❤Fictional Crush + Special Announcement [real update]

174 10 6
                                    



Nagka-crush ka na siguro sa fictional character no? Sa wattpad man o kahit na anong novels o libro. Sa animes at cartoons. Kung oo ang sagot mo, halina't basahin ang update na ito!

Hello!! Sorry na po kung paasa yung last update ah. Di niyo naman nilike. Pero wag niyo nang ilike. Tapos na yung judging and fortunately, talo ako.

Paki basa na lang po yung announcement sa author's note sa baba after you read.

◕‿◕ ◕‿◕ ◕‿◕ ◕‿◕ ◕‿◕

May crush kang fictional character. And again, I feel you.

[Readers: Yan nanaman tayo sa "I feel you" mo author eh. Tas sasabihan mo kami ng masasakit na salita.]

Totoo naman eh! At totoo rin naman yung sinasabi ko (thru wattpad kasi di niyo naman ako naririnig).

May crush kang nasa wattpad world? Ako rin. Van Freniere~~💕💞💘
Sa novel/books? Ako rin. Little prince~❤🌟😍
Sa anime/cartoon? Ako rin. Jack Frost~❄️💙😘

Kaso......

DI SILA TOTOO!!! AT KAHIT KELAN--

Okay, calm muna ako. Baka mag back out na kayo eh😂

Laging tandaan, i-highlight niyo to:
Kung sa celebrity crush mo may chance ka kahit 1%, sa fictional crush mo wala. As in 0. Negative pa. As in -0. Kahit alam kong walang -0% kasi walang ganon, kayo yon ng crush mo! Pag naging kayo ng crush mo, mage-error! Kasi nga walang ganon! -0!

Ang fictional character ay (para saken) pinahaba at pinagandang version lang ng "imahinasyon" o "delusyon" o "halusinasyon" na nauuwi sa kabaliwan.

Unang-una, from the word itself, FICTIONAL. Meaning, DI TOTOO, WALANG GANON!

Kaya una pa lang sa sarili mo, dapat alam mo nang di siya magiging tao. Tingnan ko lang pag naging tao yan, nakakatakot. Magkaka-apocalypse sa daigdig na magdudulot ng wakas ng mundo.

Kaya kung sinasabi mo na "Sana maging totoong tao si *insert name*", dapat sinasabi mo na (kung sa books/wattpad:) "Sana makakilala ako ng tao na kagaya niya." (kung cartoon/anime naman, dagdagan mo ng:) "at kamukha niya."

Dapat ganon! Bes kahit gumawa ka ng listahan kung bakit di pwde maging kayo kagaya ng sinasabi ko sa last last update, kahit isang bullet lang na naglalaman ng "DI SIYA TOTOO!" (all caps, exclamation point, bold, italicized, underlined, lahat na para intense at matauhan ka. Sulat mo sa bato tas ipukpok mo sa ulo mo😂Dejk lang, pero pwede din.) ay sapat na.

Kaya wala nang pangalawa. Ano gusto niyong laman ng second bullet? Ang layo ng age niyo sa isa't isa? Di ka niya kilala? May iba siyang mahal? Na isa ring fictional character? Juzmee! Tigil-tigil mo ko ah! Kahit na magselos ka at magmarakulyo, wala akong pake.

Pero ano? Pinipilit mo pa rin ang gusto mo? Gusto mo bang gumawa ako ng part 2 nito para mas matauhan ka pa gaya ng ginawa ko sa celebrity crush? Baka gusto mo ring gumawa ako ng 100 pages back to back tungkol dito?

Kung gusto mo, de gumawa ka. Ayoko eh. Bukod sa nakakatamad at nakakapagod, masakit din para sakin. Pero di naman ako yung tipong nagwawala dahil lang sa isang fictional character na yan. Oo, kinikilig ako sa kanila. Oo, minsan nagseselos din ako sa kapartner nila. But to think na di sila totoo? Haysss. Paulit ulit tayo eh.

Bakit di pwedeng maging kami:
1. DI SIYA TOTOO AT KAHIT KELAN DI SIYA MAGIGING TOTOO!
2. Go back to 1
3. Go back to 1
4. Go back to 1
5. Go back to 1
6. Go back to 1
7. Go back to 1
8. Go back to 1
9. Go back to 1
10. Go back to 1

Gumawa ka ng ganyang listahan, 100 copies, at ipaskil mo sa pader, dingding, noo mo, higaan mo, bintana niyo, salamin, ref o ilagay mo sa bag mo, pencil case, unan, ulam niyo o ipit mo sa libro o kahit saan na makikita mo. Yung tipong kahit saan ka lumingon ay makikita mo.

Basahin mo na lang yung announcement sa author's note para masaya.

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯

Okay na naman siguro 'tong update na 'to dba? Natauhan ka ba?

Kung oo, pindutin mo yung maliit na bituin at magiging kahel ito. Gusto kong malaman ang sinasabi ng isip niyo matapos niyo 'tong basahin sa pamamagitan ng pag comment. At...

ANNOUNCEMENT: Gusto ko sana gumawa ng Facebook page tungkol sa Crush Layp para alerto na rin kayo sa update, kung free data users man kayo para alam niyo kung kelan kayo magpapa-load para mabasa yung update ko😂 Pag gumawa ba ako ng page ila-like niyo?😂 Comment your thoughts guys! Don't be shy. Tayo tayo lang to.
Kung sakali, gusto ko magpost ng mga quotes, hugot, confessions, anything about your crush. Mapa-celebrity o fictional. Pwede kayong magshare ng crush experience niyo at confessions niyo. Ganern. Pak!
Anong masasabi niyo? Is it a good idea? Comment lang po!

Lovelots😘😘😘

02-15-17
©CrishaneAen❞

Crush LaypTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon