Natuwa lang ako sa last update dahil dalawa sa kaibigan ko ay kinausap ako na nasaktan daw sila ng sobra at natauhan sa last update ko kaya eto, ginawan ko ng part 2.Sama ko bang kaibigan? AHAHAHAH di naman. Ako rin naman nasasaktan habang tinatype ko yung mga nakalagay sa last ud pero ganun talaga ang buhay. Hayyss.
Pero bago yun, gusto ko lang ipakita yung chat ko kay kuya Miguel Tanfelix😂😍😍😍 Kahit alam kong di niya nababasa yan😂
Naranasan mo na ba yan? Ginawa mo pa rin bang ichat siya kahit di niya nirereplayan o kahit nasi-seen? Nagawa mo na bang ichat yung sarili mo? AHAHAHAHAHA saket nuh?
ㄟ( ・ө・ )ㄏ ㄟ( ・ө・ )ㄏ ㄟ( ・ө・ )ㄏ ㄟ( ・ө・ )ㄏ ㄟ( ・ө・ )ㄏ
Okay, pinabasa ko lang yan pero walang konek yung update ko tungkol jan😂
Kung last update ko ay advice ko bago ka maadik kay celebrity crush, this update naman ay para sa mga adik na adik na adik na adik na talaga. Nako, ipatokhang na yan!
Okay, ayaw mong maniwala sakin sa last update ko. Naniniwala ka parin na magiging kayo o magiging asawa mo siya. Bes, inhale *pause for 5 hours* exhale and repeat. Syempre joke lang pero depende sayo kung tototohanin mo😂
I-compare ko na yung sarili ko sa mga celebrity crush ko baka kasi sabihin mong ambitter ko at di ako nakakarelate.
* Una, Me to (nampyeon) Gong Yoo
Nampyeon means husband in korean. Yeah, asawa ko siya kahit di niya alam at di kami kasal. Ganyan ka din diba?
Pero napigilan ko yung pagkaadik ko sa kanya kasi nga diba, sinabi ko na sa last update. Ayoko nang ulitin kasi mazshaquette💔😭
Eh kung adik na adik na talaga at di mo na kayang pigilan, isipin mong mabuti. ISIPIN MOng mabuti. Isipin mong MABUTI. ISIPIN MONG MABUTI!
"Kahit kelan di mangyayari yung mga pinapantasya ko dahil:"
Tas gumawa ka ng listahan kung bakit.
" 1. Artista siya. Sikat siya.
2. Nasa Korea siya. Malayo ang Korea sa Pilipinas. Estudyante lang ako at walang pera pampatravel papuntang ibang bansa (depende na lang kung RK ka).
3. 22.75 years ang tanda ni Gong Yoo sakin.
4. Wala siyang social media account para ma-chat ko. At kung meron man, rereplayan ba 'ko?
5. Di niya ako kilala. Di niya alam ang existence ko.
6. Iba yung tipo niyang babae."
And so on and so forth. Yoko na! Masaket eh💔😭😂
Ituloy mo lang ng ituloy hanggang umabot ka ng 100. Tas maglista ka rin kung bakit dapat maging kayo.
"1. Gwapo niya.
2. Hot siya. May anim na pandesal😍😋
3. Galing niyang umarte.
4. Crush ko siya."
And so on and so forth. Okay? Does it makes sense? I mean, you know watta mean.
Wala namang sense dba? Wag mo nang ipagpatuloy yan! Dinescribe mo lang eh😏
* Pangalawa, Me to (boyfie) Miguel Tanfelix
Gaya ng sinabi ko, maglista ka. Gawin mo yan sa lahat ng celebrity crush mo or kahit na sinong crush mo.
"Kahit kelan di mangyayari yung mga pinapantasya ko dahil:
1. Artista siya. Sikat siya.
2. Nasa Cavite siya, 2 hours biyahe mula sa lugar ko papunta sa kanila. Walang oras at pera. Siyempre anong rason ko sa kanila bukod sa gusto ko siyang makita. At kung makikita ko ba siya pag nandun na ako. (Shoutout sa mga taga-Cavite! [kung meron man])
3. 3 years ang tanda niya sakin.
4. Di niya ako nirereplyan.
5. Di niya ako kilala. Di niya alam na nageexist ako.
6. May iba na siyang gusto."
And so on and so forth. Saket nuh?💔😭
Hays. Kahit si Miguel muna makita ko habang bata pa ako. Tas pag nagkatrabaho na ako, tsaka ako pupuntang Korea. Geh, mangarap pa.
Panibagong listahan kung bakit dapat maging kayo.
"1. Gwapo niya.
2. Galing niyang sumayaw.
3. Galing niyang umarte.
4. Crush ko siya."
And what? Puro nonsense lang mga nililista mo. Dinedescribe mo lang siya eh. Diba?
Mas marami ka pang nalista sa unang listahan (Dahilan kung bakit kahit kelan di mangyayari yung mga pinapantasya ko) kesa sa pangalawang listahan. Agree?
O baka naman mas marami kang nilista sa pangalawang listahan ay dahil dinescribe mo siya ng dinescribe. Natamaan ka ba?
Magbibigay ako ng isa pa. Random lang toh. Sana matamaan at matauhan ka na ngayon. Baka gusto mo pang gumawa ako ng isa pang update patungkol dito para lang matauhan ka? O wag na kasi yung iba tamang tama na eh. Duguan na sa mga pinupukol ko😂
"Kahit kelan di mangyayari yung mga pinapantasya ko dahil:
1. Artista siya. Sikat siya.
2. Malayo yung lugar niya sa lugar ko at walang pera pampabiyahe.
3. Ang layo ng age gap namin.
4. Di niya ako nirereplyan sa lahat ng social medias account niya na chinat ko.
5. Di niya ako kilala. Di niya alam na nageexist ako.
6. May iba na siyang gusto at hindi ako yung tipong gusto niya.
7. Isa lang ako sa mga milyong milyong taga-hanga niyang ni isa di niya kilala.
8. Hindi kami para sa isa't isa. May nakatakda sakin, at hindi siya yun.
9. Mamamatay muna ako bago maging kami. (Pero who knows? Para kayo pala sa isa't isa. Meron 1% chance.)
10. Fan + Their Idol = WALANG GANON!!!"
¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note-\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
Sana naman natauhan kana at kung natauhan o napangiti ka sa update na ito, pindutin mo yung maliit na bituin at magiging kulay kahel ito. Nais ko ring malaman ang iyong mga saloobin, hinanakit, o kung ano mang magpapatahimik ng kaluluwa mo sa update na ito sa pamamagitan ng pagcomment.
Kung nais mong may mapagusapan tayo tungkol sa inyong crush, i-comment mo lang rin ang mga topic na gusto mo kahit di ka gusto.
Kung manghihingi ka naman ng advice tungkol sa problema mo sa crush mo, mag-pm ka lang sakin at gagawan ko ng paraan upang makatulong.
Salamat sa pagbasa!
01-06-17
©CrishaneAen❞
BINABASA MO ANG
Crush Layp
Random➜Paano magpapansin kay crush? ➜Buhay may Crush? ➜Crush ka ni crush? and more... ©CrishaneAen❞