Chapter 14

5.3K 83 3
                                    

Ariesselle's POV

"Tatay Ting, hello! Na-miss ko po kayo. Ikaw favorite driver ko," sabay tingin kay Kuya Drei.

"Hala. Hindi ako favorite driver mo?" sabi ni Kuya Drei sabay pout. Mukha siyang bulldog. :P

"Ikaw na ang pinakamatagal at late na driver na nakilala ko. Tsk tsk. Sayang ka kuya. Gwapo ka naman, tamad lang."

"Aba't!" Sumakay agad ako ng kotse bago pa man makahabol si Kuya Drei. Kami laging nag-aasaran na dalawa. Si Kuya Aethan naman yung big brother kaya serious-type siya.

Nagdiretso na kami sa school at pumasok na ako ng building. Umakyat ng stairs papuntang 3rd floor at pumunta ng lockers para iwan yung ibang gamit ko at PE uniform.

Isasara ko na dapat yung locker ko ng may narinig akong may nahulog. Pagkalingon ko...

"Wow. Ang daming love letters niyan ah?" napatingin siya sakin habang pinupulot yung mga yun.

"Syempre, gwapo ako e."

"Umandar nanaman pagka-Habagat mo e noh?" kilala niyo na kausap ko? Edi si Allen.

Sinara ko na ng tuluyan yung locker ko. Pagkatingin ko sa kanya, tinapon niya yung mga letters sa basuharan.

"Uy, ba't mo tinapon?"

"Ayokong basahin. Nakakadagdag lang ng dumi sa locker ko."

"E ano namang mararamdaman nung mga babaeng nag-effort para sumulat sa'yo?"

"Dapat alam na nila na useless yun dahil hindi ko sasayangin ang oras ko magbasa ng mga ganyan."

"Ganyan ka pala..."

He smiled, "Ang nagustuhan lang naman nila sakin e gwapo ako. Ano pa bang ibang alam nila tungkol sakin? Mukha lang pinapansin nila."

Tumango tango ako, "Ganyan din ba sa school mo dati? Maraming nagkakagusto sayo?"

"Wow. Interesado ka?"

Tinaasan ko nga ng kilay, "Masamang magtanong?"

Naglakad na kami papuntang room.

"Oo. Mas marami pa nga kesa ngayon e. Pero ayoko talaga yun. Bakit pa kasi ako pinanganak na gwapo eh."

Binatukan ko nga. Umaandar nanaman kasi ang pagiging mahangin e. Tumawa lang siya.

***

Last period class na namin. Ang pinaka-hate kong class sa lahat ng class. PE. Argh.

"Aries! Tara na sa ladies' lounge, palit na tayo!" sigaw ni Ria.

"Nasa locker uniform ko, tara doon," naglakad na kami papuntang lockers.

"Ano kayang dance ang gagawin natin ngayon? Excited na ako!" -Ria

"Kami raw Jive. Ikaw, Hawaiian dance." -Liz

Natawa naman ako sa sinabi ni Liz. Bigla ko kasing naimagine si Ria na nag-hhawaiian dance, naku! Epic! :D

Dumiretso kaming lounge at nagpalit. After that, pumunta na kaming gym.

"Okay, class! Find your partners now!"

Nako. Sasayaw nanaman ulet. Pwede bang babae partner ko?

"30 kayo. Sakto dahil 15 boys and 15 girls kaya walang magpartner na girls. Dali na!"

Syett. May Mental Telepathy alice ka ba, ma'am?

"DESTINY!" Napatingin ang lahat ng tao sa gym kay Allen. Syett sya. Andito pa naman ang senior Class A for PE rin nila. Pareho pala kami ng PE time.

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon