Allen's POV
"Okay. Thank you for the good work, guys! Yun lang muna for today. Props committee, meeting with your head!" sigaw ng director namin.
"Hey, good job. Allen, right?"
Napalingon ako dun sa nagsalita. Taga-Class A to ah.
"Yeah. Thanks."
Ngumiti siya, "I'm Katrina Steins. From Class A, top 1."
Oh tapos? Pakealam ko ba?
"And?"
Tumawa naman siya. Nahihibang na babae.
"Yung mga subject teachers ko, always kang binabanggit. I happened to be curious kaya, wow, you have brains na nga, you've got the looks pa."
"So?" ang taray ko lang noh?
"I was just thinking... It's good if we hang out together, right?"
Ako naman ang tumawa. Ang blunt naman.
"Sorry, I don't think that's a good idea. And besides, I don't want to hang out with... you know, girls like you."
Ngumiwi siya. Natapakan ko ata ego niya.
"What d'you mean?"
"Wala naman. Mas gusto ko yung mga simple lang at di gaya mong sobrang maglagay ng make up. Teka nga, hindi ata pantay blush on mo."
"Really?!" kinalkal niya yung bulsa ng coat niya at kumuha ng compact mirror.
Geez. Napailing na lang ako.
Pababa na ako ng stage, pero pinigilan ko muna si Ria.
"Uy, Arianne."
"Oh baket?"
"Problema nun?" tinanguan ko yung direksyon ni Destiny. Kanina pa yan ganyan, may problema ata e. Wala ngang retort nung inasar ko tapos di masyadong nagsasalita. Usually, napapaos na nga yan e araw-araw ba namang dada ng dada. Pero ngayon..
"Tara, kausapin natin."
Nilapitan namin si Destiny. Kaming magka-grupo.
"Aries, tara dun sa tambayan," yaya ni Liz. Ang tambayan namin e ang field.
Tumayo naman siya at sinabayan kami papalakad.
***
"Ano bang problema?"
"Wala to."
"Anong wala? E halos buong araw ka na ngang di nagsasalita. Sino kayang maniniwalang wala kang problema?"
She sighed.
"Mag-promise muna kayo na kung anong sasabihin ko sa inyo e atin-atin lang AT walang dapat makaalam."
"Promise," sabi naming anim.
"Okay. Ria, Liz, Carl at Allen, diba may araw yun na nakita niyo ko na punong-puno ng mantsa ang coat at basang-basa ang buhok?"
Tumango kaming apat.
"Si Rachelle at yung best friend niya may gawa nun."
Kanya-kanya namang kami ng reaksyon. Muntik pa ngang tumayo si Liz pero napigilan naman ni Carl.
"Ba't ngayon mo lang sinabi?!"
"E ayokong sabihin. Pero di naman yun yung point."
"Ano pala?"
"Nag-away kami ni Kuya Drei... dahil kay Rachelle."
"Ano namang kinalaman ni Rach dun? Tsaka magkakilala pala sila?"
![](https://img.wattpad.com/cover/9498374-288-k995922.jpg)
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...