Ariesselle's POV
Pagkatapos ng last period class namin, kanya-kanyang labas na mga kaklase ko.
"Aries, tara na.." tumayo na ako at naglakad na kaming papunta sa lockers namin.
"Ano gawin niyo bukas?" -Liz
"Punta kina Aries at magbibigay siya ng free piano lessons sa akin ^_^'v" -Ria
"Ambixosa ka talaga! Di ka nga marunong magpiano. Don't tell me, yun ang gagawin mo for Music?"
"Yeah!"
"Hay. Ako di pa nakaka-decide. Aries, punta rin ako bukas senyo."
"Di naman tayo magka-grupo! Dun ka nga sa group mo." sabay hug ni Ria sa'kin. Tong dalawang to talaga.
"Excuse me? Bahay niyo ba pupuntahan ko? *flips hair* Anyway, pupunta pa rin ako. Titignan ko kung matututo kang magpiano. Muahahaha!"
"How evil. Tch." lumayo na si Ria at nagsimula ng ilagay gamit niya sa locker niya. Natawa na lang ako.
Pagkatapos naming ilagay yung ibang gamit namin, bumaba na kami papuntang ground floor. Doon kasi naghihintay sina Carl at Luke eh.
"Uy, uwi na tayo?" -Carl
"Yep. Sige, Aries, una na kami. Bye!"
"Teka, asan si Allen?" Napatingin naman yung apat saken at biglang nagsmile. May nasabi ba ako? O.o
"Uyy, hinahanap~"
"Engks. Eh baka susulpot nanaman yun bigla-bigla e. May lahing kabute pa naman yun."
"Don't worry, Aries, di namin sasabihin. Secret lang namin to. :D" Ano raw? O.o
"Ewan ko senyo."
"Sige na, bye!" Hinintay ko munang magdisperse sila bago ako lumabas ng building.
Nakaupo ako ngayon dito sa isang bench sa waiting area. Dito ko laging hinihintay si Kuya Drei. Hay. Next week, driver na ulet susundo sa'kin since magsstart na ang class nila.
"Aries!" Napatingin ako sa lumalakad papalapit sa'kin. Si Ate Shane.
"Uy, di ka pa uuwi?"
"Hinihintay ko si Kuya Drei, Ate."
"Kahet kelan talaga yang kuya mo, laging late!"
Natawa naman ako, tama naman yang si Ate e, "Nga pala, ate. Di ka pa uuwi?"
"Di pa. May practice kami oh," sabay turo sa field na kaharap namin.
"Shane! Dali na!" tawag nung isang kaklase nila.
"Andyan na! *turns to Aries* Pano ba, mauna na ako ah?" tumakbo na siya papuntang field.
Napatingin naman ako sa mga seniors ng Class A. Competitive talaga sila kaya kahit simpleng presentation lang sa dancing, kelangan talagang i-practice.
Ang galing sumayaw ni Rachelle. Konting galaw lang pero graceful tignan. Kaya marami talagang nagkakagusto sa kanya. Swerte nga ni Andrew at girlfriend niya si Rachelle. *sigh*
"Oi! Destiny!" sabi na nga ba't may pagka-mushroom din to e.
"Oh baket?" sabi ko nung umupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon, nakatingin parin ako sa mga taga-Class A.
"Kung nasasaktan ka na tignan silang magkasama, bakit ka pa nakatingin?"
"Masyado na bang kumalat ang tsismis kaya kahit ikaw alam mo na? *sigh* Naranasan mo na ba yung parang ayaw mo na, sinasabi ng utak mo na wag na pero merong part sa'yo na nagsasabing wag mong tigilan?" Nagtatawanan naman sila ni Andrew ngayon. I never saw him that happy.
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...