Ang doktor ang unang nakabawi sa biglaan kong tanong;
Doktor: *garalgal sa gulat ang boses* Sigurado ka iho? Pwede ko naman kayong papasukin ang problema lang ay... parang patay na rin ang pupuntahan mo. Respirator na lang ang bumubuhay sa kanya.
Bradice: *matatag na tumingin sa doktor at nagpatuloy* Ok lang yon Dok, at least buhay pa sya. *biglang bumaba ang tinig* Bago man lang sya tuluyang...
Doktor: *hinimas ang balikat ni Bradice* Naiintindihan kita iho. Sige halika sasamahan kita sa kanyang kwarto *bumaling sa mga kasama ni Bradice* sumama na rin kayo, tutal isang grupo kayo, mas mainam kung lahat kayo ay isasama ko. Baka gustuhing mabuhay ng pasyente dahil sa presensya nyo. *tumawa ng payak habang naglalakad papunta sa kwarto na inuukupa ni Chris* Alam nyo hindi ako naniniwala sa himala, pero palagay ko iyon ang kailangan ng pasyenteng iyon ngayon. *huminto sa isang kawarto sa dulo ng pasilyo ng ICU* Nandito na tayo. *binuksan ang kwarto* Bawal ang ibang tao sa kwartong ito, pero... *akmang aalis na* o sya bilisan nyo ah, 30 minuto lang ang kaya kong ibigay na bakanteng oras sa inyo. Good Luck.
Bradice: *pinigil ang doktor* salamat po Dok...
Dr. Lagran: Lagran, Angelo Lagran. Sige na pasok na *tuluyan nang umalis*
Pagpasok namin sa kwartong iyon, kakaibang lamig ang naramdaman ko, na palagay ko ay humalo rin sa damdamin ng aking mga kaibigan. Wala ni isang senyales ng buhay sa loob ng silid. Isang tikipikal na kwarto lang ito ng isang tipikal na ospital, sabi ko sa sarili ko. Pero kahit na anong pilit ko ay hindi ko maalis ang pakiramdam ng kalungkutan na bumabalot sa akin. Lalo na nang makita na namin ang katawan ni Chris. Payapang-payapa syang nakahiga sa kama sa gitna ng silid, maraming aparatong medikal ang nakakabit sa katawan nya. Tama ang Doktor, Respirator na lang ang bumubuhay sa kanya. Naghanap kami ng pwedeng upuan. Wala kaming mahanap. Kinausap ko na lang sila para di sila balutin nang tuluyan ng kawalan ng pag-asa;
Bradice: *pa-misteryoso effect, ngunit di nya maperpekto* Alam nyo ba kung bakit ko pinilit na makapasok dito?
All: *malungkot na may pag-asa* Hindi!
Bradice: *inilabas ang kahon* Heto ang dahilan.
Matapos ilabas ni Bradice ang Kahon na galing sa estranghera, Lumiwanag ng matindi ang lahat ng mga Simbolo sa Gilid ng susian. Pero nawala rin iyon matapos ng ilang segundo. Lahat kami ay nagtaka.
Regina: Ano yon? *alaramadong gulat*
Bradice: Isa-isa nating hwakan para malaman natin.
At nang lumapit ang Kamay ko umilaw ang Dalawang manipis na espada nang paulit-ulit, ang umilaw kay Regine ay ang Pana, Kay Sofia ay ang Bilog na may bituin, Kay Resty ay ang Bilog na may bituin na may espada, kay Waren ay ang Espadang may pananggalang. Matapos naming gawin iyon, isang kakaibang liwanag ang nagmula sa kahon.
Lahat kami ay napapikit sa tindi ng liwanag na nagmula roon. At nang dumilat kami, isang madlim na lugar ang aming nakita. Magkakasama pa kami ngunit wala na si Chris at ang Kahon.
Luminga-linga kami sa paligid, at unti-unting lumiwanag ang lugar na aming kinaroroonan. Ang una kong napansin ay mala-entabladong itsura niyon. Hindi pala isang Entablado iyon kundi isang...
Chris: *Malamig ang tinig at walang kislap ang mga mata* Arena. Oo Bradice, isa itong Arena. Marami na akong napatay sa Arenang ito. *lumapit sya sa amin* Gusto nyo bang kayo na ang isunod ko?
Walang nakasagot sa tanong nyang iyon. Lahat kasi kami ay nagulat sa aming nakita. Nakasuot si Chris ng isang baluti Gawa sa Berdeng metal. Sa bigat noon ay nagkapagtataka kung paano pa siya nakakakilos habang suot iyon.
