Ariesselle's POV
Nakatingin lang ako sa uniform na nasa harap ko. Its a long-sleeved white blouse na may cerulean-colored bow tie and cerulean coat tapos dark blue skirt na hanggang knee ko. Ang girly talaga ng uniform namin kahet kelan! Sana maging black na lang yan. =___=
"I-try mo nga, Rie. Titignan ko kung kelangan ipa-adjust."
"Nanay, pwede na po yan. Ayoko ng suotin."
"Titignan lang natin. Baka maluwag yan. Pumayat ka kasing bata ka. Baka mamaya pag uwi ng Mommy at Daddy mo dito e iisipin di kita pinapakain." Ang OA ni Nanay Isah ah?
Si Nanay Isah yung tagapangalaga saming magkakapatid. Nurse si Mommy sa isang hospital sa States. Habang si Daddy naman doctor dun.
"Halika na nga. Kumain na tayo sa baba." tumayo na kami at bumaba na.
"Morning, bunso." -Kuya Aethan
"Morning, kapatid." -Kuya Andrei
"Good morning mga kuya." Umupo na ako tapos nilagyan na nila ako ng pagkain. :P
Ako ang bunso kaya lagi akong na-sspoil. Tsaka only girl lang ako kaya lagi akong inaalagaan ng mga kuya ko. Sweet ba pakinggan? Well, di talaga sila sweet. Sweet-sweetan lang. :P
Pagkatapos kumain, nagpaalam akong lumabas ng bahay. Nag gray sweatpants, pink long-sleeved shirt, at cap lang. Mukha na akong palaboy. XD Kinuha ko ang sling ko at bumaba na.
Kinuha ko yung bike ko sa likod-bahay at nagsimula ng magpedal paalis.Ang sarap lang magbike dito samin. Wala kasing masyadong taong palaboy-laboy kaya naman parang solong solo mo yung kalsada.
Napa-slow down ako pagkakita ko dun sa dalawang taong nakaupo sa porch sa isang bahay.
Napatingin yung babae sa'kin then smirked. Binilisan ko na lang ang pagpedal. Hanggang napunta ako dito sa mini-park.
Kinuha ko yung notepad ko at pen tapos nagsulat ako ng napakaaraming 'destiny'.
"Destiny destiny! Argh!" tinapon ko yung papel sa trash can pero di na-shoot. Psh.
Tatayo na sana ako ng may pumulot dun sa papel ko tapos binasa yung nakasulat.
"Miss, dapat marunong kang magtapon ng basura."
"Tatayo na nga oh!" Inagaw ko yung papel sa kanya tapos tinapon dun sa trash can."Sungit naman neto." Tinignan ko siya ng masama bago kunin bag ko. Tinayo ko yung bike at sumakay na rito. Psh. Pakialamero. Kalalakeng tao. Aish!
Bumalik na ako sa bahay at nagkulong sa kwarto ko. Bakit kasi dito pa nakatira yung Rachelle na yun? Bakit pa kasi bumalik yun dito?!
Allen's POV
3 days pa lang nung lumipat kami dito sa FS. At sa loob ng tatlong araw na yun, wala pa kong masyadong kakilala dito. E konti lang naman ang mga taong lumalabas sa mga bahay nila. Buti pa dun sa dati naming tinitirhan, maraming tambay.
Naglakad-lakad lang ako ng may marinig akong nagsalita, "Destiny destiny! Argh!"
Tinapon niya yung papel pero di na-shoot sa basurahan. Since malapit na ako, pinulot ko yung papel at tinignan ang nakasulat dito.
Ano to? Puro 'destiny' lang ang nakasulat.
Tinignan ko yung babae. Aba, si Miss Maingay to sa jeep nung last week ah.
"Miss, dapat marunong kang magtapon ng basura."
"Tatayo na nga oh!" Inagaw niya yung papel sa akin at tinapon sa basurahan.
"Sungit naman neto." Pero tinignan niya lang ako ng masama. Kinuha yung bag niya at tinayo ang bike niya saka umalis na rin.
Bah, problema nun? Pakealam ko ba? Naglakad-lakad lang ulet ako.
"Pambihira naman. Destiny ba pangalan nung babaeng yun?"
Sige, Allen. Kausapin mo sarili mo. Mabuti yan. =____=
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...