❤Dear Crush

343 13 3
                                    



May nagtanong sakin kahit walang nagtanong kung may nagtanong eh sinasabi ko lang naman. Hanudaw? So yun, may nagtanong sakin kung ano daw ang pwedeng sabihin sa crush niya through letter form. So gumawa daw ako ng letter para crush ko (di kagaya ng ginawa kong letter dati😂).

So eto na. Ibubuhos ko dito lahat ng nararamdaman ko para sakanya. Sana, kahit imposible, mabasa niya to. Hoy sa mga kaibigan niyang nababasa to, kung meron man, paki sabi na lang sakanya. So eto na!!

Kung ayaw niyong basahin, okay lang. **whispers** Ang di magbasa, di papansinin ng crush nila sa buong 2017😂jk lang😂✌🏻️

\('O`)/ \('O`)/ \('O`)/ \('O`)/ \('O`)/

Para sayong crush ko,

Hey! (I was doing just fine before I met you~~🎶) Kilala mo na siguro kung sino ako noh? Ako yung patay na patay sayo na di ko alam kung bakit. Ang panget mo naman. ANG PANGET PANGET MO!😂 (weh?) Eh mas gwapo pa sila Oppa kong korean, fictional character, tsaka iba ko pang baby kesa sayo pero bakit ako sayo nahulog? Well, gumawa ako ng letter di para tanungin ka.

Nais ko lang na malaman mo na heto ako (ngayon nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim~~🎶) nagmumukhang tanga sayo. Kahit alam kong wala akong pagasa sayo, kahit alam kong may gf ka na at may secret relationship pa kayo ah tas malalaman ko na lang 1 year and 3 months na kayo! Well, magbe-break din kayo😍 May gf ka na pla pero pinapaasa mo pa rin ako. Or ako lang yung umasa? Pero kahit na, nagbibigay ka ng motibo. Che! Magbebreak din kayooo! 😂

Though, alam ko nagmumukha na akong tanga, wag kang magalala, may iba pa naman akong oppa eh😍 Isa-isahin ko pa? Well, sila Miguel Tanfelix, Jake Vargas, Ruru Madrid, Gong Yoo, Song Joong Ki, Sky Teotico, Maxwell Aguas, Hiro Atama, Van Freniere, Tyler Del Valle, John Dale Aragon, Jack Frost, etc. Isama na rin natin si Melanie Martinez😍(girl crush ko)❤️ Pero pagdating sayo, wala silang sinabi😂💔 Nakakainis ka. Naiinis ako kasi bakit sayo pa? Ano bang meron sayo na wala sila? (pimples😂✌🏻️ AHAHAHAAHAHAH) Well, okay na rin na sayo. Kasi mas mahirap mainlove sa artista kasi di nila alam na nageexist ka. Lalo naman sa fictional character dahil di sila nageexist. Mas wala akong pagasa sa kanila. So may advantage din naman pala😏😂

Alam mo ba kung kelan ako nagkagusto sayo? Nung June 24, 2016😂 Science time non. Nagrereport ka. Pahneya ka! Nakakainis ka! Antalino mo😂 (kahit di ka kasama sa top) Ikaw lang magaling mag-report sa grupo niyo😂😁 Siguro natatawa yung mga nagbabasa ngayon dahil nagreport ka lang, crush na kita agad. Eh kasi eh! Ang cute mo ngumiti😂😍 Tapos malapit ka lang sakin nakaupo. Tas di ako makatingin ng diretso sayo. Tas nung kinagabihan di ako makatulog dahil paulit-ulit nagpaflashback yung reporting niyo at araw-araw na kitang naiisip. Tinago ko yung nararamdaman ko sayo nun. Konti lang ang nakakaalam nun tsaka ilan sa mga kaibigan mo😂😊😁 Tinago ko kasi alam ko na yung mangyayari. Okay na yung alam mo na iba yung crush ko. Okay na yung kaibigan lang turing mo sakin basta pinapansin mo 'ko.

