[S3/C13] Pagsusulit

15 0 0
                                    

Tinawag ko ang Tatlo, "Kayong tatlong Emisaryong nandito, lumapit kayo sa akin" Tawag ko sa kanila habang kinukuha ko ang 3 Skill Books Mula sa Isang Estante. Nang sila'y tuluyan nang makalapit, ay pinaliwanag ko na sa kanila ang kanilang mga misyon "Ang Misyon ninyo sa mundong ito ay asistihan si StrikeForce sa kanyang misyon na iligtas ang Nevareth. Dahil di naman nya yon magagawa mag-isa, at ang dahilan kung bakit kayo ipinatawag, ay dahil gusto kong malaman kung kayo nga ay nakahanda at talagang nararapat kayong matawag na "Soul Emissaries"

Sumagot ang babaeng nagngangalang Sofia, "Bakit po kailangan pa ninyo kaming subukin, manong?" namula ako sa magkahalong inis at tawa, nahalata nya ata iyon at bigla syang kumambyo "Ang ibig kong Sabihin, Sir Sirius, di pa po ba sapat ang katotohanang nandito kami sa mundo nyo para masabing nakahanda at nararapat kaming tumulong kay Chris?"

Nakataas ang aking kilay nang sagutin ko ang tanong na iyon "Hindi sapat ang presensya nyo lang, Dahil, hindi ninyo maiiwasang mapalaban habang tumutulong kay Chris, at kung hindi kayo marunong ng kahit na pinakasimpleng paraan lang ng pakikidigma, - markahan nyo tong sasabihin ko - Ay magiging sagabal lang kayo sa misyon ni Chris imbes na makatulong sa kanya"

Sinalo naman ang babaeng nagngangalang Sofia ng kanyang kasamang Waren naman ang pangalan "Ipagpatawad nyo po Sir, pero sa paanong paraan nyo po kami susubukin?" Maingat nyang usisa.

Tumugon ako agad para di mawala ang kanilang atensyon "Simple lang iho, Ipapabasa ko sa inyo ang mga librong ito" itinaas ko ang hawak kong tatlong libro para kanilang makita iyon "At dapat ay magamit ninyo ang nakasaad na mahika or Teknik na nakasaad sa librong ibibgay ko sa inyo" tinignan ko sila, halatang may kaba sila sa kanilang dibdib "So, nakahanda na ba kayo sa pagsusulit na ibibgay ko?'

At nagsalita na ang lalakeng tinatawag nilang Resty "Ah, bago po yon, pwede po ba naming mabasa ang mga librong yan ?"

Napakamot ako ng ulo "Ah, oo nga pala" iniabot ko sa kanila ang mga Aklat ng Mahika at Teknik sa mga dapat gumamit nito "Excretion para sa yo Iho" ibinigay ko ang Libro ng Excretion sa lalakeng nagngangalang Resty "Shadow Shield para sa iyo iho" sa binatang mga pangalang Waren ko ibinigay ang libro ng Shadow Shield "At Greater Heal naman sa yo iha" at ang huling libro ay iniabot ko sa nag-iisang babae sa kanilang hanay, si Sofia

"Maari nyong basahin ang nilalaman ng libro ibinigay ko sa inyo hanggang sa kung gaano katagal ninyo nais, siguraduhin nyo lang na kapag sinabi nyo 'handa na kayo' ay maipapakita ninyo sa akin ang mahika or teknik na nakasaad sa librong hawak nyo, maliwanag ba?"

"Opo" sabay-sabay nilang tugon

"Mainam, at habang ginagawa nyo yan, aalamin ko muna ang lagay ni Strike" Tumayo ako at humakbang patungo sa kwarto kung saan nagpapahinga si Chris.

~???'s POV~

*Human World: Somewhere in Metro Manila*

Nang marinig ko ang balita, nag-alala ako para kay Strike, ilang taon ko na rin syang kasama sa Nevareth. Isang masipag at mapagkakatiwalaan nyang Partymate tuwing sya'y magda-dungeon o mag-mi-Mission War. Pagkarinig ko ng balitang nawawala si Chris Matapos ang kaganapan tuwing lumilitaw ang mga umiikot na ulap ay agad kong tinahak ang ospital kung saan nakaratay ang naka-Coma na Fiancée nyang si Regine Morales, pero masyadong mahigpit ang seguridad doon at napakaraming media, na kapag unang beses mo tinignan ay parang ang Presidente lang ng Pilipinas na si Benigno Simeon C. Aquino lang ang nandoon at naka-confine. Sinubukan kong pumasok pero di ako pinayagan man lang na makaapak ng pinto ng ospital. Sa pagkadismaya ko, umuwi na lang ako.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong tinungo ang Aking PC, at maglalaro sana ako ng CABAL Online ng pagbukas ko ng monitor noon, ay hindi na nagve-vend ang Archer kong Character. Ang nakakatindig-balahibo pa rito, kumikilos at nagpapa-level ang karakter ko sa Porta Inferno mag-isa kahit na Wala naman akong BOT.

~Sage Sirius's POV~

*Nevarethian's World: 4th Door Hideout*

Paglabas ko ng kwarto kung saan namamahinga si Strike ay napa-buntong hininga ako. Bumubuti na ang lagay nya pero wala pa ring malay. Sabi ni Rina ay baka abutin pa raw ng isang araw bago sya makarekober ng tuluyan. Binalikan ko ang mga Kasama ni Strike, at napansin kong nagtsi-tsismisan na ang dalawang lalaki, at ang babae, ay nakasubsob pa rin ang mukha sa librong binigay ko sa kanya kanina.

Pinukaw ko ang atensyon nila "Mukhang handa na kayong dalawa ah" tinukoy ko ang dalawang lalake "Nakahanda na ba kayo?"

"Opo" Sagot nila.

"Kung ganon, simulan na natin" Seryoso kong sabi

*End of [S3/C13] Pagsusulit*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon