Allen's POV
"Honeybunch!"
"Cupcake!"
"The chocolate cake's delicious, you want it, teddy bear?"
"Anything. Okay lang sa'kin, munchkin."
"Tumigil nga kayo! Nakakadiri na ah!"
Napatawa naman ako kay Destiny. Simula kasi ng magkaayos sina Luke at Ria, mas naging extra sweet sa isa't isa. Sa tuwing naririnig namin sila na tinatawag ang mga pagkaing endearment nila, tumatayo balahibo namin.
"Sus. OA ka. Naka-headphones ka na nga dyan." -Ria
"Well pasensya na ah, mabibingi na nga ako sa lakas ng volume pero mas malakas pa rin boses nyo. Eew."
"Bitter ka lang." -Enzo
"Battered friend, yun ba gusto mo maging?"
"To naman! Jino-joke ka lang!"
"Bakit madali kang mainis ngayon, may dalaw ka noh?" -Carl
"Wala! Di ako behind bars kaya walang dadalaw sa'kin!"
"Masaya lang yang si Aries dahil madaming likes and comments yung video niya." -Liz
Totoo yun. Pagkatapos ko kasing i-video yung pagkanta niya, pina-post ko kay Liz. Di kasi pwedeng ako. Maraming pwedeng mangyari e kaya pinakiusapan ko si Liz. Tapos after a week lang, libo-libong comments at likes na natanggap niya.
"Ay ewan ko sa inyo. Bavarois akin and milkshake lang ako."
"Lang? Puro dessert ah!"
"Walang pakealamanan ng trip!"
Um-order na kami at siya naman e naglakad na para makahanap ng upuan ng biglang...
*BLAG*
"Oh, sorry. I didn't mean to."
Nakatingin lahat ng tao dun sa lalakeng nakabangga kay Destiny. Naka-red shirt, pants at shades lang naman siya pero grabe ang impact niya sa mga tao.
Napatingin naman ako kay Destiny. Aba. At talagang natulala siya dun sa lalake, e noh?
"Here. Lemme give you a hand," tinulungan niyang makatayo si Destiny.
"Ah, thank you."
The guy smiled, "Take care, 'kay? Gotta go," at umalis na siya.
"Tss."
"O, wag magselos dyan."
Napatingin naman ako sa kanila. Selos? Sinong nagseselos?
***
"O, ayan na bavarois at milkshake mo," nilapag ko yung order niya sa mesa.
"Ayoko na niyan. Busog na ko," sabi nya while resting her chin sa dalawang kamay niya. Parang nagdday dream.
"Edi wag. Ako kakain niyan," kukunin ko na dapat yung tray pero pinigilan niya ako.
"Eto naman! Di mabiro! Syempre, gusto ko pa yan noh!"
"Nakakita ka lang ng gwapo, busog ka na agad?"
"Oy, hindi kaya noh." Hindi daw, pero namumula naman siya.
"Next time kasi, tumingin din sa dinadaanan."
"Opo, opo. Geez, nag-pPMS ka ba?"
"Tch."
"Selos daw si Allen," sabat ni Carl.
Aba't! Ako? Nagseselos?! Hindi kaya!
"Ba't naman siya magseselos? Kadiri naman pag siya yung nabangga nung guy kanina at sabihan pang, 'take care', diba? Allen naman, wag kang mag-alala, darating din ang lalakeng para sa'yo," hinimas-himas niya pa ako sa likod.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...