Magkukwento ulit ako tungkol sa bago kong crush ah. Kung ayaw niyo basahin, mag comment or pm lang kayo ng topic na nais niyong pagusapan natin sa mga susunod na update.Next update: Paano kung yung crush mo ay isang sikat na aktor/singer at malayo ang edad at lugar niyo sa isa't isa?
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Nung Thursday, uwian na, habang nagaantay ng practice ay naglakad lakad muna kami ng mga kaibigan ko. Itago natin ang kanilang mga pangalan sa Girl1, Girl2, at Boy. Si Girl3 absent. Si Girl2 & 3 ay di kasama sa sayaw. So kami lang nila Girl1 at Boy. Pinapahulaan ko kila girls yung bago kong crush, si boy la namang pake yun eh😂
So habang naglalakad, nakasalubong namin si jagiya. Tinawag niya ako. Siyempre lumingon ako. Tinago yung kilig. Tas tinanong niya ako "Di ka magpapractice?"
Siguro dahil dala ko yung bag ko at yung daang tinatahak namin ng mga kaibigan ko ay patungong gate kaya natanong niya.
"Magpapractice" sagot ko with awkward smile "Ako pa ba? Eh gustong gusto ko ngang magpractice eh" sabi ko sa isip ko
Like wut? Bakit ako lang tinanong niya eh kasama ko naman si Girl1 na mas close pa sila at si Boy na kasama sa sayaw pero KYYYYYYAAAAAAAAAAAA~~
So yun. Pag tingin ko sa mga kaibigan ko, sinalubong ko yung yun-ba-yung-crush-mo look nila Girl1 & 2.
"What?" painosente kong tanong sa kanila at nagpatuloy na kami sa paglalakad
Narinig ko pa silang nagbulungan; "Sa tingin ko di yun crush niya eh.", "Ako nga rin."
Natawa na lang ako sa isip ko.
Geez kakilig😍😍😍😍😍😍😍😍
2 days pass...
So ini-stalk ko siya sa Twitter. Tas nakita ko yung tweet niya verbatim "Di makuntento sa kapartner ko" tas yun yung araw na nakapartner ko siya.
Like what? Ayaw niya ba akong kapartner?
But half if my mind says, di lang naman ako kapartner niya eh. Well, ako rin naman di lang siya yung kapartner ko. Kaya baka yung isa niyang kapartner yung tinutukoy niya.
Pero what if ako? Tas nung tinanong niya ako kung hindi ba daw ako magpapractice. HINDI ba daw.. Pwede niya namang tanungin na magpapractice ka ba pero bakit may hindi?
O baka may gusto siyang makapartner at di ako yun. Kasi daw di siya makuntento eh. Hayssss.
So yun. Pero alisin ko na nga yun sa isip ko.
Basta ako na partner niya. Juzmee.
Nung araw na rin yung ay nagpractice kami sa school.
Naisip ko lang na magandang wattpad story yung crush ko ngayon tas ang title ay "Dahil sa kalabit". Lol😂. Kaso di ako gumagawa ng mga love story eh. Puro mystery/thriller yung story ko sa wattpad. Baka imbes na love story ay maging ganto;
"Isang kalabit lang ay tumapos ng buhay niya
Nang dahil dun ay nawalan na ako ng karamay sa buhay..."A day before ng field demo...
Kinausap niya akoooooo😍😍😍😑
Sabi niya ihahagis daw niya ako. K, 'lang may pake.
Tas nung araw ng field demo, tinawag niya ako. Yun lang.
Tas kanina ginulat niya ako. Yung kunwari nagulat ako pero ang totoo, malayo pa lang siya nakita ko na siya.😍😍😍
Okay. Sige na nga. Next UD na agad.
¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note-\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
Boring ba yung update ko? Ganern talaga eh. Pag nabaliw ka talaga sa isang tao ganyan. Kailangan ko lang ng mapaglalabasan ng aking iniisip kundi mababaliw ako.
So kung nais niyong may mapagusapan tayo tungkol sa inyong crush, wag kayong mahiyang mag-comment ng mga topic na gusto niyo.
Kung manghihingi naman kayo ng advice tungkol sa problema niyo sa crush niyo, mag-pm lang kayo sakin at gagawan ko ng paraan upang makatulong.
Kung napangiti ko naman kayo sa update na ito, pindutin niyo yung maliit na bituin at magiging kulay kahel ito. Yun lamang po, salamat!
01-31-17
©CrishaneAen❞
BINABASA MO ANG
Crush Layp
Random➜Paano magpapansin kay crush? ➜Buhay may Crush? ➜Crush ka ni crush? and more... ©CrishaneAen❞