Ariesselle's POV
"But Ma'am! I wanna sing! I wanna be Allen's partner!"
"Hija, you need to audition. Ayaw namin na magkaroong ng bias sa pagpili. Pumunta ka na dun sa stage at kumanta."
"Tss," umakyat na siya sa stage at kinuha yung mic. Napatingin sa kanya ang lahat ng tao sa loob ng auditorium. Nagsimula na siyang kumanta kaya inilagay ko na ang headphones ko.
"Rein! Umakyat ka na nga at ikaw na mag-audition!" Narinig kong sigaw ni Liz na nakalagay ang dalawang hintuturo sa bawat tenga.
Umakyat na si Rein sa stage. Nakita ko pang inis na bumaba ng stage si Cass. Nung kinuha ni Rein ang mic, binaba ko na ang headphones ko. Ayan, wala ng air pollution.
"Grabe ka, Rie. Bakit ka may headphones? Di mo man lang narinig ang beautiful voice ng best friend mo," pang-aasar ni Ria.
"Eh? Wakaranai yo."
"Kase naman. Hindi naman kagandahan yung boses e mag-aaudition pa."
"Grabe ka, Liz ah!" sabi ni Ria pero tumatawa naman.
"Okay, thank you, Rein! I-aannounce namin kung sino mapipili bukas."
Bumaba na si Rein at umupo sa tabi ko.
"Grabe, Liz! Buti na lang hindi ako nasintunado kanina. Bigla mo na lang ako tinulak."
"Ganyan kita ka-mahal e kaya ayos lang yan," sabi naman ni Liz.
Nakatingin lang ang ako sa phone ko. Tinitignan kung ilang araw na lang ako mananalagi sa bansang to. Ang OA lang nung term na 'mananalagi' eh noh? Naku! Dumami mga bibigyan ko ng gifts!
"Huy! Bakit busy ka masyado dyan? Ano yan ah?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Hannah lang pala. Tapos pinakita ko yung list of activities ko sa kanya.
"Hmmm. Busy ata ang buhay mo next week ah? Paano mo na mabibili ang Christmas gift ko? I'm expecting it! Pielabs, dapat yung puno ng pagmamahal."
"Gagawa na lang ako ng heart tapos bibili ako ng maliit na plastic tree at--"
Kinurot niya ako.
"Aray ko, babylabs! What did I do to yow?" sabay himas ko sa aking napaka-cute na pisngi.
"That's English, mah frend! E kasi naman, kamusta naman ang regalo mo?"
"Juk lang noh. Pinag-iisipan ko pa kung anong klaseng undergarments ang ibibigay ko sayo."
"What?!"
"Para sa honeymoon niyo ni Potpot."
![](https://img.wattpad.com/cover/9498374-288-k995922.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...