Someone send me a crush kiligable experience~ Copy paste ko na lang~
Hello ate, nabasa ko po kasi yung Crush layp. Ang cute niyo po dun hehe.
[a/n: cute daw ako hakhak~]
Gusto ko lang po ishare yung kwento namin ng crush ko.Lagyan natin ng codename, kunyari Lay. Diba po grade 7 kami non, naging katabi ko siya tapos nagkantahan tapos naging magkaibigan. That time, si "Lay" ay may ka MU. Si "K" . sabi niya dare lang yon. Pero ang alam ko, gusto nila ang isat isa. Tapos bigla silang nagbreak. Sinisi sakin ng mga kaibigan ni K kung bakit sila nag break ni Lay. Sabi ni Lay, wag ko nalang pansinin. Time passed at di ko namalayang crush ko na pala siya. Madaming nangaasar saming dalawa. Kasi yung mga panahon na yon, parang kami pero hindi. Nasabiko yon kasi siya yung nagaalaga sakin pag may sakit ako,nagproprotekta sakin, nambwibwisit saken. nagseselos pa nga siya dun sa boy bestfriend ko. Then one day, nagulat nalang ako nang may pinakilala siya saken, si Pat. Girlfriend niya daw. Nagulat ako non, bakit hindi niya sinabi sakin? Ganun naman parin kami, kaso, nung mga magbabakasyon na, yung dati niyang ka MU binabakudan si Lay. Mas matindi ba sa gf niya. Alam niya ng crush ko siya kasi nadulas yung bestfriend kong babae sakanya. Edi ang akala ko, nakamove on na ako. Tapos ngayong grade 8, nung mga first month naging close kami ulit, kaso, nung nagouting ang squad, di ako kasama kasi may sakit ako. Naging sila nung exMU niya. Sakit diba? Days passed at natutunan ko naring kalimutan yung feelings ko sakanya. Naging close kami nung kaibigan niya sabihin na nating "Jaz". Naguusap lang kami nun nang pumagitna siya samin. Edi no choice akong tumahimik. Masaya na ako non, kasi may crush narin akong grade 10. Kaso ngayong 2018, nagbreak sila Lay at nung gf niya. Bumalik nanaman yung kulit niya, pero di ko na siya pinapansin. One time, naglalaro ako tapos bigla siyang tumabi sakin. Nailang ako siyempre, ikaw ba naman yung muntik siyang mahalikan ng dalawang beses. Bigla akong umalis tapos nakita nung bestfriend kong nagdadabog siya paalis.
Naging close niya si bestfrien ko, si chy. Tapos naging kaclose ko si Jaz, crush ni chy.[a/n: wao~ ]
Ang ano no? May crush akong grade 10 non, alam niya. Nakatambay kami sa clinic non, nakaupo ako sa kama tapos siya naglalaro, sa sobrang likot niya, natumba siya, sa ken. Parehas kaming namula non. Tapos paglabas namin, sakto nakita ko yung crush kong grade 10, tas nauna siya, nang gigil. Di ko alam kung bakit. Simula non, lagi siyang tumititig, nangungulit ganon. Tapos nung isang araw, kindat naman na ng kindat, alam naman niyang sobra akong nagagandahan sa mga mata niya, tapos kikindat pa siya. Hanggang dun lang ung story namin. Tanong ko ate, aasa pa ba ako? O hindi na?
My response:
Uhhh? For me, ilang beses ng nangyari yan eh. Umasa ka pero may iba siyang gusto. Baka ganyan lang talaga siya sayo. Baka bestfriend lang turing niya sayo kaya ganon. Or maybe this time, maybe lang, na ikaw na yung gusto niya ngayon.
Pero wag na rin, tagal nang umasa eh. Tsaka marami pang iba diyan. May bago kang crush diba? Yown, dun na lang. Or hanap bago! Tanggapin mo na lang na hanggang friends na lang kayo. Kung hanggang dun na lang talaga.
In the end, ikaw lang magdedesisyon. Ikaw ang masusunod. Wag kang umasa sakin or sa kung anong sasabihin ng iba kung itutuloy mo pa ba o hindi na. Kung ano sa tingin mo, kasi nandito lang ako to help not to decide on your next plans.
¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
Nabanggit ko na dito yung tatak pinoy noh? So I have Tatak Pinoy Kpop Version entitled Tatak Kpop. Pati ako natatawa sa kabaliwan ko HAHAHA. Dami kong pinublish this vacation HAHAHA lang magawa eyyy
Mga gustong sabihin ng kaluluwa mo? Comment down↓
Crush ka ba ng crush mo? Vote if yes. If not, click that little star and it will turn to color orange.
Kailangan ng advice o mag-share ng nakakakilig na moments with crush? Just PM me. Magisip na rin kayo ng ita-title para di ako mahirapan magisip.
03-22-18
©CrishaneAen❞
BINABASA MO ANG
Crush Layp
Random➜Paano magpapansin kay crush? ➜Buhay may Crush? ➜Crush ka ni crush? and more... ©CrishaneAen❞