Ariesselle's POV
Hindi ko alam kung ilang oras kami nagsasasayaw ni Drew pero hanggang sa nag-end na yung pagplay ng mga songs e kasayaw ko pa rin siya. Natauhan lang ako nung magsalita yung host.
"Ah, sige Drew. Babalik na ko," binitawan ko na siya at tinalikuran siya pero pinigilan niya ako.
"Mamaya."
Tinanggal ko na yung pagkakahawak niya sakin at bumalik sa table namin. Nabatukan ko tuloy sarili ko. Argh.
"Magkasayaw kayo? Ayos na ba kayo?"
"Ugh. Kuya Dex, hindi pa. Paano na yan? Baka makarating to kay Rachelle."
"Makakarating nga. Tignan mo yun," may tinanguan siyang group of girls sa di kalayuan na table na masamang nakatingin sakin.
Argh. Kainis naman. Napaka-impulsive ng ginawa ko. Nakamot ko na lang yung ulo ko. Wala sa program ang isip ko. Paano na ako nito? Gera na to. Haay.
In-announce na nila yung mga may awards e di ko naman alam kung ano-ano yun.
Hanggang sa dumating na yung oras na ayokong dumating.
Nag-end na yung prom at hanggang 12 lang yung reception room.
"Mare, ayos ka lang? Uwi na tayo?"
"Enzo.."
"Oh?"
"Kakausapin ko lang si Drew. Pwede bang hintayin niyo muna ako ni Rein?"
"Huh? Ano ba yan, maniniwala ka nanaman ba sa kasinungalingan nun?" nagsalubong ang kilay niya.
"Enzo, please?"
Napabuga siya ng hangin at obvious naman na nagtitimpi siya tapos tumango na lang.
"15 minutes. Pag ikaw wala pa dito after 15 minutes, susugurin kita dun."
Tumango-tango ako at ngumiti ng malapad sa kanya. Tinalikuran ko na siya at nagtungo na sa garden. Ngayon na papalakad ako papunta dun, eto nanaman. Kinakabahan nanaman ako. Ano bang pwedeng mangyari ngayong gabi na nagpapakaba sakin?
Pagdating ko dun, tahimik at akala mo e walang tao. Tanging ang pag-agos ng tubig sa fountain lang ang maririnig mo.
Nakita ko si Drew malapit sa may bench. Nakatalikod siya sakin. Nakasabit sa bench yung coat niya at tanging yung maroon long-sleeved niya na lang ang gamit niya.
"Drew," tawag ko sa kanya at nilapitan siya.
He turned tapos nagsmile na parang relief siyang makita ako.
"You came," he walked towards me and hugged me.
![](https://img.wattpad.com/cover/9498374-288-k995922.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...