Naalala mo ba nung lagi nating pinagtitripan si @ (bestfriend)? SYEMPRE HINDI! Nung math time, hirap na hirap siya. Tas sabay natin siyang tinulungan at ininis na di nakikinig sa teacher😂😍 Tas nung tumayo siya at nagpacheck ng seatwork, nagkatinginan tayo tas nginitian mo ko😍❤️😁💗 Naalala mo pa nung tinago natin yung keychains niya? Yung isa sayo tas yung isa sakin? Naalala mo nung kinuha ko yung notebook niya sa loob ng locker tas nilagay mo sa ibabaw ng locker? Isang malaking THANK YOU sa bestfriend dahil kahit asar na asar siya, basta para sakin tiniis niya.😂😍😘 Pero dba di mo naalala? KASI MANHID KA! YUNG IBA MONG KAIBIGAN NALAMAN NILA NA CRUSH KITA KASI HALATA NA DAW PERO IKAW ANO?! MANHIIIIIIDDDDDD!!!!!!!

Kahit alam kong di mo naaalala, ipapaalala ko na, kung naaalala mo man, nung magpapractice sana yung buong class nung weekend ata nun o holiday kaso di tayo pinapasok nung guard kasi di pala nanghingi ng permit, nagstay lang tayong lahat sa labas at kung ano-anong ginawa. Tas nung nagpost yung adviser natin sa group natin, sinabi ko (dahil 5mins ago yung post at wala pang seen ni isa sa mga classmate natin) na nagpost nga na hindi talaga tayo papapasukin dahil nga walang permit. Tas pinagpasa pasahan niyo yung phone. Kinilig na ako nung hawak mo cp ko kaso inagaw nung isa nating classmate, hanggang sa makarating sa class president natin na di naman ata binasa at pinindot yung history (kasi sa browser lang ako nagfefacebook at free data pa). Syempre natakot ako dahil baka makita puro pangalan mo, OA na kung OA pero sumigaw ako ng napakalas na "WAAAAAAAG!!!" pero anong ginawa mo? Inagaw mo sa class president at tinakbo mo. Dalawa pa kayo nung isa pa nating classmate. Nawala na ako sa sarili ko at nanginginig talaga ako. Ano nalang reaksyon mo pag nakita mo yung picture mo sa cellphone ko? Buti na lang di ako nagwo-wallpaper ng crush ko. Tas nung naisoli na sakin, tinanong ka agad ng bestfriend ko kung may nakita ka, ambilis ng sagot mong "Wala." na parang may tinatago/guilty ka. Kasi kung wala ka talagang nakita, mananakot ka gaya ng "Uy may ganyan ka pala sa phone mo ah.", "Nakita ko picture ni ano jan.", etc. At nung nahimasmasan ako, pinagtatawanan ko na lang yung sarili ko na ganon ako ka-OA. Eh pano kung nanakaw yung cellphone ko? Edi parang pinatay niyo na rin ako.

Eto pa rin ako naghihintay sayo (naghihintay na mag-break kayo😑) kahit alam kong walang pagasa. Sana naman pansinin mo ako. Kinakausap mo lang ako pag manghihiram ka ng ballpen o kaya makikiinom sa tumbler ko (a/n: yung tumbler ko nga pala yung pambansang tumbler dahil sa dami ng nakikiinom😂 ako kasi yung may pinakamalaking tumbler sa classroom namin😂😂). Yung huling sinabi mo sakin sa taong to, 2016, ay "wala na?". Kung di mo naaalala, nanghiram ka sakin ng ballpen nung exam. Kahit meron ako di ako nagpapahiram pag exam. Laging dalawa gamit kong ballpen. Kasi baka maubusan ng tinta yung isa, edi meron pang isa. Tsaka kahit gusto kong ipahiram sayo, may nauna na kasing nanghiram sayo na di ko pinahiram kaya ang unfair ko naman at baka magtampo pa sakin na "bakit yung crush mo pinahiram mo?". Diba? So yun lang.

Gusto ko lang naman sabihin na, Merry Christmas and a Prosperous New Year!!🎉🎊🎁 Gift ko ah😊😁😚

Nagmamahal,
nanaman ang bigas,
gulay, prutas,
gasolina, at iba pa

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note-\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯

Sa lahat ng nagbabasa,

MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR!!
Wish ko, na alam kong wish niyo ring lahat, sana mas magkaroon pa tayo ng pagasa sa mga crush natin.

Next update, next year na😂😘

12-25-16
©CrishaneAen❞

Crush LaypTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon