❤Celebrity crush

220 16 7
                                    



May nanghingi ng advice sakin. Paano daw kung yung crush mo ay isang sikat na aktor/singer at malayo ang edad at lugar niyo sa isa't isa? In short, paano kung koryano crush mo?

I feel you bes. Gong Yoo nampyeon~😍❤️❤️

Well, di lang naman to para sa mga may korean crush, para rin to sa lahat ng may crush sa artista, singer, dancer, mapa-filipino o international basta famous siya at fan ka lang.

Gaya ni fafa Miguel Tanfelix koooo~😍❤️❤️

Okay. So my advice is...

Una pa lang bago ka maadik sa kanya, sabihin mo na sa sarili mo na "Artista siya at isa lang ako sa mga milyong milyong taga-hanga at nagkakagusto sa kanya...

Yes! Ganyan po talaga. Oo masakit man isipin pero ganyan talaga. Dugtungan natin.

"Kahit kelan di kami magkikita. Di niya ako makikilala. Di kami magkakausap. Di niya rin alam na nag-e-exist ako...

Well, depende na lang kung may fan meet o concert at nakita mo siya. Ang tanong, nakita ka ba? Pwedeng oo, 99% na hindi. Pwede rin kayong magkausap kung may pagkakataon. Who knows?

"Kahit kelan di magiging kami. May iba siyang gusto at hindi ako yon, hindi naging ako yon, at hinding hindi magiging ako yon...

Sa wattpad, kdrama, at kung saan mang libro at movies lang nangyayari na nagkatuluyan ang isang artista at yung fan nung artista! Bes, WALANG GANON!!!

Readers: Sakit naman nun author. Ayoko na!

Alam kong masakit but always remember, THE TRUTH HURTS!!! Kagaya nga ng sinabi ko, I feel you. Marami din akong celebrity crush.

"Kaya tatandaan ko, HANGGANG FAN LANG AKO. NO MORE, PWEDENG LESS!"

Hindi ko namang sinsabi na stop being a fan. Well, kung gusto mo pwede rin.

*in a calm voice* Ang ibig ko lamang iparating ay wag kang masyadong assuming. Oo, gwapo siya. Oo, hot siya. Oo, magaling siyang umarte, sumayaw, kumanta, kumain ng bubog, makipagbasag ulo, at kung ano pa mang talent niyan.

You can idolize and love him but don't be obsessed like "Anong pang silbi ng buhay na to kung di ko naman siya makikita ng personal?", "Ayoko nang mabuhay! May girlfriend na siya! *cries out loud*", "Magbebenta ako ng katawan mabili ko lang ang ticket para sa concert nila." at kung ano ano pang kaartehan yan.

Kaya gaya nga ng sinbi ko, ulitin natin at sabay-sabay bigkasin sa malakas na boses:
"Artista siya at isa lang ako sa mga milyong milyong taga-hanga at nagkakagusto sa kanya. Kahit kelan di kami magkikita. Di niya ako makikilala. Di kami magkakausap. Di niya rin alam na nag-e-exist ako. Kahit kelan di magiging kami. May iba siyang gusto at hindi ako yon, hindi naging ako yon, at hinding hindi magiging ako yon. Kaya tatandaan ko, HANGGANG FAN LANG AKO. NO MORE, PWEDENG LESS!"

Dagdagan natin. So ulitin ulit natin. Ready? Read it again out loud with full of emotions!

"Artista siya at isa lang ako sa mga milyong milyong taga-hanga at nagkakagusto sa kanya. Kumbaga, langit siya at (amoy) lupa ako. Kahit kelan di kami magkikita. Di niya ako makikilala. Di kami magkakausap. Di niya rin alam na nag-e-exist ako. Hindi rin mangyayari lahat ng iniimagine kong mangyari sa aming dalawa. Hindi niya ako rereplayan sa fb, ig, at kung ano pang social medias na ginamit ko para i-chat siya. Kahit kelan di magiging kami. May iba siyang gusto at hindi ako yon, hindi naging ako yon, at hinding hindi magiging ako yon. Kaya tatandaan ko, HANGGANG FAN LANG AKO. NO MORE, PWEDENG LESS! Hindi siya ang buhay ko. Isipin ko naman ang mga magulang at kapatid ko (kung meron) na laging nandiyan tuwing kinikilig ako nang dahil sa mga celebrity crush ko at kulang na lang ay idala ako sa mental, or worse rehab sa sobrang adik ko sa kanila. Tandaan ko rin ang mga kaibigan, kaklase, a guro ko na halos araw-araw kong kasama ngunit ang mga oppas ko ang iniisip kong kasama ko. Alalahanin ko rin ang Diyos na Maykapal na nagbigay sa akin ng buhay at buhay ng mga (imaginary) husbands and boyfriends ko na maaaring kunin ang buhay ko kung hindi ako titigil dito. Kaya, I (state your name), promised that I will pay attention to the people that surrounds me. I will continue being a fan but not die hard fan. I will continue loving my bias but still love myself. I will know my limitations. Again, I (your name), will love you (oppa's name) for the rest of my life by not forgetting my own life. I, thank you."

Claps until your hands until it bleeds.👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻

Okay ba? Sorna na sa english😂

So yun lang naman siguro.



Rules on having a celebrity crush:

1. Don't be a die hard fan.

2. Wag magpakabaliw ng dahil sa kanila.

3. Isipin ang mga taong nanjan palagi sayo at hindi yung idol mong di ka naman iniisip.

4. KNOW YOUR LIMITS!!!!!

Hope you enjoy! Lagi natin yang tandaan. Isaisip at isapuso natin ito.

¯\_()_/¯¯\_()_/¯¯\_()_/¯Author's Note-\_()_/¯¯\_()_/¯¯\_()_/¯

Kung napangiti ko kayo sa update na ito at talagang tagos na tagos sa puso niyo ang mga salitang binibitawan ko, pindutin niyo yung maliit na bituin at magiging kulay kahel ito. Nais ko ring malaman ang inyong mga saloobin, hinanakit, o kung ano mang magpapatahimik ng kaluluwa niyo sa update na ito sa pamamagitan ng pagcomment.

Kung nais niyong may mapagusapan tayo tungkol sa inyong crush, i-comment niyo lang rin ang mga topic na gusto niyo.

Kung manghihingi naman kayo ng advice tungkol sa problema niyo sa crush niyo, mag-pm lang kayo sakin at gagawan ko ng paraan upang makatulong.

Yun lamang po. Hindi man to mahal ni crush, laging tatandaan na mahal tayo ng Diyos! Salamat!

01-31-17
©CrishaneAen❞

Crush LaypTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon