~Bradice's POV~
*Human World: Somewhere in Q.C.*
"Nandito po tayo sa... Bulacan para sa isang Exclusive Report tungkol sa penomenang ilang taon na ring nasasaksihan sa Pilipinas" Pambungad ng Reporter sa Balitang kanyang nais ihatid, Gaya ng ibang Reporters sa TV, kahit na may Lindol nang 10 Magnitude ang Lakas, wala pa rin ni anomang expresyon ang makikita sa mukha nito, saglit syang tumingin sa papel na kanyang hawak at nagpatuloy "Mayroon daw mga pagsabog na naganap dyan sa Bulacan na nakitang Sentro ng Ulap na umiikot" Himinto uli upang ipakita ang isang Video na pinakikita ang harap ng bahay ni Christian na maraming bakas ng pagsabog "Tulad ng inyong nakikita, parang binomba po ng Militar ang Bakanteng loteng iyan" nag-focus ang Camera sa Ulap "Matapos 'daw' na magkulay pink at itim ang kulay ng ulap na iyon ay..."
Kung dati ay Puro walang kwentang kaganapan ang idinidikit sa "Misteryosong Ulap" ngayon ay bigla akong naalerto. Matagal na kong tinatawagan at tine-text ni Chris ukol sa mga bagay na 'to, minsan nga ay pinupuntahan ako ni Chris para lang pag-usapan kung bakit daw sya ang pinagdidiskitahan ng ulap na iyon. Ang madalas kong tugon ay 'ewan ko' pero dahil matagal ko nang kilala si Chris, parang may hinala na ko kung ano ang nagaganap lalo na ngayong...
"...Ayon din po sa balitang aming nakalap, Nakita raw ng mga Saksi na Tumatakbo sila Christian Montemayor at Regina Morales Malapit sa gitna ng ulap, nang bigla daw lumiwanag ang paligid at wala silang makita. Pero ayon sa S.O.C.O. at S.W.A.T na Rumesponde sa lugar, tanging ang Sugatan na - at ngayo'y nasa Coma - si Regina Morales ang Natagpuan sa Lugar, Hindi na nakita pa si Christian, ayon na rin sa mga awtoridad..."
Hindi ako mapakali. Ramdam kong may koneksyon sa mga Langyayaring ito ang Mahiwagang Kahon na minsang nagdala sa amin sa Mundong ginawang "Tahanan" ni Chris ng halos apat na taon noon. Hindi ko rin maisawang tignan ang Kahon na iyon. Ang Ganda kasi at halatang Antique. Pinasilip ko na rin yon sa isang Alaherong Napaka-experto. Ang Sabi nya "Gawa raw sa Metal ang Kahon, ang Tawag sa Metal ay Mithril. Ilang daang taon na raw itinigil ang paggawa ng nasabing Metal, at ayon sa mga Datos ng Kasaysayan, Kapag Isinara mo raw ang isang kahon na gawa sa Mithril, Kahit Diyamante raw ay di yon kayang Basagin at sapilitang mabuksan" Ang Mokong nga, gusto pang bilhin sa kin ang Kahon, Name my Price daw, LOL nya! Priceless to noh.
Wala sa Isip ko, nilingon ko ang Kahon, May itim at Pink na ilaw ang papalit-palit na kumikinang sa Gitna noon. umaalog din iyon. P**cha nasa High Shelf pa naman. Agad ko iyong kinuha, pagdampot ko, umilaw uli ng paulit-ulit ang Dalawang Maliit at Mainipis na Blade, Parang may ibig itong sabihin. Matapos ang ilang sandaling pag-liwanag, Kumislap iyon ng kulay puting "R".
"S**T! Dapat na kong magmadali" Umalis ako sa Opisina ko at Sinabihan ang aking Sekretarya na Kanselahin lahat ng Meetings at Appointments ko, malaki man o maliit. Mas importante to! Buhay ni Chris ang nakataya dito.
~Chris's POV~
*Nevarethian's World: Bloody Ice, sa Loob ng Auction House*
"Sino ka?" Takang tanong ko sa babae
"Wag ka munang maraming tanong dyan, pumasok ka muna dito" Wari'y takot na takot nyang sabi, nang nakita nyang may umiikot-ikot na ulap sa kalangitan, bigla syang sumigaw "DALI!"
Dahil alergic na rin ako sa ulap na iyon ay sinunod ko na lang ang babae at dali-daling pumasok sa kanyang tindahan. "Dito ka muna sa Basement" Giniya nya ako sa isang Trapdoor at pinapasok, pagpasok ko ay sinara nya iyon ay kinandado.
~Yekaterina's POV~
Ito na siguro ang simula ng pagbabago sa Mundong ito naisip ko. At kung pagbabatayan ang mga Testamento na aking nakalap mula sa nasirang Sage Towers, Itong taga-ibang mundo na ito ang Gagabay sa amin para tuluyan nang matapos ang Digmaang Sinimulan nila Capella at Procyon. Naalala ko pa ang nakasaad doon na "Ang Dalawang Pwersa iyon, kapag binangga ang Essensya ng Madirigmang Ito, naisin man o pilitin nila'y Sila rin ang mapaparam". Sana totoo iyon, dahil ilalagay ko ang buhay ko sa Bingit ng kamatayan para lang makamtan ng Nevareth ang Kapayapaan.
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...