💙Letter

528 20 2
                                    


Again, may nanghingi ng advice sa akin. Actually, nanghingi na rin siya ng advice sa akin kaya nakakatuwa lang. So...

And the problem is:
SumakabilangBUILDING na si crush. Grade six siya, grade seven naman crush niya. Pano yun? Hindi sila close, kahit nung tropa niya. (Kaya nag-aabang na lang daw siya tuwing dismissal) Friend sila nung kapatid ng tropa ng crush niya kaya minsan may alam siya. Pero, waley parin. Ms. CrishaneAen, pagdasal mo na sana magkasama kami sa Saturday sa Training ng journalists sa school. Na katabi ko siya pak ganern(para ang saya).

My response:
Omo😱 Ang masasabi ko lang, magpapa-novena ako para sa inyoo. HAHAHA😂😂 De jowk lang.

Sumakabilang building na siya dahil highschool na siya. So ganto, pag recess or lunch, kung walang teacher para di kayo makasuhan ng loitering though, dumaan kayo sa classroom niya para masilip mo siya.

Tas sabi mo sa uwian ka naghihintay. Pag nakita mo sa uwian, magpapansin ka. Kung siksikan, makisiksik ka sa tabi niya para mapansin ka niya. Mga ganun ba.

At dahil nasabi mo ring kaibigan mo yung kapatid ng tropa ng crush mo (tounge twister to mga bes, o ako lang nabulol??), gamitin mo siya. Hindi ko naman sinasabing manggamit ka ng tao pero pwede rin😂😂.

Example: Ask your crush "Kuya, nakita mo po ba si *tropa nya*? Hinahanap po kasi siya ni *kapatid niya*." PAK! Oh dba?

Tas magpatulong ka sa kaibigan mong kapatid ng tropa ng crush mo (shemz, ang haba naman, katamad mag-type HAHAHA kabulol pa,, dejk) na lumapit dun. Lumapit sa kapatid niya pag nanjan yung crush mo.

Mag tanong ka ng ganyan, ganito, or kung ano tungkol sa crush mo. Pero dahil sabi mo waley, may naisip pa ako.

Gumawa ka ng letter. From anonymous.

Ibigay mo sa kaibigan mong kapatid ng tropa ng crush mo (ang haba nanaman😂😂) at ibigay sa kapatid niyang tropa ng crush mo na ibigay sa crush mo. Galing kay secret kamo.

Sa letter, dun mo ilagay lahat ng hinanakit mo. Mga ganurn. Basta yun.

Kung di mo kaya, anonymous lang naman eh. Or computerize na lang para di niya makilala yung penmanship mo. So kung di mo talaga kaya, edi wag HAHAH. I know mahirap talaga to. Tsaka masyado na si kuya noh.

Alam mo magandang letter? Eto,,

Dear Crush,

Una sa lahat at hindi sa huli

Nagsulat ako dahil may papel at ballpen ako

Alam mong crush kita

Hindi crash sa airplane

Kundi sa puso

Hindi puso ng saging

Kundi puso ng tao

Kaligayahan mo, Kalagayahan ko

Kalungkutan mo, Kalungkutan ko

Kamatayan mo, solohin mo!!!

Ano ako tanga!? Susunod sayo!?

Kung gusto mo ako sulatan, ito ang aking address

Bulag St., Di Makita, Hanapin City

Nagmamahal,

Na ang bigas

PAK GANURN!! Tawa kayo pleaseeeee.

Okay, move on.

At dahil nasabi mo na ring magkasama kayo sa journalism, gawin mo lahat para mapansin ka niya sa training niyo. Tumabi ka sakanya or magtanong like "Kuya asan po ba si **teacher**?", "Kelan po deadline nito?" (kung may ipapasa), "Kelan daw po yung laban?" or such. Ganurn. Dba ganon naman sa journalism? Sorna, wala akong alam jan. Dti lang akong kasama dun kso nag-quit ako eh.

So yun lang naman. Sana may natutunan. If it works, I'll be glad.

And sorry kung late post. Malamang tapos na training niyo. Balitaan mo na lang ako. 😂

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note-\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯

Kung may mga crush problems kayo or something at kailangan niyo ng tips or advices, feel free to PM me. I repeat, PM. PRIVATE MESSAGE po. But expect na late reply o late ko ma-po-post ang aking advice pero pagsinabi kong soon, hindi naman ako paasa na paaabutin ng isang buwan, mga tatlong linggo pwede pa. Basta i-po-post ko.

Kung gusto nyo ring mag-share ng crush experience nyo or advices, MESSAGE nyo lang din sakin para sa mga ibang readers na ganun ding situation ay matulungan niyo.. at baka pati ako matulungan niyo...

Yun lang naman. Kung manghihingi kayo ng advice at may nasabi man akong nasaktan kayo, sorry po ah. Advice hinihingi niyo, hindi counsel.
Advice=my opinion and suggestion
Counsel=support and suggestion
Though? Correct me if I'm wrong. Sabi kasi ng guidance counselor namin magkaiba yun.
So, di naman sa hindi ko kayo sinusupport. Its just that I'm stating the fact. And the truth hurts.

Antayin ang next UD →↣↦⇝⇢⇥⇉⇨⇏⇛☞➜➽

Tutal sanay naman tayong maghintay.

P.S. gaya ng sabi ko last update, kung manghihingi po kayo ng advice, magisip na po kayo ng ita-title ko HAHAHA mahirap kasi magisip eh😂😂 kaya pasensyahan sa title ahh,, yan kasi yung nakakatawa (kung natawa kayo) sa update ko ngayon eh 😂😂sorna🤗 pwede ring sumakabilang building yung title, pero... yan na lang😂😂 dahil tandaan: DON'T JUDGE THE UPDATE BY ITS TITLE. HAHAHA yan ang moral lesson natin sa ngayong UD..

srOw Orz srO Orz srO Orz srO Orz
Topic next update: What if may iba na siya?
srO Orz srO Orz srO Orz srO Orz
You can suggest a topic

07-25-16
©CrishaneAen❞

Crush LaypTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon