💙Lunch

157 12 2
                                    

May nagshare sakin ng crush experience. Inedit ko lang yung ibang words, proper punctuation marks, at proper capitalization. Lols. Share na rin kayo ng sainyo.

Pagpasensyahan niyo na yung title. Wala lang talaga akong maisip. Well connected naman siguro sa kwento ni ate yung title diba? Pasensya na rin sa last update, kinilig lang HAHAHA

Btw, fave time ko na yung lunch at recess kasi lagi kaming magkatabi ni crush😌😌

Gesi geh, enjoy reading!

└(^o^)┘  └(^o^)┘  └(^o^)┘  └(^o^)┘  └(^o^)┘ 

Last week, Tuesday, naka hair bun po ako first time ko na mag bun. Tapos pagpasok ko po sa gate nandun po si crush (last year ko pa po siya crush) tapos tuwing nagkikita po kasi kami lagi po kaming nag i-eye to eye contact tapos hanggang sa pagpasok ko po ng classroom nakatingin parin po siya sakin.

Next day, Wednesday, nung pagkatapos ko po mag lunch pumunta po ako sa comfort room para mag hugas tapos yung classmate ko pong babae nakita ko pong tumatakbo papunta sakin tapos sabi po niya "Rhein hanap ka ni sir english, crush ka yata ni Kuya N" so hindi po ako naniwala kasi akala ko po nagloloko lang po siya tapos pag akyat ko po sa second floor nakita ko po si crush na nakaupo sa upuan (magkalapit lang po kami ng classroom) tapos bigla ko pong narinig na tinatawag po ako nung english teacher namin so kinabahan po ako tapos pumunta po ako kay teacher (dumaan po ako sa harapan ni crush) tapos lumapit na po ako kay teacher tapos tinitigan niya po ako sabi niya itali ko daw po buhok ko.

Computer time po namin after lunch pagkapasok po nung computer teacher ko lumapit po siya sa akin tapos sabi niya may nagkakagusto daw po sa akin, tinanong ko po kung sino tapos ayaw niya sabihin. AP time pag pasok po nung teacher namin tinawag po niya ako edi lumapit po ako tapos may binulong po siya sakin sabi niya may nagkakagusto po sakin tinanong ko po kung sino tas sabi niya "Diba kahapon naka bun ka? Nagustuhan ka niya dahil dun" so lumabas po ako ng classroom kasi hindi po ako naniniwala, muka po akong sabog sa bun na yun.

Thursday, lunch, pag labas ko po ng classroom nandun po si english teacher edi hinila po niya ako tapos kumatok sya sa bintana nung classroom nila crush tapos sabi po niya si Aj (nickname ni crush) tapos nag hi si crush tapos ako ngumiti lang tapos sabi sir mag hi din daw po ako edi nag hi din ako tapos ginawa niya yung mini heart sa kpop hindi ko po alam kung bakit pero bigla po akong pinagpawisan dahil dun uminit po buong katawan ko tapos nung papunta na ako sa canteen tinawag niya ako tapos tumingin ako sa kanya tinanong ko kung bakit, ngumiti siya tapos sabi niya kumain ako ng madami

Friday, lunch ulit, paglabas ko ng classroom nandon ulit si english teacher tapos dinala niya ako sa third floor tapos binuksan niya yung pintuan ng room nagulat po si crush tapos sabi niya bakit daw ako nandun sabi ni english teacher gina guide niya daw ako edi sabi ni crush ibaba na natin siya , edi bumaba na kami sa second floor tapos tumigil si sir sa hagdan tapos sabi nung classmate ko andami daw ni crush na tinatanong tungkol sakin kung maingay daw ako, kung maganda daw sulat ko, kung ano favorite subject ko, kung ano favorite color, etc. Tapos pinakilala ako ni sir kay crush tas nagpakilala din si crush tapos after nun sabi ni sir mag shake hands daw po kami ako ayaw ko kasi nahihiya ako tapos biglang lumapit sakin si crush tas kinuha niya yung kamay ko tas shake hands kami. Computer time pinalabas ako ni sir tapos tinanong niya kung magkakilala na kami sabi "opo" tapos sabi niya mag shake hands daw kami sabi ko nag shake hands na kami kanina tas sabi ni sir ulit daw edi nag shake hands kami tapos ayaw na niya bitawan yung kamay ko (ang lamig po nung kamay niya)

Tapos kanina po na late ako ng pag pasok sa computer time namin edi na lockan ako tapos lumabas si crush ng classroom niya tapos umupo siya sa tabi ko tapos buong computer time namin kasama ko lang siya sa labas ng classroom

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
Sa mga gusto rin pong mag-share ng crush experiences, PM niyo lang po saken. Isip na rin po kayo ng title. Yun lang po, salamat! See yah all next update!

07-02-17
©CrishaneAen❞

Crush LaypTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon