Chapter 79

3.6K 55 0
                                    

Ariesselle's POV

A year later...

"Nag-confirm ka na? Anong course?"

"Psychology," I answered habang pinupulot yung pen kong nahulog.

"Bakit Psych? Sana nag-Legal Management ka na lang."

Tinaasan ko siya ng kilay tapos sinara ang Sudoku book ko, "Gusto ko kasing mas maintindihan yung takbo ng utak mo. For sure, maraming matutuwa dun."

Tumawa naman siya tapos pagkatapos nun e nginitian ako.

"Naging mataray ka na talaga, Aries. Hindi kaya bitter ka pa rin?"

I smirked, "Oh, nuh."

Tumawa lang kaming dalawa. A year had passed and who would've thought darating ang araw na ganito kami mag-uusap?

"Drew? Sorry I'm late!"

Napatingin kami sa babaeng bagong dating. She's wearing a yellow shirt and jeans. Simple lang siya pero cute. And yes, si Andrew Benitez na ex ng lahat nga ang kausap ko.

"Ah, okay lang," tumayo siya at naghila ng upuan para dun sa babae. Napataas kilay ko. Hindi ko pa to nakikitang ganito ka-gentleman.

"Hi," I said.

"Aries, siya yung nililigawan ko," pagkasabi nun e namula siya. Ay naku! Dapat pinipikturan to e! Isa itong important mowment!

"Hi, Aries. I'm Libra."

Napanganga ako.

"Seriously?!"

Natawa silang dalawa sa reaksyon ko.

***

10 am na at naghihintay ako dito waiting for someone. Kanina pa nakaalis si Drew tsaka si Libra. Grabe naman ang tadhana. Di kaya sinadya niya yun?

"Hey," umupo siya sa chair na nasa harap ko.

"Ang tagal mo. Teka, may chika ako."

"Geez, later. Order muna ako. I'm thirsty," tumayo siya at pumunta sa counter.

Nandito kami sa Ed's, ang lugar na laging puntahan ng barkada noon. I'm with Rachelle now. Diba? Naging magkaibigan din kami. My ex-boyfriend's ex-girlfriend. Nagugulat nga yung mga kaibigan niya ngayong college kapag pinapakilala ako e. Ang weird daw na kaibigan niya yung ex ng ex niya.

Bumalik na siya sa upuan na may dalang isang iced tea.

"Ano ng gossip mo?"

"I saw Drew kanina. Nagkausap kami."

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon