Ariesselle's POV
Pagkatapos noon, nagkaroon kami ng 'party'. Nagpa-deliver sina Kuya Aethan e. Naks talaga! Gumagalante sina Kuya Aethan! :D
Anyway, natapos yung party kuno ng matiwasay. Napilit ko rin si Ria na magpiano na lang siya kaya at last, natapos din yung pa-tampo epek niya nako.
7 pm na at nakaupo na kami sa dining room para kumain.
"Bunso, bakit di mo man lang napakilala si Allen samin noon?" -Kuya Aethan
"Transferee si Allen sa St. Denis, kuya. Galing sa alma mater natin." -Kuya Andrei
"Bakit kuya?" sabi ko.
"I like him," sabay kuha niya sa bowl ng kanin.
"*gasps* Owemji! Paano na si Ate Loren?! Kuya, kasali ka na ba sa fink federasyon?" pang-aasar ko sa kanya.
"Otro! I like him for you. Aside sa fact na pasado na siya sa qualifications ng pagiging husband mo, you seemed to be comfortable with him."
"Naks, um-english ka! :P" -Kuya Drei
Uminit naman yung cheeks ko. Etong kuya ko talaga!
"Ano ka? Anong komportable? Lagi nga kaming nag-aasaran nun," sinubo ko na yung ulam.
"Yun nga yung ibig kong sabihin e, parang a year ago, you're trying to be aloof. Diba, Drei? Pansin mo yun?"
"Oo nga, kapatid. Nagtaka nga yung mga kalaro ko sa basketball e. Hindi ka na daw matatawag na katropa."
Napatigil naman ako sa pagkain. Ganun ba ka-sobra ang pag-iwas ko sa ibang lalaki?
"So, anong connection nun sa pinag-uusapan natin?"
"Ang point ko, di ka naman ganun sa ibang lalaki. Na-eexpress mo yung 'ikaw' sa kanya."
"I don't really get your point, kuya Aethan."
"Are you comfortable being with Allen?"
"Yeah."
"Are you comfortable being with John[classmate]?"
"Well, err... No."
"Then, yun na yun."
***
Bothered talaga ako sa sinabi ni Kuya Aethan. Ewan ko ba dun, kung ano-ano napapansin eh.
Nakikinig lang ako ng music habang nagsusulat ng reflection paper para sa Values homework ko.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...