[S1/C5] Ano ang iyong Ipinaglalaban? (What are you Fighting For?)

56 1 0
                                    

~Dream World~

Pagdilat ko ng aking mga mata, nakakita ako ng dalawang pinto, ang una ay nagsasabing "Ito ay papunta sa iyong libingan" ang ikalawa ay may karatulang may paalalang "Pagpasok mo dito, hindi ka na makakalabas, maliban kung malaman at mabatid mo kung ano ang iyong ipinaglalaban" .

Sinubukan kong tumingin sa likod kung may pinto doon ngunit wala, matigas at malamig lamang na pader ang nandoon. Walang ibang daan, kung nais kong mabuhay ay dapat kong harapin ang pagsubok ng ikalawang pinto.

Binuksan ko ang ikalawang pinto at tumambad sa akin ang isang nakahihindik na eksena. Sandamukal na patay na nakahandusay sa malamig na lupa, mga mandirigmang kahit na halos mamatay na sa pakikipaglaban ay tuloy pa rin ang pakikibaka, mga magnanakaw na inuubos ang pag-aari ng mga bangkay na naroroon.

Di ko napansin ako pala ay nasa bangin at may isang mandirigma na nasa likod ko, inaakala siguro nito na isa akong kaaway, inilabas niya ang kanyang espada, sasagupain na nya ako pero may isang estatwang pumagitna sa amin. Pilit nya itong pinipigil. Di ako makapagsalita sa takot. Di ko rin maigalaw ang mga paa ko. hindi sinusunod ng aking katawan ang utos ng isipan ko.

Ngunit sa isang iglap, biglang nagkatinig ang estatwa, tinanong ako nito;

Estatwa: Ano ang iyong ipinaglalaban Hijo?

Chris: *mahinang tinig* A----no po? *di pa rin makagalaw*

Estatwa:  Ano ang iyong ipinaglalaban *pinalakas niya ang tinig nya*

Chris: *nalilito* Ano po ang ibig ninyong sabihin? *nahihilo sa mga nangyayari*

Estatwa: Ano ang iyong ipinaglalaban *isinigaw na niya ito sa akin*

Chris: *wala pa ring maintindihan* Hindi ko po alam!!! *Kinapos ng hininga*

Estatwa: *ngumiti* Kung ganon? naliligaw ka iho? *pinaalis nya ang madirigma sa isang hampas lang*

Chris: O-o---opo *nanginginig*

Estatwa: Hayaan mong ipakita ko sa 'yo kung ano ang iyong dapat ipaglaban *Hinawakan ng kanyang kamay ang ulo ko*

Pagkatapos niyang gawin iyon, agad na umikot ang aking mundo sa bilis na hindi ko maisip kung paano ko natatagalan. Habang ginagawa niya iyon, nakikita ko ang mga alaala na hindi ko malimutan, ayaw kong malimutan at mga sandaling gusto ko nang limutin. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nangyayari sa mga sandaling iyon, pero isa lang ang alam ko, isa itong parte ng pagsubok sa ikalawang pinto na pinasok ko kanina, yun na lang inisip ko. Hindi ko na pinahaba pa.

Natapos ang pag ikot sa pagabgsak namin sa isang payapang lupain. Agad siyang nagpaliwanag, ngunit hindi na sa porma ng isang estatwa. Isa na lamang siyang boses na hindi ko mahanap kung saan nanggagaling. Agad niya akong kinausap;

Boses: *mistikong tono* Ito ang lugar kung saan tayo galing kanina, bago naganap ang isang digmaan. Ang mga sumama sa digmaang iyon ay mga taong walang alam sa mga bagay - o tao - na dapat nilang ipinaglalaban. Nasayang ang kanilang mga buhay dahil lamang sa pagsali sa isang digmaang ang tangi lamang hatid ay sakuna. Hindi nila inisip ang epekto nito sa buhay nila, hindi nila inisip na marahil yon na ang kanilang huling mga sandali, ni hindi nila nalaman kung ano ang kanilang dapat na ipinaglaban bago sila lumisan sa mundo.

Chris: *takang-taka* P-p--pero paanong, nasama ako sa mundong ito, hindi ako taga rito! *pasigaw ko sa kawalan*

Boses: *kalmado* Ngunit isa ka ring tao. Taong nawawalan ng saysay ang buhay dahil hindi alam ang mga bagay na dapat niyang ipinaglalaban.

Agad akong natigilan. Paanong---- Bakit------ Hindi! Alam kong hindi ito totoo! Pero totoo ang kanyang mga sinabi.

Hindi ko alam ang aking isasagot. Maraming dahilan kung bakit ako ganito. Una, ang pamilya kong dapat sana'y katuwang ko sa mga problema ko ay hindi ako iniintindi. Kilala lamang nila ako sa oras ng pangangaliangan.

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon