"Bilhan mo muna ako ng balloons at cotton candy duuun~" sabay turo ko sa mga nagbebenta sa di kalayuan.
"At baket ko gagawin yun?"
"Ahm, dahil mahal mo ko?" panunukso ko.
"Tss. Opo, mahal na prinsesa," tumayo siya at naglakad na papunta dun.
Pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko dun sa papel. Gusto niya kasing malaman anong sinusulat ko eh. Kalalakeng tao eh chismoso.
Di nagtagal e bumalik na siya na may dalang three balloons. Asan na cotton candy ko?
"Cotton candy?"
"Wala na. Inubos na nung mga bata. Destiny, 18 ka na. Wag ka ng mag-cotton candy."
"E baket tatlong balloons?"
"Para 'I Love You'. Kinikilig ka na?"
"Ang korni mong boyfriend ah?"
I folded the paper. Tapos kinuha ko yung isang balloon at tinali sa papel. Ganun din yung ginawa ko sa natitira pang dalawang papel. Tapos, pinalipad ko na siya.
"Para saan yun? Letter for Santa?"
Weird na boyfriend.
"Wala," tapos tinignan ko lang yung balloons na nililipad ng hangin.
Anong nakalagay dun? Ang nakalagay dun e ang sagot sa unang mga salita sa Prologue ng storyang to.
How do you move on from a break up?
Truth is, hindi ko alam. Depende kasi yan sayo. Magkaiba kasi yung mga tao. Magkaiba ng mga experiences at magkaiba ng mga paniniwala. Pwedeng yung isang step para magmove on e applicable sakin pero hindi applicable sa'yo. Kaya nga hindi ko sinunod yung mga steps sa internet.
Pero siguro, base sa karanasan ko, you need to accept the truth and open your heart. In love, you use your heart, right? Kasi pag nagmamahal, yung puso yung sinusundan mo. Kahit ano pang sabihin ng utak mo na 'tama na' e nagmamahal ka pa rin.
Sabi nga ni Ate Shane, ang pagmumove on eh hindi pinipilit o inaaral. Kusa lang dumarating yan.
*sigh* Nagtatanong ba kayo kung kamusta kami ni Johann? Actually, nagi-guilty ako. Feeling ko kasi pinaasa ko siya. Ang haba ng hair ko. Pinaghintay ko ang isang Johann para sa wala. Hay buhay. Pero ayos lang sa kanya. Ewan ko ba dun, sabi niya sa akin, kasalanan naman daw niya dahil siya ang umasa. Pero hindi daw siya nagre-regret. Kasi masarap daw magmahal...kahit di kayang mahalin pabalik ng mahal mo. Oke siya na! Huhu. Maghahanap na lang ako ng pwedeng gerpren ni Johann. Sinong may gusto? Nyahaha.
Pero ganun talaga. Hindi kasi lahat ng bagay e masusuklian. Gaya ng pagmamahal. Kusa itong binibigay at hindi ka humihingi ng kapalit.
"Destiny?"
"Hmm?"
"I'm just thinking... Paano ka naka-move on sa inyo ni Drew? Tagal mo kasing, you know... Inlababo sa kanya?" kinamot niya yung kilay niya.
Natawa ako. Pinagpapawisan na siya e.
"Hmm..." nag-isip ako tapos tinignan siya.
"How did I move on from him? I'm looking at my answer now."
Iniwas niya ang tingin niya at namula siya. Syett! Si Allen namumula! Wahaha.
“Peetee! Gesh. Namumula ka? Kinikilig ka noh? Wahahaha!”
Tawa pa rin ako ng tawa. Ang cute kaya pag makita mong namumula yung boy—
My eyes widened.
“Hoy! Why did you do that?”
Painosente pa siya, “Do what?”
“You s—Argh! You did it again!”
Tumawa siya tapos nagsmirk, “Asus. If I know, you liked it.”
Namula naman ako. Geez, magnakaw ba naman ng halik?! Kainis to. Kakahiya kaya! Madaming mga mata! Dapat sa private place ginagawa yan. Wahahaha! Oy! Wag mag-isip ng kung ano-ano!
“Heh! Pasalamat ka—”
“Gwapo ako?”
“Hindi. Mahal kasi kita.”
“Naks! Kinilig ako dun! Ulitin mo nga!” sabi niya sabay tawa.
“Tama na nga! Di bagay satin maging sweet!”
“KJ! *smiles* So, let’s go?”
He held my hand tapos naglakad kami papunta sa kotse niya.
I smiled. Sumisikip nanaman ang dibdib ko but it’s not because I’m jealous or what. Its because I’m super happy that finally... kami na.
This chapter of our lives ends here. We may face problems throughout our relationship but that's normal.
And I promise, I will never use the title of this story in OUR story.
Moving On From A Break Up ends here.
Moving forward and starting a new life with Allen starts now.
This isn't goodbye. This is see you soon. Salut!
---
Tear's note: UWAAAAAAAAAAAAAAH! *ngawa ngawa* Natapos ko na siyang i-post. Ajujuju. Salamat sa tumangkilik sa istoryang ito. mahal ko kayooo *_____*
Anyway, sana i-add niyo sa inyong RL ang istoryang to at magvote at comment kayo, please? *__* Hindi ako makapag-dedic kasi wala akong madedic. It herts. (_ _)
So, yun. Tapos na siyaaa! Salamat sa pagbabasa ng walang kwentang note na to. wahaha. kung may katanungan kayo, maaari niyo akong padalhan ng mensahe. nyahaha. salamat talaga. Ahlabyu! :))
So, eto na. MOFABU ends here. Mula kay Aries, Allen, Dylan, Rachelle, Gayle, Ria, Liz, Hannah, Rein, Alvin, Luke, Carl, Drew, Kuya Aethan, Kuya Drei, Johann, Ate Shane, Kuya Denver, Kuya Dexter, Stephen, Nanay Isah at Manong Guard (kasali ba siya? o.O):
BYE people! (^^,)'/
---
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...