❤Crush ko si bes

206 7 1
                                    


Paano umamin kay crush kung bestfriend mo siya?

Okay, may nagtanong sakin and I hope my answers will help you. I'm really sorry kung natagalan ko ipost pero eto na.

~^o^~ ~^o^~ ~^o^~ ~^o^~ ~^o^~

Una tanungin mo siya kung may crush siya, pero kung bestfriend mo naman talaga, malamang alam mo kung meron o wala.

Kung meron, alamin mo yung gusto niya sa babae para macheck mo kung applicable sayo. Kung hindi man, wag mong pilitin na maging applicable sayo yung gusto niya sa isang babae. Kung sakali mang magugustuhan ka niya (kung lang naman wag assuming), gaya ng nabanggit ko dati sa mga past ud ko kung naaalala niyo man (sanay naman akong kinakalimutan😓), magugustuhan ka niya dahil ganyan ka hindi dahil dapat ganyan ka.

Tas tanungin mo kung pag may nagka-crush sa kanya, okay lang ba sakanya? I-ignore niya ba? Kung okay lang sakanya, go aminin mo na. (ganto ginawa ng kapatid ko kaya feeling gwapo yung crush niya kahit di naman, pwee)

Eh paano naman kung iiwasan niya? Edi bahala siya sa buhay niya, atlis nasabi mo yung nararamdaman mo.

So ang ginawa ng kapatid ko, pinatanong niya sa kaibigan niya kung okay lang ba sa crush niya na may nagkakacrush sa kanya. Tas nung sumagot na okay lang daw, pinasabi niya rin sa kaibigan niya na crush nga siya ng kapatid ko.

Well, pwede mong gayahin yung ginawa ng kapatid ko na ipasabi lang rin sa mutual friend niyo. Pero kung gusto mo talaga na ikaw at mejo matapang tapang ka, sabihin mo face to face.

"Alam mo ba? Crush kita? Ngayon alam mo na." ganern ba

Pero alam kong hindi yan madaling gawin.

Pwedeng sumegwey ka muna gaya ng lagi kong sinasabi. Uhmm pano ba? Eii keshi di ko pa to nagagawa. Kasi nanjan yung hiya (sa sarili), takot (kung anong pwedeng mangyari), at kaba (kung anong sasabihin mo at isasagot niya) samantalang nawawala si lakas ng loob (para masabi mo yung gusto mong sabihin). Agree?

So kausapin mo ng masinsinan. Diba tinanong mo na kung okay lang ba sakanya, idugtong mo na rin na "Okay lang ba sayo na crush kita?" Yiezz namern mga galawan.

Pwede ring...
You: Alam mo ba kung sino crush ko?
Crush: Sino?
You: Eto kausap ko/Eto kaharap ko/Eto katext ko/Eto kachat ko/o kung ano man ang ginagawa niyo ngayon

O kaya naman tanungin mo siya kung..
You: Paano umamin sa crush ko na crush ko siya?
Crush: *sumagot ng kung ano ano, kunwari...* Edi sabihin mo crush kita. (kung ano yung sinabi niya yun gawin mo ah)
You: Sige nga sample-an kita
Crush: Sige
You: Crush kita
Crush: Oh okay na, sabihin mo na sakanya
You: Nasabi ko na, ngayon lang

Another example..
You: Nabalitaan mo na ba?
Crush: Na ano?
You: Na crush kita

Basta yern. Sana may natutunan😂 Sorry ulit kung ilang araw na ang lumipas bago ko napost. Yun lang po. Salamat sa pagbabasa!! See you all next update!

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
Wanna say something? Comment down↓
Did you enjoy? Just click that little star and it will turn to color orange.
Need an advice or share something? Just PM me. Magisip na rin kayo ng ita-title para di ako mahirapan magisip.

05-15-17
©CrishaneAen❞

Crush LaypTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon