Chapter 38

3.8K 54 0
                                    

Ariesselle's POV

Napatayo ako wala sa oras. Ano bang ginagawa ng lalakeng to dito?

"Chumachansing ka talaga e. Taking advantage sa kabaitan ni Rie," sinuntok niya ulit si Allen.

Pinunasan ni Allen yung gilid ng labi niya tapos tumayo siya.

"Siraulo ka pala e!" sumugod naman si Allen kay Drew. At ayun na po, nagsusuntukan na silang dalawa.

"Ano ba! Uy, tama na nga! Baka may makakita sa inyo!" lumingon-lingon ako. Baka may pwede akong mahingian ng tulong pero walang tao. Naman!

"Magselos ka kung kayo. Wala kang karapatan pagbawalan akong lumapit sa kanya dahil di naman kayo."

"Tss. Hah. Kung magsalita akala mo kung sino ah."

Patuloy lang silang nagsuntukan dun. Naku. Kinakabahan na ako.

"Tama na nga! Drew! Allen!" hinila ko palayo si Allen.

"Hindi ako titigil hanggat di ka nakikipag-usap saken."

Shet. Ngayon pala niya sinabi na magkita kami.

Biglang nawala mula sa pagkakahawak ko si Allen.

"Edi di rin ako titigil! Di ako papayag na makapag-usap kayong dalawa!"

Naku! Di ba uso sa mga lalake ang salitang 'masinsinang pag-uusap'?

Napalingon ako. Sht. Andito yung dalawang julalay ni Drew.

"Oo na! Makikipag-usap na ako sa'yo! Itigil niyo na nga yan!"

Napatigil silang dalawa. Si Drew nakangisi, si Allen, shock.

"Pasensya na, pare. Mas pinili ako e."

"Tss," naglakad na palayo si Allen. Susunod na sana ako pero pinigilan ako ni Drew.

"Tara na."

"Sandali lang. Pwede bang mga 5 na tayo mag-usap? Maghintay ka muna."

"An--"

Bago pa siya makasagot, hinabol ko na si Allen.

***

"Uy? Galit ka ba? Allen!" ang bilis niya maglakad. Papunta kami sa bahay nila.

"Uy, dun na tayo sa bahay. Makiki-dinner ka, diba?"

Pumasok kami sa bahay nila. Dumiretso siya sa bathroom para kunin yung med kit nila.

"Allen... galit ka ba sakin?"

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon