Eyow wazzup? It's been exactly one month na pala since the last time na nag update ako. Happy Independence Day! O sige humugot kayo.
Btw, pasukan na namin nung June 10. Wala pa rin akong nahahanap na bagong set of crushes for this school year :< Kayo ba?
Anyways, dahil nga wala pa akong bagong crush, stick tayo dun sa crush ko, yung tinutukoy ko nung moving up na magdadalawang taon ko nang crush. Lumipat kasi siya ng school kaya I'm sad :<
Ever since moving up, hindi na kami naguusap or nagchachat. Tho one time nag wave ako sakanya tas nagwave back siya tas nagwave ako ulit tas sabi niya yo sabi ko rin yo then na seen ako. Well hindi lang naman siya yung winewave ko nung bakasyon, bored lang talaga ako kaya nagwave ako sa mga online.
Eto namang jowa niya, dalawang beses pa lang kami nakakapagchat, nung moving up na shinare ko nga dito tsaka nung May 24 which is nagsend siya ng screenshot ng vlog ko nung moving up (MYGHAD BAKA NABASA NIYA YUNG MOVING UP UPDATE KO DITO SA CRUSH LAYP AAACK) tas sabi niya ano ginagawa ko myghad. Edi kinamusta ko rin siya tas sabi okay lang naman then sabi ko buti naman then na seen na rin ako.
So here is where the story begins. Gamitin ulit natin yung codename na ginamit ko dun sa update ko nung moving up. Kenji as my crush. Koko as his jowa. Hindi na lang ako gagamit ng screenshots for their privacy na rin and ang cringe kasi eh lol.
Kahapon chinat ako ng crush ko. Weird nga na hindi ako kinilig lel. Ang dami niya kasing chat so I was like "problema nito?".
Tinanong ako ni Kenji kung nagchat ba raw kami ni Koko kasi hindi raw siya pinapansin tas itanong daw sa akin kung bakit. Ano ba raw sinabi ko. Galit yung jowa niya sakanya at hindi sinasagot video call niya.
Bruh, syempre, I was clueless. Ano nga bang ginagawa ko? Wala talaga. I dunno what to react. Sabi ko ba't naman ako nadamay? Inosente ako. Totoo naman talaga. Wag niyo ako i-judge. Sabi niya, hindi niya rin alam.
Hindi na talaga ako mapakali noon tas chinat ako ni Koko. Nagsorry siya. Tinanong ko kung bakit. Nagseselos daw kasi siya. Edi cinonfront ko na. Sinabi ko na chinat ako ng jowa niya kasi hindi niya pinapansin at itanong sa akin kung bakit. So sabi ko bakit naman siya magseselos sa akin? Wala talaga akong idea.
Sorry siya nang sorry. Sabi niya ang imma at isip bata niya raw kaya sorry talaga siya nang sorry. You know I'm so soft sa mga salitang "sorry" at "thank you". Marupok ako sa mga salitang yan. It's either in a fluttering way or in a guilty way. Kaya sabi ko wag na siya magsorry, okay lang I understand kasi bata pa naman talaga sila. Lalo akong nagui-guilty kahit wala talaga akong ginagawa kasi sorry siya nang sorry.
Tinanong ko kung may nagawa ba ako para magselos siya tsaka sorry na rin kung meron man. Sabi niya wala naman at puro sorry talaga sinesend niya. Sabi ko wag niya na akong pagselosan kasi friends lang naman talaga kami. And I accept her apologies.
Nahihiya raw siya sa akin at hindi niya alam yung sasabihin niya kaya sorry siya nang sorry. Lalong nagugulumihan ang utak ko pag nagsosorry siya eh. Nagsorry siya dahil nadamay pa ako, dahil nagulo ako, dahil di ako makapagisip nang ayos at dahil naiipit ako sa sitwasyon nila. Nagsorry nga rin yung crush ko kasi nadamay pa nga raw ako. Sinabi ko kasi both sakanila na ayusin nila yan at hindi ako makakatulog neto. Ayoko kasing maging dahilan ng breakup nino mang magjowa kahit na crush ko pa yan. Any kind of relationship, mapa-friendship man yan ayokong maging dahilan para mag friendship over sila or such. Makakaattend ba ako ng concert ng Twice pag ginawa ko yon? Hindi naman dba? So bakit ko gagawin yon? Masisira lang pangalan ko don.
BINABASA MO ANG
Crush Layp
Random➜Paano magpapansin kay crush? ➜Buhay may Crush? ➜Crush ka ni crush? and more... ©CrishaneAen❞