Chris: *matapos magmasid ng konti ay biglang lumayo* Hmmm Mu~g di kayo lalaban. Tama yan, It will Save your lives. So anong kailangan nyo at naparito pa kayo? *tumawa ng pagak* Ang layo siguro ng nilakbay nyo ano?
Wala pa rin sa aming may balak magsalita. Sa di kalayuan ay may napansin akong isang kakatwang kahon sa di kalayuan. Nilapitan ko iyon habang nagtatanong si Regina...
Regina: *malungkot* Anong Lugar ito? At bakit tayo nandito?
Chris: *naiirita* Miss, kanina ko pa sinabi na ito ay isang Arena. At kung bakit tayo - kayo lang pala - nandito ay di ko alam. Basta ako ay nadito para talunin ang lahat ng humahamon para kunin ang korona ko Bilang Hari nitong Arenang ito.
Sofia: *tonong nanunumbat* Bakit ayaw mong bumalik sa mundo natin? Alam mo bang marami nang nag-aalala sa yo roon? Alam mo ba---?
Chris: *lalong nagdilim ang anyo* Na maraming magdiriwang oras na mawala ako sa mundo natin? Alam mo ba kung gaano ako kinasusuklaman sa mundong sinasabi mo? Alam mo ba kung gaano ako nagdusa sa mundong gusto mong balikan ko? Ayoko!
Sa oras na matapos sya sa pangungusap nya ay ibinaon nya ang malaking Espadang Nasa likuran nya sa Lupa at hinukay ang tinirikan nya niyon na gumawa ng isang malaking alon ng Kumukulong Lava at lupa. Masuwaerte ang lahat at hindi iyon naitutok ng maayos kaya walang natamaan kahit isa sa kanila. Nakuha ko ang kahon at isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa amin. Ang nakakagulat, ni hindi kami nasilaw sa kinang niyon. At dahil roon ay nakita namin ang pagbabago sa aming mga kasuotan. Ako at si Sofia ay nabulatan ng Mala-Martial Artist na Maluwang na damit, Si Resty at Regine ay Mala-Pulis na Uniporme at ang kay Waren ay Kahalingtulad ng kay Chris na isang mabigat na baluti. Lahat ng aming damit ay Gawa sa Kulay Berdeng Materyales. Kasama rin doon ang sandantang para sa amin, tulad ng umilaw sa kahon nung amin itong hawakan noong nasa ospital pa kami.
Chris: *binunot muli ang Espada at humanda para lumaban* Ah Ganon?!?!?! Sige Sumugod kayo!
ginawa namin ang nais nya, Sumugod kami. Ngunit isa isa nya lang kaming pinatumba. Eksperto na sya sa larangang ito. Matapos ang ilang oras ng bakbakan, Nakahandusay na sila Regine at Sofia sa Lapag, habang si Resty at Waren naman ay pinipilit pa ring makatayo. Hindi na nga lang nila kayang Lumaban sa tindi ng mga sugat na kanilang inabot. Ako na lamang ang naiwang nakatayo sa gitna. Tinanong ko uli si Chris;
Bradice: *hihingal* Ano kaya mo pa ba?
Chris: *malamig na kompyansa sa sarili* Oo, ikaw ang parang hiningal dyan eh!
Bradice: *Umayos ng tayo kahit mahirap para sa kanya, gawa na rin ng maraming sugat* Kaya ko pa
Chris: *tumaas ang isang kilay* talaga lang ah? Ok Pag nanalo ka sa kin, Sasama ako pabalik sa mundo natin kung hindi magiging alipin ko kayo dito sa Arenang ito. ano Game?
Bradice: *inilabas ang kanyang sandata na dalawang katana* Oo naman!
Sinimulan namin ang Huling Laban. Kapwa walang balak magpatalo, kapwa walang balak sumuko...
~Fast Forward: 10 minutes of Battle~
Isang Sayaw ng Katana ang nagpabagsak kay Chris. Matapos syang lumuhod ay nilapitan sya ng Grupo. Na kahit na pagod ay bakas ang kasiyahan sa kanilang mga mata. alam kasi nilang Makakabalik na sila sa Kanilang mundo. Kasama si Chris. Sa kabilang banda ay nagdadalawang isip si Bradice kung maganda ba para sa kanila iyon o hindi. Ngunit ipinasya nyang saka na lang isipin iyon.
Hinawakan namin ang kahon at umikot ang aming mga paningin. Bumalik na kami sa Kwarto ng Ospital kung saan nakaratay si Chris.
Pagsilip namin sa kanya ay gumalaw ang Daliri nya...
*End of [S2/C18] Ang hiwaga ng Kahon*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanficThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...