~Bradice's POV~
Hindi ko rin malaman kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para masabi kay Sofia ang Nararamdaman ko. Hindi na ako nahiya, nasa libing ako ng Tatay ni Chris tsaka ko pa nagawang magtapat dito sa babaeng kaharap ko. At ginawa ko pa iyon matapos kong ipagtapat ang Lahat ng nalalaman ko tungkol sa Kaibigan kong iyon.
Pero kailan ko ba nasimulang mahalin si Sofia? Hindi ko rin alam. Kung kikilatisin kasi ako isa akong Tao na Hindi sineseryoso ang Mundo ng Pag-ibig. Ang tipo ng lalaki na mahilig ipakita kung gaano ko kagusto ang isang babae. Na kapag tinanggap nya ang inaalok kong Relasyon ay iingatan ko habang nandyan. Kapag ayaw nila, sila ang bahala, sila rin ang kawawa. Kung tutuusin isa akong "Good Catch" dahil Gwapo na mayaman pa. Walang Girlfriend na dumaan sa kin ng Hindi ko ginagastahan ng 5-Digit Cash sa loob lang ng isang Buwan.
Yan ang kinaiba ko kay Chris. Sya ang Tipo ng Lalake na kapag nagmahal, Sobrang seryoso. Yung hindi nya makakalimutan kahit mahigit kalahating dekada na ang lumipas ng hindi sya tanggapin ng babaeng nililigawan nya at hindi sya marunong mag-move-on. Pero masisi ko ba sya? Hindi rin siguro. Kasi hindi sya kagwapuhan, hindi rin sya ganoon kayaman. Ang tanging sandata nya -at masasabi kong pwede nyang magamit para makadiga ng chicks- ay ang kanyang Napakalalim na Sense of Humor at Sobrang lupet na Instinct and Advices (Di nya nga lang gamitin ng matino. Amf!. Na kapag narinig mo ay parang napagdaanan na nya lahat iyon.
Sa bagay HALOS lahat na ata ng Hirap ay napagdaanan na nya. Iniwan ng Nanay, nagkaroon ng Nagger na tatay, Milyong beses na pinaglaruan ng mga kaklase nyang babae na akala mo magaganda, pero ang ugali kasing baho ng imburnal at na-bully ng mga lalakeng Bugok na itlog ang laman ng utak para makopyahan ng Assignment nung HS kami, Basted Record na umabot ng 100+ Simula ng 15 Yrs. Old Sya hanggang ngayon. First love Rejection. Naipit sa Sibling Rivalry at sobrang dami pang iba na kapag sinabi ko pa eh baka hindi na ako matapos sa pagpapaliwanag.
Mabalik tayo sa Topic. Paano ko nasabi dito kay Sofia na Mahal ko sya kahit na hindi ako ganon kaseryoso sa aking Lovelife. Siguro dahil SYA ang Dahilan kung bakit ako naging papetik-petik sa Buhay Pag-ibig ko. Oo sya nga ang Dahilan. Paano? Teka isipin ko................
*Flashback*
"Grabeng Periodical Test yan! Piniga ang Utak ko"
Yan na lang ang Nasabi ko habang binabaybay ko ang maputik na daan papunta sa Sakayan ng Jeep sa Tungko. Hindi ko rin malaman kung paano ko nalagpasan ang Exams dahil di nanaman ako nagreview (Bwiset na DotA yan!) at isa pa, dami namang matatalino sa Section namin kahit na 3rd to the Last Section yon. Late Enrollies ata yung mga Ginueses na yon eh.
And as Usual Kasama ko ang mga Barkada kong mga Techie Addict din. Papunta na kami sa isang Com. Shop sa Di kalayuan ng May makita akong isang Magandang dalaga na nakatambay sa Bakery na malapit sa Babaan sa Sakayan ng Jeep patungong
Sapang Palay. Sa sorbang pagmamasid ko sa kagandahan nya ay di ko namalayan na naiwan na ako ng mga Tropa ko. At dahil malayo na sila at hindi pa ako pwedeng tumawid para mahabol sila, ipinagpasya ko na lang na usisain ang dalaga. Napansin ko ang Suot nyang Palda ng Checkered din na Green. Ibig sabihin ay Schoolmate ko sya. Ayos to!
Bradice: *Kinalabit ang babae* Uhmm Miss wala ka bang kasama pauwi?
Sofia: *Malungkot akong sinagot* Meron, Kaso mu~g nawawala na ako eh.
Bradice: Ahh ganon ba? Pero bakit naka suot ka ng Uniform ng School namin?
Sofia: *Biglang umasim ang Mukha* Kasi naki- Seat-in ako. Iniwan ako ng Lola ko dun. Dito ko raw sya hintayin pero isang oras na wala parin sya. *Humakbang palayo* Excuse me!
Bradice: *Hinawakan sya sa Braso* Teka sandali, *sumeryoso* I'm sorry, di ko kasi alam na nawawala ka pala. Ano nga pala ang Pangalan mo?
Sofia: Sofia Cristobal po.
