💙Groupings

111 10 2
                                    

May nanghinga sakin ng advice...

"Author yung sa groupings, classmate ko kasi yung crush ko tapos may project kami. Sinabi ng teacher namin na magtaas ng kamay yung gusto maging leader. Nagtaas yung bestfriend. Nagtaas din yung karibal ko sa crush ko. Sinabi rin ni Sir na pumili na lang daw yung mga leader ng gusto nilang kasama sa group. Unang pinili ng bestfriend ko yung crush ko dahil gusto ng bessy ko na magkasama kami ni crush. Pero sa kasamaang palad, pinili ako ni karibal dahil ayaw niya na magsama kami ni crush. Magpapalipat sana ako sa group ng bessy ko pero naisip ko na baka pag lumipat ako sa group ng crush ko na nasa group ng bessy ko ay baka si crush ang kunin niya. Sa tingin mo author, anong magandang gawin ko? Please po author tulungan mo ako!"

Yung unang reaksyon ko, HAHAHAHA lol. Talino ng karibal mo ah. Magaya nga HAHAHA charr jk. Yung last statement talaga eh, opo tutulungan kita hehe.

Anyways, gagawin mo? Wala. Kasi parehas niyo namang di kagrupo crush niyo eh kaya quits lang kayo de charr joklang HAHAHAA.

Kung nage-effort yung karibal mo magpakitang gilas sa crush niyo, edi mageffort ka rin.

Anong klaseng groupings ba kase yan? Anong subject?

Kung magrereporting yang group niyo, edi ikaw na magreport. Todo report ka! To the max ang energy level! Pak ganoin! Tas magtanong tanong ka rin gaya ng "What can you say about my report?", "Any questions?", etc tas ituro mo crush mo. Magsagutan kayo dun. Dapat matabunan mo yung karibal mo.

Tas dapat halos lahat ng groupworks mo ikaw nagcontribute, daig mo pa yung leader. Kung creative yung kamay mo, ikaw magsulat at magdrawing kung kailangan. Kahit di maganda handwriting mo at stick man lang kayang mong i-drawing, gora! Para sa ekonomiya!

Kung sasayaw naman kayo, gaya ng sabi ko, to the max ang energy level para kabog! Gibain mo yung dance stage. Be a dancing machine. Kahit mukha kang sumasayaw na tuod, go lang!

Kung acting naman yan, edi todo arte na bes! Pakapalan na ng mukha! Be the best actress! Kung iiyak ka, isang balde na ikuha mo. Kung baliw baliwan, tumawa ka nang tumawa yung kita ngalangala.

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯

Yown lang! Sana may natutunan ka hikhok.

May Stray Kids fans ba dito? Akin si Chan ah HAHAHAHA. Balak ko sanang gumawa ng Stray Kids fanfic, babasahin niyo ba? HAHAHA

Anyways, may nagtanong sakin kung posible ba raw mainlove sa taong nakilala mo lang online sa chat. Sagot ko? Posible kaya basahin mo "I'm in love with Mr. DA". Yeah, story ko sa wattpad about sa taong nakilala mo lang online hoho. Kala mo naman talaga eh, nagpromote lang talaga ako HAHAHAHA. Pero may nagtanong talaga sakin niyan. Kaya pag may nagtanong sainyo tungkol sa love at first chat chuchu, i-promote niyo story ko hikhok HAHAHAH.

Sagarin ko na pagpo-promote.
Likey the Crush Layp Fb page.  Link at my bio.
Add CrishaneAen WP niyo 'ko sa fb
Follow niyo na rin ako sa ig (crishaneaen) at twitter (CrishaneAenWP) hoho.

Nagpapabigat ng damdamin niyo? Comment mo lang↓

Humihinga ka pa ba? Kung oo, pindutin mo yung maliit na star at magiging kulay orange ito.

Kailangan ng crush advice? Just PM me. Think of a title na rin para di ako mahirapan magisip nyehehe.

Salamat sa pagbasa! Mahal ka ng Diyos!

11-18-17
©CrishaneAen❞

P.S. Advance Merry Christmas!

Crush LaypTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon