Chapter 4

7.1K 108 4
                                    

Ariesselle's POV

Nakaupo ako sa may bintana ng kwarto ko. Di ko nga alam kung ilang oras na akong andito e. Habang busy ako kakaisip ng mga bagay-bagay, di ko napansing nakapasok na pala ng kwarto ko sina Kuya Drei at Kuya Aethan.

"Kapatid?" Lumingon ako and gave a quick smile.

"Bakit mga Kuya?"

"Okay ka lang?" Lumapit si Kuya Aethan sa akin at hinawakan ang noo ko, "Wala ka namang lagnat, bakit ba ang tahi-tahimik mo these past few days?"

"Di kame sanay. Di maingay ang bahay pag di ka nag-iingay. May problema ba?"

"Iniisip ko lang kung kelan ako pupuntahan ni Touya melabs dito."

"Di yun pupunta dito noh." Naglakad na sila papuntang pintuan.

"Basta kung may nang-aaway sa'yo, sabihan mo kame ah? Resbakan ka namin."

"Pero pag yan lalake lang, asahan mo upakan namin yan."

Nanlaki naman ang mata ko, "As if naman! Si Mommy nga okay lang magboyfriend ako since 16 na ako tapos kayo di pwede?"

"Hah! Di pa pwede hanggang sa magka-girlfriend tong si Drei. At papagalitan kame ni Dad pag nalaman niya yun. Aba teka, wag mong sabihin totoong may boyfriend ka na?"

"Wala kaya." wala naman talaga diba? :P

"Siguraduhin mo yan ah?!"

"Oo nga. Shoo, alis na!" lumabas na sila. Haay. Buti na lang andyan sina kuya para sa akin.

***

"Kuya! Dalian mo nga dyan! Male-late na koo!"

"*hikab* Anong male-late? 7.15 pa lang."

"Naku talaga! Pag ako nagka-boyfriend, sa kanya na ako sasabay papuntang school!"

Napatayo naman agad si Kuya Drei sabay kuha ng susi ng kotse niya. Muahaha. Mabuti naman at natauhan siya. :D

"Boyfriend, boyfriend! Tara na nga!" kinuha ko 'yung gamit ko at lumabas na ng bahay.

***

Pagdating sa school, tinignan ko agad sa bulletin board kung Class B pa rin ba ako. At ayun nga, dun pa rin ako.

Mabagal akong maglakad papunta sa main building dahil ambagal maglakad ng dalawang babaeng nasa harap ko.

"Si Andrew at Rachelle na raw ulet."

"Talaga? E paano si Ariesselle?"

"Wala na ata sila. Si Rachelle din naman ang nauna at siyempre, sino ba naman ang aayaw kay Rachelle, diba? Sikat na lang ni Rach."

Inunahan ko sila sa paglalakad. Sabay lingon sa kanila sabay sabing, "Excuse me."

Umakyat na ako papuntang room at umupo sa pinakalikod.

"Aries! Dito ka nga sa amin." sabay turo ni Ria sa upuan sa side niya.

"Ayaw. Dito lang ako.."

*KRIIING*

Napatingin ako sa bintana. Mula dito, kita ko kung paano silang dalawa masayang tumatakbo ng nakahawak kamay. I frowned. Napatingin naman si Andrew dito kaya naman napatingin na lang ako sa harap.

Allen's POV

Monday morning. Sinuot ko na yung uniporme ko. Long-sleeved polo, cerulean tie, cerulean coat at black slack. Sobra-sobrang blue na 'to ah!

Inihatid ako papunta sa bago kong school, ang St. Denis High. Isa nanamang exclusive school. =_=

Pumunta ako sa Admission's Office at sinamahan ako nung guidance counselor papunta sa room ko.

"Mr. Pelarta? This is Allen Hererra. New student. He'll be in your class."

"Okay, thank you, Ma'am." Pinapasok ako nung Mr. Pelarta daw. Pinasulat niya sakin yung pangalan ko sa white board.

"Okay, class. This is Mr. Allen Hererra. Bagong student dito. Introduce yourself to the class."

Napatingin naman ako sa loob ng room. Hmmm. Pwede na rin. 30 kaming students?

"Hi, I'm Allen Hererra. From St. George High. Nice to meet you all." napatingin naman ako dun sa babaeng nasa pinakalikod. Napangiti ako, dito pala to nag-aaral.

Napatingin siya sa akin and squinted her eyes.

Napakaway ako sa kanya sabay sabing, "Uy, Destiny! :P"

Nanlaki naman yung mata niya tapos napatingin din sa kanya si Sir at yung ibang kaklase namin.

"Uy! Hindi ako si Destiny ah!" sabay iling niya pa.

"Uhh.. Allen, maupo ka na." Sabi ni Sir. Edi syempre, umupo na ako... sa tabi ni Destiny. :D

"Okay, yun lang muna. Ayoko namang maglesson agad-agad. Bukas na lang ulit. Bye class."

"Goodbye, Sir!" umalis na rin si Sir.

Napatingin naman si Destiny saken, "Oy, imbento ka ah. Hindi Destiny pangalan ko."

"Bah, anong alam ko? Yun ang nakasulat dun sa papel mo e."

"Anong pangalan mo? *tingin sa board* Alien?"

"Imbento ka rin e. ALLEN. Allen pangalan ko."

"Tignan mo nga! Parang 'i' ung pangatlong letter! Ayusin mo kasi pagsusulat mo."

"Bulag ka lang."

"Alien. =_="

"Destiny. :P"

"Wag mo kong kausapin." wahahaha. Pikon pala to e. :D

Moving On From A Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon