❤Barkadazone

157 9 2
                                    



Annyeong! May nanghingi ng advice. Ano ba daw ba dapat gawin kung yung crush niya kabarkada at parang kuya na niya?

Para sa mga na friendzone, barkadazone, kuyazone, atezone, batazone, beszone
Halina't basahin ang update na ito!

(;° ロ°) (;° ロ°) (;° ロ°) (;° ロ°) (;° ロ°)

Unang una, hindi mo siya magiging crush kung kuya lang ang tingin mo sa kanya.

Ang mapapayo ko po, sabihin mo sakanya yung nararamdaman mo bago pa mahuli ang lahat. Malay mo pareho kayo ng nararamdaman. Malay mo lang, wag assuming charr.

Sabihin mo ng harapan, diretsuhin mo na. "Hoy! Crush kita. Alam mo ba yun? Ngayon alam mo na."

Kung di mo kaya, idaan mo sa biro. "Hay nako! Kung di lang kita crush eh." or "Kung di ka lang gwapo."

Or through letter. Kung matapang tapang ka, ilagay mo pangalan mo sa letter. Kung hindi, hanggang "from your secret admirer" ka na lang.

Kung nanghihinayang ka sa ink at papel, chat mo. Kung gusto mo ng pasuspense, gawa ka ng fake account tas lokohin mo like "Crush kita. Kung gusto mo ko makilala, hulaan mo kung sino ako."

Kung hindi mo yan kaya lahat, gumawa ka ng mga bagay na mapapansin niya na may gusto ka sakanya. Gaya ng titigan mo siya, tas pag tumingin din sayo umiwas ka ng tingin. Pag nanjan siya sa paligid at may kasama kang kaibigan na alam na crush mo siya, umakto kang kinikilig pero not totally na yung sobrang kilig dahil mukha ka ng baliw non. Yung mga ganern. Basta gumawa ka ng paraan para magka-idea siya na may gusto ka sakanya. Para siya na mismong magtanong kung may gusto ka ba sakanya. Kung manhid, ay naku! Wala na tayong magagawa jan.

Kung alam na niya naman na crush mo siya, musta naman teh? Nagpapansinan pa ba kayo?

Kung oo, edi masaya. Kung hindi, FO na yan. Sayang friendship.

Dahil sinabi mong parang kuya mo na siya at wala naman siyang binabigay na motibo o kung meron man bilang friendship lang, wag ka nang umasa. Masasaktan ka lang.

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯

Kung meron rin kayong mga crush problems or something at kailangan niyo ng tips or advices, feel free to PM me. Pwede rin pong i-post sa wall ko. But expect na late reply o late ko ma-po-post ang aking advice gaya nito pero pagsinabi kong soon or next update, hindi naman ako paasa na paaabutin ng isang buwan, mga tatlong linggo pwede pa. Basta i-po-post ko. Sorry kung late ko na napost.

Pindutin yung maliit na bituin at magiging kulay kahel ito kung ito'y inyong nagustuhan.

Yun lamang po, sana makatulong. Salamat sa pagbabasa! Happy 10k and counting reads mga Crush Laypers!

03-13-17
©CrishaneAen❞

Crush LaypTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon