EOD ma'am at naging invisible iyon, at tapos ay kumapit iyon sa Anino ko at--- at, Waaaaaaaaaaaaaa!" Patapos nya sa shocked na statement ng pahagulgol.
"Ok, iha. Mamahinga ka muna. Sa ngayon tama na muna ang dinanas mong hirap." Pang-aalo at bugaw ko sa babae nang biglang may maalala, "Iwan mo yang Warp Circuit na yan dito, pag-aaralan ko ang pinagmulan at destinasyon kung saan ka maaring dahlin yan at kung pwede pa natin yang gamitin para hanapin ang kaibigan mo" Matapos nyang iwan ang Warp Circuit ay saka lang parang guminhawa ang itsura ng Pobreng Wizard. Ako naman ay nabalot nag pagtataka.
*Flashback Ends*
Hanggang ngayon ay kasama pa rin ng ipinatago ni Mandirigmang si StrikeForce ang Warp Circuit. Kahit na Kasing husay ko sila Helil at Tesky sa Paggawa at pag-decode ng mga Warp Card and Circuits, di ko makuha kung saan ka dadalhin noon. Sinubukan ko na rin nyang ipa-analisa iyon sa Dalawang Experto, pero wala rin silang magawa at makuhang impormasyon roon, maliban sa ang Entrance ng ng Warp Circuit na iyon ay ang Exsaktong Lokasyon ng Entrance ng Exilian Volcano, kung saan huling namataan si StrikeForce. Ang lalong magulo ay Nawawala na rin ang Wizard na nagpaalam sa kanya ng balitang "Nilamon" ng Portal si Strike. Ayon sa kanyang mga Parokyano, Nakita nila ito sa Entrance ng Exilian Volcano at parang may kinakapang kung ano, yun ay halos 2 Buwan lang ang nakakalipas, at tulad ni Strike ay wala ring balita sa Wizard na si CrypticRage. Nang Umihit uli ng Ubo ang Tiyuhin ko ay saka lang siya bumalik sa Reyalidad.
"...Maniwala ako..." na lang ang narinig niya sa sinasabi ng Tiyuhin, napukaw kasi ang atensyon ko sa isang Mandirigmang Blader na parating. Agad kong pinabalik ang Tiyo sa Pwesto nito, at kinausap ang Blader.
"Bibili ka ba? Daming murang Osmium..." Panimulang bati nya na pinutol naman ng nagmamadaling BL "Ate Parang may sakit po si Officer so sa inyo ko na lang po ito ibibigay, Napulot ko po yan sa UG, habang naghahanap po ako ng Page of Book of Honor" Quest item iyon na sa UG makukuha.malamang mababa ang Honor Rank nito naisip nya "Kakaiba po kasi ang pagkakasulat ng mga kataga rito, di ko po sya ma-gets" bumunot sya sa bulsa ng kanyang Baluti at iniabot iyon sa akin "Heto po"
Naubos ang Dugo nya sa Katawan at muntik pang malaglag sa kayang pwesto. Ang katagang "Unknown World" at "StrikeForce54" ang mga salitang rumehistro sa utak ko, at pinalayas ko na ang BL. Napuno ako ng Kyuryosidad.
*End of [S3/Prologue] Memories*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...