Bradice: *tumango-tango* Ahhh. Sige ililibre kita ng Merienda. Ok lang ba sa yo?
Sofia: *ngumiti ng bahagya* Salamat kuya.....
Bradice: Bradice. Bradice Mercado.
Sofia: Sige Kuya Bradice. Salamat ha.
Bradice: *ipinitik ang kamay sa hangin* Sus, ok lang yun. Ako pa!
At tumawa sya pagkatapos noon. Isang mala-anghel na tawa na parang kinikiliti ang puso ko. Pero ayoko na munang pakinggan ang maliit na boses na yon. Dapat munang mag-enjoy ako sa Teenage life ko. Minsan lang ang Buhay, dapat wag itong sayangin.
Dinala ko sya sa isang Turo-Turo. How Cheap noh? Pero nang magkasama na kami saka ko lang naalala na 100 lang pala ang Laman ng Wallet ko. Saktong sakto lang kasi iyon para pangpusta sa laro namin plus yung bayad sa oras na lalaruin namin. At hindi ko sya kayang dalhin sa isang Fastfood Chain dahil doon, at kapag sinubukan ko pang gawin yon, baka mapaghugas pa ako sa kusina dahil wala akong sapat na pambayad para sa ming dalawa.
Nagpatianod na lang ata si Sofia sa akin dahil parang nalaman nya na wala akong Pambayad sa Kakainin namin. Ang Saya nya palang kasama. Makulit sya pero nasa lugar. Ginaya pa namin ang Ginagawa ng mga magsyota doon na Nagsusubuan ng pagkain. God! Daming nagtitinginan sa amin. Tinatawanan na lang namin yon. But from the Behind may isang matandang babae ang nanghampas sa amin ng isang nakasarang payong. Ito yata ang lola ni Sofia.
Lola: *Galit* Hoy Sofia! Saan ka nanaman nagsuot! Bwiset ka. Kanina pa kita hinahanap *Kinurot si Sofia sa tagiliran*
Sofia: *namimilipit sa sakit* Aray lola tama na po!
Lola: *Sumisigaw, di alintana ang dami ng taong nanonood* Tama na? Tama ba yang ginagawa mo? Anong---
Bradice: *pinutol ko ang sasabihin ng lola ni Sofia* Ako po ang may kasalanan, Lola. Wag nyo na po syang hiyain sa harap ng maraming tao. Please.
Lola: *kumalma sa sinabi ko, nakita nya rin ang dami ng tao na nanonood sa ginagawa nya* Pasensya na sa bala iho ha. Uuwi na kami
Uuwi? Kung kailan naman may natuklasan na ako oh. Yun na lang na nasabi ko sa sarili dahil nahulog na pala ako.
Nahulog nang malalim. Sa Kandugan ng Puso ni Sofia. Minahal ko na sya kahit ngayon ko pa lang sya nakasama
At habang pauwi na sila ng Lola nya ay naisip ko na lang na sana magkita uli kami. Hanggang hindi pa nangyayari yon, hindi muna ako magseseryoso sa mga Babae. Kailangan kong malaman kung mamahalin nya rin ako bago ako sumuko sa kanya.......
*Flashback Ends..........*
Ang korni ko naman. Eh mas korni pa ata ako kay Chris eh. Kaso sya umaasa pa kahit wala na syang Chance pero ako, May tyansa pa kaya ako? Eh mu~g seryoso sya sa nararamdaman nya kay Chris. Ang swerte naman ng Tropa kong iyon. Pero dahil LOVE ito, May the Best Man Wins. Pero sandali lang pala ang pagiging kalmado ko dahil.........;
Sofia: *umiiyak* Sorry Hindi ko pa alam ang Isasagot sa alok mo, Bradice. Dahil hindi ko rin alam kung bakit mo ako minahal. Sandali lang naman tayong nagkasama noon eh. *Tumayo at umalis na*
Wala akong nagawa. Nanatili akong Manhid. Para akong nadikit sa lupa sa mga narinig ko. At naalala pa nya ang mga nangyari noon, ibig sabihin......
Kuya ni Chris: *Hinawakan ang Braso ko at inakbayan ako para makatayo* Alam mo, Brad, Dahil kaibigan ka ng Kapatid ko, At ilang beses mo na ring tinulungan ang Kapatid kong yon. Ikaw naman ang tutulungan ko. At ang unang tulong na gagawin ko ay ang Sabihin sa yo kung ano talaga ang totoo tungkol kay Chris at sa Buhay pag-ibig nya.
Bradice: *kumsilap ang mata na kanina ay lumuluha* Ta-talaga?
Kuya ni Chris: *Ngumiti ng payak* Oo, so makinig kang mabuti ha!
Bradice: *Umupo uli at tumingin sa kuya ni Chris* Sige po.
Sa malayo ay natanaw ko pa na sumakay si Sofia sa isang Jeep patungong Commonwelth. Kung saan nakatira si Chris, sa kasalukuyan. Hahayaan ko na muna sya, sa ngayon......
*End of [S2/C8] Sigaw ng Damdamin*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...