Ariesselle's POV
Nasa field kami ngayon. Wala na nga masyadong tao e kasi nagsiuwian na sila. Yung iba nagbar hopping na dahil sinusulit na walang pasok today.
Naglatag kami ng mat para mukhang picnic talaga with matching picnic basket courtesy of Denis' cafeteria.
Kaming mga babae andito nakaupo at kumakain ng mga dala naming mga pagkain. Habang mga kalalakihan e andun, naghaharutan sa gitna ng field. Pero joke lang, naglalaro sila ng football dun. Apat sila, sina Allen, Lucas, Carlos at Lawrence. Buti nga si Allen nakasama e, nagpartey-partey kasi si Cass kasama nung malalandey na cheerleaders sa Class A kaya walang nagbabawal kay Allen. Kung kumilos pa naman yung si Cass, daig pa si Tita Ayah. Pero minsan, parang isang terroristang teacher na maarte. Perfect description.
"Biruin niyo yun, gwapo pala si Allen?" nasabi ko out of the blue. Ay panget. Bakit nasabi ko yun?
"Sus. Noon pa yan gwapo. Ngayon mo lang nakita," sagot ni Liz habang naglalagay ng jam sa loaf bread. Kumpleto kasi kami ng paraphernalia.
"Anong ibig mong sabihin dun? Na bulag ako noon?"
"Hindi, friend. Ang gustong sabihin ni Liz e, kahit magkasama kayo ni Allen, hindi mo siya nakikita," explain ni Hannah.
"Hindi ko pa rin gets."
"Kung magkasama kasi kayo ni Allen, nakikita mo siya bilang taong laging andyan para sayo. Parang alam mong andyan siya pero di mo talaga siya nabibigyan ng pansin kasi sa iba nakatuon ang pansin mo."
Para naman akong sinaksak nun sa puso. Ang sakit nung sinabi ni Rein pero alam ko namang totoo.
"Ang sama ko pala."
"Hindi naman masyado, Rie. Siguro dahil lang sa nagbubulag bulagan ka kaya di mo nakikita," sabi ni Ria. Woah. Eto ang unang beses na straight siya nagsalita ng Tagalog.
"Ewan ko. Ano namang dahilan ko para magbulag-bulagan?"
"Kasi ayaw mong paniwalaan yung mga nakikita mo."
"Huh? Weird na ah!"
"Eto na lang, naka-move on ka na ba?"
Napatigil ako. Naka-move on na ba ako?
"Hindi ko alam."
Kinalabit naman ako ni Hannah at may tinuro sa may waiting area. Siyempre napatingin ako.
Si Rachelle at Drew. Mukhang sinusuyo ni Drew si Rachelle habang nakataas kilay si Rachelle habang naglalakad.
Nakakainggit. Ngayon ko lang nakita si Drew na nanunuyo. Dati kasi pag nag-aaway kami, kahit kasalanan niya, di niya ako susuyuin. Ako nga ang gumagawa ng way para kausapin niya ako. Ang sakit naman nun.Siniko ako ni Rein kaya napatingin ulit ako sa kanila.
"Oh?"
"Anong naramdaman mo?"
"Masakit."
"Masakit?"
"Masakit kasi never niya akong sinuyo kapag nag-aaway kami unlike sa ginagawa niya ngayon kay Rachelle.."
"Yun lang?"
"Nakakaselos din."
"Ano pa?"
"Ano pa ba... yun lang naman. Masakit at nakakaselos. Bakit ba?"
Ngumiti naman sila.
"Wala naman. E yung kay Allen?"
"Anong kay Allen?"
BINABASA MO ANG
Moving On From A Break Up
Teen FictionBREAK UP. Isa sa pinakamasakit na karanasan ng isang tao. Paano nga ba makaka-move on sa isang break up? Paano mo nga ba malalamang naka-move on ka na? E paano kung may bagong dumating at gustong makisiksik sa buhay mo? Handa ka bang buksan ang puso...