Chapter 24

4.6K 67 0
                                    

Ariesselle's POV

"Uy, ayos ka lang?" I held his face.

"Ayos lang. Medyo."

"Ano ba kasing iniisip mo?"

"Ikaw... Masyado kang nagiging malapit sa mga kaklase mong lalake."

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa mukha niya.

"Ganun naman ako noon pa e."

"Its just that... *sighs* Ayokong nagiging malapit ka sa kanila."

"Bakit?"

"Dahil ayokong maagaw ka nila sa akin. Pwede bang layuan mo na lang sila?"

"P-pero--"

"Fine. Forget it," tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. Ayokong nag-aaway kami.

"Okay. I'll do it for you."

And then bigla siyang nawala. Nasa ibang lugar na ako.

Nakatayo ako sa harap ng isang gym. Facing the court. Sa loob, may isang lalaking naka-white shirt, jeans at sneakers na nakahawak ng bola at gagawa ng 3-point shot.

Pawisan man siya at magulo ang buhok, hindi ko alam kung bakit pero habang tinitignan siya, bumilis ang tibok ng puso ko.

Eto na ba yung love at first sight?

Na-shoot niya ang bola tapos bigla siyang ngumiti. Mas gumwapo siya. Nagstep forward ako kaya naman natamaan ko yung trash can doon. Ang clumsy mo talaga, Aries!

"Ayos ka lang, miss?" napatingin ako sa kanya. Di lang mukha niya ang gwapo, pati na rin ang boses niya. Ay nako! Tama na ang pagtitig!

"Ah, yeah. Pasensya na, ah. Na-storbo pa kita. Akala ko kasi dito yung audi, e."

Ngumiti naman siya. Naku. Kinikilig ako!

"Sa kabilang dulo yung audi. Eto yung gym. Para ba sa open house?"

"Ha? Oo. Kaso, na-late ako at lahat ng mga kakilala ko andun na. Pasensya na. Sige, punta na ko dun."

Ngumiti lang ako at tinalikuran na siya. Naku. Nakakahiya naman!

"Ah, kung gusto mo, samahan na kita dun."

"Ha?" Nabingi ata ako. Tama ba ang narinig ko?

"Sabi ko, sasamahan kita dun." Ngumiti naman siya at sinabayan ako papuntang audi.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon